KABANATA 16

356 17 0
                                    

NANATILING kalmado si architect Caroline hanggang nakarating sila sa hotel kung saan sila namamalagi,

Ayaw man niyang aminin, pinagsisihin ni Earth ang pag-sabi niya kanina, sanapala hindi niya sinabing 'you're being talkative'.

"you should rest, ako nalang ang pupunta sa meeting ni Mr.Leonas, then you'll come with me sa meeting with Mr. and Mrs. Franco" bilin ni Earth kay Architect nang makarating sila sa harap ng pintuan ng suite na inukupa nito,

"Mr.Sevida—fine. As if may magagawa ako" napipilitan na ani ni architect Caroline, napatingin naman si Earth sa braso nito,

"Are you sure you're okay?" tanong muli ni Earth,

"I am, don't worry" agad na sagot ni Architect Caroline,

"Papasok na ako, Mr.Sevida. Hintayin ko nalang ang katok mo mamaya" paalam ni architect Caroline sa kaniya, tumango lang si Earth saka siya tumalikod ng walang paalam at pumasok sa suite,

Agad niyang hinubad ang leather jacket niya, saka niya sinuklay ang mahabang buhok,

Agad siyang umupo sa sofa at pinikit ang mga mata niya, at sa pagpikit niya ay pumasok sa isip niya ang mukha ni architect Caroline habang magkalapit ang mga mukha nila nung nandoon sila sa elevator, he's about to smile when the face of his wife Bella flashes, he quickly opened his eyes

Nag ring din ang cellphone niya kaya agad niya itong sinagot,

"Sir, gusto daw po marinig ni Celestine ang boses niyo bago siya matulog. " rinig niyang sabi ni aling Ernita mula sa kabilang linya,

"Daddy...I miss you, just say good night Daddy, that would be enough for me" malungkot at inaantok na sabi ng anak niya, agad naman namou ang luha sa mga mata niya,

"Good night, s-sleep well" sabi ni Earth saka napalunok sabay tingala upang di matuloy ang pagtulo ng luha niya, hindi niya na narinig ang boses ng anak niya mula sa kabilang linya kaya inaasahan niyang tulog na ito, samantala, narinig naman niya mula sa kabilang linya ang boses ni aling Ernita saka nito binaba ang tawag,

Napatitig lang si Earth sa kesame sabay alala nung mga panahong una niyang nakuha at nakarga ang anak, agad din niyang pinahid ang luha na tumakas mula sa mga mata niya sabay tayo at tingin sa labas ng teresa, napahawak siya sa railings at napayuko,

"Earth, balang araw...gusto ko magkaroon ng tatlong anak, magiging masaya tayo Earth. Magpapatayo tayo ng bahay sa hacienda at magpapatayo tayo ng palaruan para sa kanila"

"Ano bang gusto mong ipangalan natin sa kaniya?"

"Hmm. Kung lalaki...Cyril Kim. Kung babae naman, Celestine Kimeniah."

"Sumipa si baby!"

"...in sickness and in health....'til death do us part"

"Fuck...." bulong ni Earth sa sarili sabay higpit ng hawak sa railings saka siya tumingala at agad na tumulo ang luha niya,

"I...I miss you...Bella..." bulalas niya bago siya napayuko at tahimik na umiyak, tuloyang napaupo si Earth sa sahig ng teresa saka siya napahawak sa buhok niya at hinigpitan ang hawak dito,

Matapos ang ilang segundo ay agad niyang pinahid ang mga luha niya saka siya tumayo na parang walang nangyari, tinali niya din ang mahaba niyang buhok saka tumalikod at pumasok muli sa suite, hinubad ni Earth ang damit niya at pasalampak na naupo sa sofa, pinikit niya ang mga mata niya saka sinubukang pakalmahin ang sarili,

Ilang segundo pa ay nakarinig siya ng pagbukas at pagsara ng pintoan, minulat niya ang mga mata niya at unti-unti ay nakita niya si architect Caroline na may hawak na tab habang naglalakad ng palapit sa kaniya ng hindi siya tinitignan,

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon