KABANATA 32

418 16 0
                                    

NAPABALIKWAS ng bangon si Earth at tumingin sa paligid. Nang hindi makita si Caroline ay agad siyang napaupo at napahilamos gamit ang palad.

Earth then remembered the love they shared last night. Earth can feel his heart beating so fast. Ang nasaisip lang ni Earth ay nasa labas lang si Caroline.

Sinout niya na ang mga nahubad na saplot at lumabas ng sasakyan niya. Earth stopped in a moment he saw a blood stain in the back seat. Agad niyang kinuha sa compartment ang wipes at napapangiti siyang pinahid ito.

"Caroline?" tawag niya kay Caroline saka tinapos ang pagpahid ng wipes sa upoan. Nangunot ang noo niya nang walang sumagot, sinara niya ang pinto ng sasakyan niya at nilibot ang lugar,

"Caroline!!" sigaw niya umaasang may sasagot sa pagtawag niya. Dali-dali siyang bumalik sa sasakyan niya at hinalungkat ang gamit. Umakyat agad ang kaba niya nang mapagtantong wala ang mga gamit ni Caroline sa sasakyan niya.

Napasabunot siya sa sariling buhok at napakagat sa pang-ibabang labi. Kinuha niya ang cellphone niya at sinubukang tawagan si Caroline ngunit sa makailang tawag ay hindi nito sinagot ang tawag niya.

Agad siyang sumakay sa hummer car niya at agad na pinaharurot ang sasakyan. Habang nasa byahe siya ay tinawagan naman niya ang kapatid niyang si Edward.

"Yow" sagot nito.

"Nandiyan ba si Caroline?" tanong niya sa kapatid niyang agad naman sumagot.

"Wala, hindi siya pumunta dito" sagot ng kapatid niya, agad naman niyang pinatay ang tawag niya sa kapatid niya saka tinawagan si engineer Joseph.

"Yes,Mr.Sevida?"

"Kinontak ka ba ni Caroline?" tanong niya, nang sabihin nitong wala ay agad niyang pinatay ang tawag at inis na hinampas ang manibela.

"Fck where are you.." inis niyang tanong saka tinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Sinubukan niya muling tawagan si Caroline pero busy ang line nito kaya naman ay tinadtad niya nalang ng mensahe ito.

Bumalik siya sa pagmamaneho hanggang makarating siya sa hacienda Sevida. 

"Sigurado ba kayong hindi dumaan dito si Caroline?" nagmamadaling tanong niya sa mga kapatid niya na umiling lang, agad siyang tumalikod at tumakbo papunta sa sasakyan niya, at nang makasakay naman ay agad niyang pinaharrurot ang sasakyan niya papunta sa barrel village, habang nagmamaneho ay hindi mapigilan ni Earth ang kabahan at malungkot.

Nang makarating naman siya barrel house aya agad niyang pinarada sa harap ng barrel house ni Caroline ang hummer car niya at nagmamadaling lumabas sa sasakyan.


"Caroline!! Caroline!!" tawag niya dito agad naman lumapit sa kaniya sina manang Edang at mang Isko.


"Mr.Sevida..may maitutulong po ba kami?" tanong ni manang Edang sa kaniya, napasabunot siya sa sariling buhok at humarap sa kanila


"Umuwi ba dito si Caroline? have you seen her? saan siya nagpunta? may dala ba siyang mga gamit?" sunod-sunod na tanong niya, 


"Mr.Sevida, kumalma ho muna kayo" pagpapahinahon sa kaniya ni manang Edang, huminga naman siya ng malalim,

"pero para masagot ang tanong mo, hindi pa nakakauwi ang batang iyon dito, may nangyari ba?" tanong sa kaniya ni mang Isko, napauopo siya sa may hagdanan ng barrel house ni Caroline at napasabunot sa sariling buhok, nakita naman niya si Jethro na nagugulat na tiningnan siya.

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon