KABANATA 14

399 20 0
                                    

EARTH is walking back and forth to the human sized mirror in front of him, he never likes it when he wears tuxedos or any formal attires, he's uncomfortable, mas gusto niya yung leather jacket at white t-shirt, at sa isiping yun, he quickly ran towards his room and changed his outfit,

Tinali niya ang mataas niyang buhok at naglagay ng pabango sa katawan, after that, kinuha niya ang wallet at cellphone niya at naglakad palapit sa pintoan, nang makarating naman siya sa pintoan ay pinihit niya ang door knob at akmang bubuksan ng maluwang ang pintoan nang makarinig siya ng mga nag-uusap,

"Ma'am pasensya na po sa disturbo, kami po yung mga housekeeper, lilinisin na sana namin, nandito pa pala kayo" rinig niyang sabi ng isang hindi niya kilala, binuksan niya ng kunti ang pinto at nakinig, alam niyang si architect ang kausap nito sapagkat wala naman siyang ibang kasama sa floor na ito, at alam niya ding housekeepers ang kausap ni architect,

"Hindi niyo na kailangan maglinis ate, hindi naman madumi ang suite na'to eh, yung time na ililinis niyo, ipahinga niyo nalang, maliwanag ba?" mahinahong at kalmadong sabi ni architect Caroline sa mga housekeepers

"Salamat sa iyong malasakit ma'am, pero hindi ho namin maaaring gawin yun, kung walang linis dito ay wala din kaming kita, wala din kaming ipapadala sa mga anak naming nag-aaral pa lamang, kaya mas pipiliin namin ang maglinis ng may pera kahit na pagod ay kakayanin, naiintindihan namin ang sinseridad mo ma'am ngunit sana ay maintindihan mo din an hanapbuhay namin," paliwanag naman ng isang bababae kay architect Caroline, nanatili namang nakinig si Earth,

Earth knows eavesdropping is bad, but something is pushing him to listen some more, and Earth knows that he wanted to know how architect Caroline will react in this kind of situation

"Hintayin niyo muna ako dito ah?" rinig niyang bilin ni architect Caroline sa mga babae, tumahimik naman ng ilang segundo ang paligid kaya nakuha na ni Earth ang pagkakataon para sumilip, naghihintay na ang mga housekeepers sa kaniya, at nang marinig ni Earth ang tunog ng takong ni architect Caroline ay agad siyang nagtago sa likod ng pintoan ng suite niya,

"Hindi niyo na kailangan maglinis, ipagpabukas niyo nalang, pagod na kayo at kinailangan niyong magpahinga, tigli-limang libo kayo, sana ay makatulong—"

"Maraming salamat po ma'am" naiiyak at sabay na sabi ng mga housekeepers, at that moment, Earth smiled, again.  Binuksan niya din ng kunti ang pinto at agad niyang nakita si architect Caroline na nakangiting tiningnan ang papalayong mga housekeepers na masaya sa ginawa ni architect, but Earth froze when he saw the dress, and the pumps she's using,

He felt his heart jumping in happiness, masaya dahil bumagay sa pinagbigyan niya ang damit na binili niya,

"Mr.Sevida?" that snapped him back to reality, agad niyang winala ang emosyon sa mukha niya at lumabas sa suite niya,

"Yeah?" patay-malisyang tanong niya kay architect na kunot noo siyang tiningnan,

"Kanina ka pa diyan?" tanong ni architect sa kaniya, agad naman niya itong tinaasan ng kilay at saka nilagay sa bulsa ng pantalon ang mga kamay,

"Nope, bago lang din, sumilip ako baka kasi...dumating na yun bellboy, may iniutos kasi ako eh" palusot niya, marahan namang napatango si architect kaya naman tumikhim siya saka bumalik sa pagka-seryoso,

"Anyways, let's go, late na for dinner" pag-aya niya,

"Okay, may kukunin lang ako sa loob" sabi naman ni architect saka tumalikod, bumuga naman ng marahas na hangin si Earth,

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon