KABANATA 35

537 16 0
                                    

EARTH was walking back and forth sa kwarto'ng inuukupa niya. Kanina pa siya palakad-lakad dahil sa pag-aalala,

His brother's didn't let him go outside, tanging si Earl at Efren lang ang naghatid kay Caroline.

"Kuya..Isang tanong isang sagot" rinig niyang sabi ni Erlane dahilan para matigil siya sa paglalakad. Sakto namang pumasok si Earl at Efren kaya naman imbes na makapagtanong siya tungkol kay Caroline ay naitikom niya ang bibig at hinintay nalang ang tanong ng mga kapatid na nakatingin lang sa kaniya.

"Sagotin mo ng maayos kuya, yung honest." ani naman ni Edward. Napalunok naman siya.

"What?" tanong niya sa kapatid.

"Do you like architect Caroline?" tanong ni Erlane. Agad naman niyang sinagot ang tanong nang hindi nagdadalawang isip.

"I don't like her..." sagot niya sa mga kapatid na gulat siyang nilingon. "but I love her..I really do...and It fucking kills me to see her like that earlier." agad na dagdag niya, nagkatinginan naman ang mga kapatid niya at agad na naghiyawan.

Earth then looked at his brothers. Kung makapaghiyawan ito para itong nanalo sa lotto. May pa apir-apir pang nalalaman ang mga 'to.

"Sabi sa'yo eh!"
"Finally! After five years!"
"Thank God!"
"Caroline! You're an angel!"

Sigaw ng mga kapatid niya, saka naman sila lumapit at niyakap siya. Yakap nang pasasalamat.

Earth smiled. In the past five years na pag-su-suffer niya. Earth can feel how worried his brothers was. Alam din ni Earth na gumagawa ng paraan ang mga kapatid niya para tuloyang malimutan niya si Bella.

He can feel his brothers' love for him from now and then. Hindi kompleto ang mga buhay nito kung wala siya. Earth is the first born Sevida. Simula kasi nang mga bata pa sila ay si Earth na ang tagapagtanggol ng mga kapatid niya na palaging binubully.

"Kuya..swear..walang makakapantay sa saya namin ngayon. Congrats, you finally moved on from the past" ani ni Erlane nang humiwalay sila sa mga yakap.

"Hindi ko din naman akalain na mahuhulog ako sa kaniya..love really moves in mysterious ways" aniya,

"We like architect Caroline for you kuya...she's different and I think I like—"

"Shut up, brat. Hindi bagay sa'yo" agad na putol niya sa iba pang sasabihin ni Erlane. Napatawa naman ang mga kapatid niya.

"Anyways, how is she?" kapagkuwan ay tanong niya sa kapatid na si Earl.

"She's still unconcious. Ino-obserbahan pa siya ng doctor" sagot ni Earl.

"Can I come to see her?" tanong ni Earth sa mga kapatid niyang agad naman itinuro ang daan palabas sa kwarto niya.

Ngumiti lang si Earth at agad na lumabas sa kwarto, nakasunod naman sa kaniya ang mga kapatid niya.

Hindi na inalintana ni Earth ang galos niya sa mukha at sa braso. Ang gusto niya lang ay mapuntahan si Caroline para malaman kung anong lagay nito.

Nagsi-tilian naman ang mga nurses at doctora's na nadadaanan ng mga Sevida sa corridor.

Pinangunahan ni Earl ang lakad dahil sa ito ang nakakaalam kubg saang kwarto si Caroline.

Nang makarating sila sa kwarto ni Caroline ay agad nilang nakita ito na mahimbing na natutulog sa hospital bed. Agad naman hinila ni Earth ang upoan katabi sa kama ni Caroline.

Umupo siya sa upoan at hinawakan ang kamay ni Caroline na tulog pa rin. Pinasadahan ng tingin ni Earth ang mukha ni Caroline.

Kung gaano ito kaganda kapag gising, maganda din ito kapag natutulog.

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon