KABANATA 8

480 16 0
                                    

WHEN Earth arrived at the mansion, agad niyang binigay sa isang katulong na lalaki ang susi at inutosan itong i-park ang sasakyan niya sa garahe nila, matapos nun ay dumeretso ang lakad niya hanggang makarating siya sa opisina niya dito sa mansion ng mga Sevida,

Nang makapasok naman siya sa opisina ay agad niyang nakita si Engineer Melendrez na naka kruss ang braso habang nakaupo,

"Ehem" pagkuha niya sa atensyon nito, agad gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Engineer Melendrez nang makita niya sa Earth, agad din lumapit si Earth at umupo sa kaharap nitong sofa kung saan nakaupo si Engineer Melendrez,

"Good morning, Mr.Sevida" pagbati sa kaniya ni Engineer,

"Good morning, Engineer Joseph Melendrez" pabalik na bati niya saka agad na kinuha ang documentong pinadala ng secretary niya,

"We'll wait for architect Caroline, para iisang explanation nalang ang sasabihin ko," sabi niya, napatango naman si Engineer Melendrez saka siya tumayo,

"Wait for me here, I'll be back in a minute or two. Magpapadala ako ng snacks dito" bilin niya at dumeretso ang alis sa opisinang 'yun,

Habang naglalakad sa hallway ay nakita niya ang isang katulong kaya agad niya itong tinawag saka inutosan na dalhan ng snacks ang nasa opisina niya, matapos naman nun ay nakita niya si mang Isko na may dalang mga dokumento na iniutos niya dito,

"Sir, papunta na po si ma'am Naomi dito para sa nagpapa-schedule ng meeting sa inyo, sabi niya siya nalang ang magsasabi para makapag-explain siya ng maayos" sabi ni mang Isko sa kaniya, napatango naman siya saka kinuha ang mga documentong hawak ni mang Isko,

"Okay.Thank you mang Isko" pagpapasalamat niya, ngumiti naman si mang Isko at saka naalala ni Earth ang kapatid niyang si Edward. "By the way, mang Isko. Nakita niyo ba ang kapatid kong si Edward? Wala kasi ang kotse niya sa garahe" tanong niya dito, agad naman napatingala si mang Isko na parang may inaalala saka tumingin sa kaniya,

"Ay. Lumabas po ng hacienda, may kikitain daw siyang kasamahan niya daw DBI, may meeting daw sila sir eh" sagot naman ni mang Isko, napatango naman siya saka nanahimik saka nagtanong ulit,

"Hindi ba siya galit nang umalis siya?" Tanong ni Earth,

"Mukha nga po eh, pero akala ko ay dahil sa pagmamadali niya yun." sagot naman ni mang Isko sa kaniya, tumango lang siya.

"Kapag nakauwi na siya, sabihin mo papuntahin sa opisina ko. Kapag tumanggi ipapa-freez ko ang bank account at sisirain ang kotse, maliwanag ba?" utos niya dito, mukha namang natakot si mang Isko saka tumango. Tumalikod lang siya saka bumalik sa opisina niya, sakto namang nakita niya si Naomi na nakaupo sa indoor garden na agad na napatayo nang makita siya.

"Good morning,Sir" bati nito sa kaniya, iniwas naman ni Earth ang tingin niya, looking at the other girls is not in his vocabulary, feel niya—nag che-cheat na siya nun.

"Mm. How is it?" tanong niya sa sekretarya habang nagbubuklat ng iilang papel sa documento,

"I'm fine sir, thank you" pabebeng sagot naman ni Naomi, natigil naman si Earth sa ginagawa niya at bumuntong hininga,

"I mean, the investors—the advertising company, how is it?" Pag-uulit niya sa tanong, napailing-iling nalang siya saka dumeretso sa opisina, ramdam naman niya ang pagsunod ng sekretarya niya sa kaniya,

Nang makarating naman siya sa opisna ay dumeretso siya sa mesa niya at nilagay ang mga documento doon. Pumasok na din ang sekretary niya saka nag-salita.

"Meron po kayong meeting this coming Thursday with Mr.Chu—"

"Postponed it. May importante akong lakad niyan" agad na putol niya sa iba pang sasabihin ng secretary niya,

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon