KABANATA 5

517 25 0
                                    

WHEN THEY ARRIVED at Hacienda Sevida, Earth stopped the car in front of the double door in their mansion, he blows out a loud breath, he feels suffocated.

Kanina pa ito habang bumabyahe sila ni Caroline papunta sa Hacienda, Caroline is sitting in the passenger's seat and sleeping, yes she's sleeping,

Agad na pumayag ang ama nito nang sabihin nilang dito panamantalang maninirahan ang anak nila, pumayag din sila na kada buwan ay uuwi si Caroline para bisitahin sila at kamustahin sila,

Earth turned his gaze to the lady who's comfortably sleeping at the passenger's seat. How could she sleep like that? Bumuntong hininga nalang si Earth saka akmang aabutin ang balikat ni Architect Caroline nang mapasiplat siya sa pagmumukha nito,

She's so beautiful..innocent..and pure.

Earth took the chance to stare at architect Caroline, he don't understand pero bigla niyang naramdaman na gusto niyang alagaan si architect Caroline,

But he's sure that he's not attracted to her. Ganiyan lang talaga siya sa mga empleyado niya, of course—he cares, ayaw lang niyang ipahalata at ayaw na ayaw niya talaga sa mga tanga,

Earth was about to touch her face when she suddenly moved, dumilat ang mga mata ni Caroline dahilan para agad niyang bawiin ang kamay niya dahil sa gulat, he turn his gaze in front of his car,

"Nandito na pala tayo..." inaantok na bulalas ni Caroline, hindi na siya umimik at agad na kinalas ang seatbelt saka lumabas sa sasakyan, agad naman sumalubong sa kaniya ang isang matandang hardinero na si mang Isko,

"Sir Earth, may maitutulong po ba ako?" agad na tanong sa kaniya ni mang Isko, agad naman siyang tumango at tinuro ang sasakyan,

"Pakikuha ng mga bagahe ni architect sa loob saka samahan mo siya sa living room, doon mo muna siya sa paghintayin sa akin," utos niya rito, agad naman itong tumalima, lumingon naman si Earth at napagtanto niyang nakalabas na pala si architect Caroline sa sasakyan, hayon siya at namamanghang tumingin sa mansyon nila,

"Sir Earth, sigurado kayong ipapa-renovate niyo 'to? Ang ganda pa naman nito ah?" nakangiting tanong ni architect Caroline, napaismid naman si Earth saka tumango nang lumingon sa kaniya si Caroline,

"Utos sa amin ni papá, wala kaming magagawa, besides, gusto din naman namin" sagot pa niya, tumango lang si architect saka dumako ang paningin kay mang Isko na may hawak ng mga maleta niya,

"Nako manong, ako na po diyan" biglang sabi ni Caroline saka sinubukang agawin ang maleta kay mang Isko, agad naman sumingit si Earth.

"Let him. Sundan mo si mang Isko papunta sa main living room, susunod ako" utos niya, tumingin lang si Caroline sa kaniya saka siya sumunod sa utos ni Earth,

Samantalang si Earth naman ay sumakay muli sa kanyang sasakyan saka pinaandar ito at tumungo sa garahe, ibang klaseng garahe ito dahil sa sobrang laki nagmumukha ng bahay, ang katunayan naman ay nandoon ang sasakyan nilang magkapatid,

Matapos maigarahe ang hummer car niya ay bumaba siya sasakyan niya saka pumanhik sa mini truck at minaneho ito papunta sa harap ng mansion, magagamit niya ito mamaya papunta sa magiging bahay ni Architect Caroline sa barrel village ng hacienda Sevida,

Ilang segundo pa ay nakarating na siya sa harap ng mansion, pinatay niya ang makina ng mini truck saka siya pumasok, isang hallway lang ang kailangan niyang lakarin bago makarating sa main living room, at hindi na siya nagtaka nang makitang paparating na din ang mga kapatid niya,

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon