KABANATA 15

382 17 0
                                    

KINABUKASAN maaga ang naging pag-alis nina Earth at architect Caroline dahil maaga din ang schedule ng meeting ng isang investor, on their way to the meeting place, architect Caroline kept on looking outside the car window,

Looking at the buildings and structures built in the city, to the skyscraper, and to to any building na nakatayo sa australia.

"May ideya ka na bang naisip? May designs na bang pumasok sa isip mo?" Pagbasag ni Earth sa katahimikan habang bumabyahe sila, he didn't know pero parang ayaw niyang tahimik lang silang dalawa sa byahe where in fact, sanay si Earth sa tahimik na byahe.

"Uhm, yup. Hindi pa ako sure, baka kasi may makita pa akong ibang buildings at designs na pwede kung i-combine" sagot naman sa kaniya ni architect Caroline, napatango-tango naman siya at nagpatuloy sa pagmamaneho,

"You have all the documents that we need right? Like, the contract and others" tanong na naman ni Earth kay architect, tumango lang ito at sumagot ng

"Yup" tipid na sagot ni architect sa kaniya, napakunot naman ang noo niya, nakakapanibago para sa kaniya ang ganitong si architect,

"Okay..." tanging sagot ni Earth saka niya hininto ang sasakyan nang mag red light ito, pinilit ni Earth na libangin ang sarili niya sa pamamagitan ng pagtingin-tingin sa labas, pero nababagot talaga siya,

"After our meeting with Mr. Delos Reyes, who's next?" tanong ni Earth. Agad naman kinuha ni architect Caroline ang bag niya mula sa may paanan saka kinuha ang tablet doon,

"Ahm, Mr. Leonas, lunch time mga 12: 45 pm to 3:00 pm. After that, you will have 4 hours rest, because pagka 7:50 ng gabi you'll meet Mr. and Mrs. Franco" sagot naman ni architect, tumango lang si Earth at pinaandar ang sasakyan nang mag go signal ito,

Nang makarating sila sa hotel and restaurant kung saan nila ime-meet si Mr.Delos Reyes ay agad silang pumasok sa doon, sinalubong agad sila ng manager at inalalayan patungo sa VVIP room,

Habang naglalakad naman sila ay nasa likoran naman niya si architect Caroline na busy kakatingin sa lugar at paligid. Tumigil si Earth sa paglalakad saka nilingon si architect Caroline na nagulat at napaatras,

"B-Bakit po?" tanong ni architect Caroline, agad naman napaismid si Earth at napahawak sa noo niya,

'Damn, PO?!' bulong ni Earth sa sarili,

"Nothing" tanging sabi ni Earth at humarap muli saka naglakad. Panay ang buntong hininga niya habang naglalakad sila.

Nang makarating naman sila sa VVIP room ay agad siyang umupo sa sofa habang si architect Caroline naman ay tahimik na tumabi sa kaniya,

Umalis na din ang manager saka naman lumabas mula sa kabilang kwarto si Mr.Delos Reyes na may tabacco pang hawak, binuga ni Mr.Delos Reyes ang usok sa ere saka ngumiti kay Earth saka din napako ang paningin ni Mr.Delos Reyes sa likod niya dahilan para sundan niya ito ng tingin at agad na umakyat ang inis ni Earth nang makita niyang nakatingin si architect Caroline sa labas, glass naman kasi ang dingding ng opisinang 'to kaya kitang-kita ang labas

"Caroline" pagtawag niya dito, tumibok naman ng kaylakas ang puso niya. It's his first time calling her just Caroline. Nagugulat namang napalingon si architect Caroline sa kanila,

"I'm sorry—"

"So your name is Caroline" nakangising tanong ni Mr.Delos Reyes kay architect habang nakangisi pa, agad naman tumayo si Earth at sumingit,

"Please, Mr.Delos Reyes. Let's start our meeting, nagmamadali ako" singit ni Earth, ngumiwi naman si Mr.Delos Reyes saka umupo sa pang isahang sofa,

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon