KABANATA 18

354 19 0
                                    

HINATID ni Earth si architect Caroline sa isang underground pool na nagmumukhang cave, sobrang ganda ng tubig, malamig at mataman ang ilaw,

"Wowow" namamaghang ani ni architect Caroline na nasa likod niya, napatingin si Earth kay architect Caroline nang lumibot na ito ng tingin sa boung lugar,

"This was built 5 years ago, Bella requested it." Ani ni Earth, napatingin naman sa kaniya si architect Caroline,

"I'm sorry" malungkot na tugon ni architect. Ngumiti naman siya at nilagay sa bulsa ang mga kamay,

"Gusto mo ba idagdag ko 'to sa designs ko? R-remembrance mo ganun" pahina ng pahina ang boses ni architect Caroline dahilan para matawa siya ng bahagya,

"Napapansin ko architect. Minsan, you're being talkative and funny. But most of the time you're acting professional..." pabitin na sabi niya kay architect na napalunok habang napatingin sa kaniya,

"are you avoiding me?" nakataas na kilay niyang tanong kay architect na nanlaki ang mga mata at umiwas ng tingin sa kaniya,

"A-Avoiding? B-bakit naman kita iiwasan? S-Saka, professional..natural yun kasi a-amo kita at architect mo lang ako..h-hindi ba yun yung sabi mo sa akin nung unang gabi—"

"Architect Caroline. Yes or No lang ang hinihintay kong sagot mo," pagputol niya sa iba pang sasabihin ni Architect.

"No" deretsong sabi ni architect sa kaniya saka ito tumalikod at naglakad papalapit sa pool.

"Bakit mo pala gustong ipakita sa akin 'to?" kapagkuwan ay tanong sa kaniya ni architect Caroline,

"Gusto ko maligo" nanunuksong sagot niya kay architect Caroline na atumatikong lumingon sa kaniya at binigyan siya ng nagtatakang tingin,

"Maligo?????? Eh bakit—"

"I want you to watch me" nakangiti at nang-aakit na singit naman ni Earth dahilan para pamulahan si architect Caroline ng pisngi,

"A-Anoooo??" hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni architect dahilan para matawa siya, yung tawa na hinding hindi niya pa napapakawala, at dahil hulmang kweba ang pool na 'to ay umalingawngaw ang tawa niya,

"Look..I was just kidding, okay?" natatawang sabi ni Earth habang pinipigilan ang tawa, si architect Caroline naman ay naka cross arm at tiningnan siya ng puno ng pagtatakha,

"Just, look around the place, I want you to add this kind of room in my mansion. This is not for Bella, this is for Celestine" paliwanag ni Earth sabay turo sa isang pinto,

"Try to look at that room, I want those designs to roam around this pool room in the mansion" muling ani niya, napatango-tango naman si architect sa kaniya,

"Okay, thanks Mr.Sevida" sabi ni architect Caroline sa kaniya saka tumalikod at pinuntahan ang pintong tinuro niya,

At nang makapasok naman si architect Caroline ay lumapit siya sa isang cabinet noon at kumuha ng isang swimming shorts, matapos nun ay lumingon muna siya sa pintoan na pinasokan ni architect Caroline kanina bago siya pumasok sa banyo ng kwartong iyon,

Nang makapag-bihis siya ay lumabas na siya at hinubad ang polo niyang sout, komportable siyang matatagalan si architect dahil alam niyang malaki-laki ang kwartong iyon,

Agad siyang sumulong sa pool at nang makaahon ay hinubad niya ang tali sa buhok at hinayaan itong nakalugay, ganoon ang naging galaw niya sa loob ng ilang minuto, umahon siya at umupo sa gilid ng swimming pool, muli siyang sumoong sa ilalim ng pool at umahon, sa hindi inaasahang pag-ahon niya siya ring paglabas ni architect Carolie mula sa pinasokang pinto,

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon