KABANATA 12

383 20 0
                                    

THE RACE  WENT SO BAD. Sobrang Bad dahil sa hindi na nila makausap ang kapatid na si Edgar ng maayos dahil sa galit,

Natalo kasi si Edgar ng isang rookie at babae pa, kaya naiintindihan nila ang galit nito, hanggang sa makauwi sila sa pinas ay hindi parin makausap ng maayos si Edgar,

"How's Celestine?" tanong ni Earth kay aling Ernita nang makauwi sila mansion,

"Okay lang naman po, nung mga araw kasi na wala kayo ay bumibisita dito sina architect Caroline at si Sir Joseph Melendrez..hihi nakakakilig nga sir eh, mukha silang mag-asawa" masayang kwento ni aling Ernita, napatigil naman si Earth sa paglalakad at nilingon si aling Ernita,

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Earth, tumango-tango naman si aling Ernita,

"Totoo po sir! Nandito nga sila ngayon eh, nasa indoor garden sila—" hindi na pinatapos ni Earth si aling Ernita dahil agad siyang lumakad papunta sa indoor garden at ganoon na lang ang pag-akyat ng inis niya nang makitang nagtatawanan silang tatlo,

Natigil naman sila sa pagtatawanan nang makita si Earth, dahil din sa inis ni Earth ay binalewala niya iyon at tumalikod. Inis niyang tinungo ang kwarto niya, at nang makarating siya doon ay biglang napasagi sa isip niya ang inakto niya kanina,

Bakit ba siya naiinis?

Siguro ay nagseselos siya, hindi kina engineer Joseph ay architect Caroline, kundi dahil imbes na siya ang nagpapatawa ng anak niya ay sila pang hindi mga magulang niya,

"Yeah that's right, nagseselos ako kasi hindi ako ang nakapagpatawa kay Celestine. That's it" pagkumbinsi niya sa sarili,

Agad namang hinubad ni Earth ang mga damit at dumeretso sa banyo saka naligo, nahilot naman ni Earth ang sentido nang pumasok sa isip niya ang business meetings niya,

Bukas na ang alis niya at wala pa din siyang nahanap na sekretarya, kung wala siyang sekretarya ay hindi niya malalaman kung sinong una niyang pupuntahan, kung anong oras at kung saang lugar,

"Now I know the importance of a secretary" bulong ni Earth sa sarili, tinapos niya na ang paliligo kaya naman ay lumabas na siya ng banyo nang naka hubo't hubad.

"AAHHHHH!!!"

"Holy Shit!!!"

Agad na hinila ni Earth ang pinakamalapit na tela sa kaniya saka tinabon sa kaniyang baba, agad siyang nataranta at nakaramdam ng gulat dahil sa sigaw ni architect Caroline

"What the fck are you doing here,architect?!!" galit na tanong ni Earth sa nakatalikod na si architect Caroline,

"I-I'm sorry sir E-Earth, k-kasi po n-nag ha-hide and seek kami ni C-Celestine a-akala ko dito siya nagtatago" nanginginig na sagot sa kaniya ni architect,

"Fine. Just go out" utos niya, nang hindi naman gumalaw si architect,

"OUT!!" sigaw ni Earth dahilan para mapatalon si architect at nagmamadaling lumabas ng kwarto niya,

"Shit,shit,shit" bulalas ni Earth, agad niyang tinapon ang tela sa kung saan saka siya lumakad sa walk in closet niya,

Matapos magbihis ay agad na bumaba si Earth at pumunta sa opisina niya, agad niyang kinuha ang tablet niya para tingnan ang schedule ng meeting, napahilot naman siya sa sentido niya nang makitang napakarami niyang meeting sa loob ng dalawang linggo, meron pang mga party at kudng ano-anong gatherings,

"....nung mga araw kasi na wala kayo ay bumibisita dito sina architect Caroline at si Sir Joseph Melendrez..hihi nakakakilig nga sir eh, mukha silang mag-asawa"

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon