KABANATA 31

451 19 1
                                    

WARNING: MATURED CONTENTS AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK.

"HAYAAN MO NA AKO" rinig niyang sabi ni architect sa kaniya sabay tulak sa kaniya. Napabitaw naman si Earth sa yakap.

"No, Caroline. Please stay. I was wrong, Inaamin ko Caroline..inaamin kong nagkamali ako..just please stay..stay with me..." pagmamakaawa ni Earth kay Caroline.

"Aalis na ako, maiiwan ako sa flight ko Mr.Sevida" may halong inis na sabi ni architect sa kaniya.

"I want you stay, Carol—"

"Pinapili kita hindi ba? Bakit hindi mo nasagot ang tanong ko kagabi? Bakit hindi mo sinabi sa akin kagabi? Ngayon kung manggugulo ka lang, umalis ka na Maiiwan na ako sa fligh—Mr.Sevida!!" agad na sigaw ni Caroline nang bigla niya itong buhatin na parang sako sa balikat niya. Agad niyang sinenyas sa mga tao niya ang laguage ni architect saka niya ito nilabas sa airport.

Pinagtitinginan sila ng mga tao pero walang pakealam si Earth. Gusto niyang mag-usap sila ni Caroline sa isang lugar na sila lang. Walang makakakita at walang makakarinig.

"Ibaba mo ako! Ano ba!!" sigaw ni Caroline. Ngunit kahit anong gawing pagsisisigaw nito ay wala pa ding plano si Earth na bitawan siya.

Agad namang binuksan ni Bruno ang passenger's seat dahilan para madali para sa kaniya ang i-sakay si architect sa sasakyan niya. Dali-dali niyang pinasakay si Caroline sa passenger's seat at dali-dali niya ding inasikaso ang pag-seatbelt.

"Mr.Sevida nagagalit na ako! Ano ba!!" galit na sigaw ni architect Caroline sa kaniya. Agad niyang sinara ang pinto saka tumakbo papunta sa driver's seat.

Nang makarating naman ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan na walang seatbelt-seatbelt.

"Saan mo ba ako dadalhin?! Mahirap ba intindihin yung salitang kailangan ko umalis, Mr.Sevida ihinto mo ang sasakyan!" sigaw ni Caroline sa kaniya, hindi naman siya nakinig at basta lang nag-maneho.

"We have to talk. We need to make the things clear, Caroline. Please" pagpupumilit niya. Narinig niyang bumuntong hininga nalang si Caroline saka tumingin sa labas.

"Why didn't you tell me na nag-apply ka sa London?" tanong ni Earth kay Caroline na hindi sumagot at tumingin lang sa labas,

"Caroline, I'm asking you" ani niya. Nang hindi sumagot si architect ay agad niyang niliko ang sasakyan niya sa isang daan kung saan maghahatid sa kanila sa isang buntod.

"Please, talk to me." pagpumilit niya. Agad naman niyang hininto ang sasakyan niya sa gilid ng puno, bumaba si Caroline sa hummer car niya kaya naman agad niya itong sinundan.

"Caroline. Please, talk to me" ani niya sabay lapit kay Caroline na inis siyang tiningnan.

"Ano bang gusto mo?" mahinahong tanong ni Caroline sa kaniya.

"I just want to talk. Yun lang, I want to clarify the things out" sagot naman ni Earth.

"Narinig mo na kagabi. Pumili ka na kagabi. Alam mo ba ang hinugot kong lakas para lang masabi sa'yo ang mga bagay na yun,Earth?!" inis na bulyaw sa kaniya ni Caroline. Napalunok naman siya at nanatiling nakatingin sa mga mata ni Caroline na napapaligiran ng mga luha.

"Earth ang hindi ko maintindihan kung bakit hindi kagaya ng iniisip ko ang nararamdaman mo, umaakto kang gusto mo ako, nagbibigay ka ng motibo na pinaniwalaan ko. Earth gusto kita! Earth mahal kita! Sa bawat araw na iniisip kong malabo mo akong magustohan..pinapalitan yun sa pamamagitan nang pagpapakita mo ng motibo. Earth anong purpose mo? Ano bang ginagawa mo! Kasi hi—" hindi na pinatapos ni Earth si Caroline at agad niyang itong hinawakan sa magkabilang pisngi at agad na siniil ng halik dahilan para mapatigil ito sa pagsasalita.

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon