KABANATA 7

480 22 0
                                    

KINABUKASAN maaga ang naging gising ni Earth sa hindi malaman-laman na dahilan, agad siyang bumangon at naligo, nagbihis ng white plain t-shirt saka tinali ang mahaba niyang buhok, lumabas siya sa kwarto niya at agad niyang tiningnan ang wrist watch niya,

It's 7:00 am, magme-meet sila ni architect Caroline mamayang alas 8 ng umaga, nagmamadali siyang pumunta sa kusina at agad na bumungad sa kaniya ang mga kapatid niyang kakaupo lang din,

Pumasok naman ang mga katulong sa kusina dala ang agahan nila, nang makaupo si Earth siya namang nag-salita si Earl,

"I miss papá" bulalas nito saka umupo, naghikab naman si Edgar, dahilan para mapansin iyon ni manang Edang,

"Bakit ba kayo naghihikab riyan sa hapagkainan, ang babastos niyo!" Suway sa kanila ni manang Edang, si Erlane naman ang sumagot,

"Manang..we never tried to wake up this early..tanghali na kami kung gumising dahil hapon naman ang trabaho ng iilan sa amin, kaya *hikab* na" inaantok na sagot ni Erlane,

"Kaya ngayon ay mag-sanay na kayo..malalagot ako kay Don Rafael" sabi nito saka inutosan ang kapwa katulong na ilapag ang mga pagkain, nagsimula naman silang sumandok sa kani-kanilang mga pinggan,

"Wala pa si aling Ernita?" Kapagkuwan ay tanong ni Erwan, sumagot naman si manang Edang,

"Nako ay wala pa..mamayang hapon pa yata sila ng pamangkin niyang si Celma," sagot ni manang Edang napatango naman si Erwan,

"Ay oo nga pala" biglang sabi ni Erwan  "pupunta sina Marcus at ang mga kapatid niya dito kuya, they will pay us a visit since galing sila sa Madrid,Spain" balita ni Erwan napatango naman si Earth saka sumubo ng kanin

"Pwede namang hindi na" tipid na sagot niya, agad naman natigilan ang mga kapatid niya,

"Ang sama mo talaga" komento ni Earl na agad naman kina-ismid ni Edward na kagabi pa ay mukhang galit sa kaniya,

"Are you all gonna be busy this coming thursday?" tanong nito sa mga kapatid niyang si Edgar na antok na antok siyang tiningnan,

"Bakit?"

"Why?"

"Anong meron?"

Sunod-sunod na tanong ng mga kapatid niya, agad naman ngumiwi si Edgar,

"It's gonna be a big day for me, may race ako sa Oklahoma, aalis ako tomorrow, para maaga ako makarating doon at ma-practice ko yung track" imporma nito, nagkatinginan naman ang magkakapatid saka tumango,

"I'm in"

"We're all in" sabi naman ni Edward, tumikhim naman si Earth, dahilan para tingnan siya ng mga kapatid niya ng puno ng pagtataka sa mga mukha

"Hindi ka pupunta,Kuya?" parang naiinis na tanong ni Earl, agad naman sinapo ni Edgar ang kaniyang dibdib at umastang parang nasasaktan,

"I don't think so, I have to be here para sa renovation ng bahay—"

"Isa't kalahating araw ka lang naman mawawala kuya, you are hurting me" agad na pagda-drama ni Edgar, napangiwi naman siya at napailing-iling,

"Kahit na, remember? I-eexplain ko pa sa kanila ang disenyong gusto—"

"Matatapos naman yan ngayon diba? Kailangan pa din naman ng blue print ng engineer bago makagawa ng design si architect Caroline..."

"...which is kailangan niya ng time para makgawa ng design, mag-isip ka nga! That days na mawawala ka, dapat makagawa na siya ng design niyan, at pag-uwi mo..saka ka mamimili"  giit ng kambal niyang kapatid na si Erlane at Efren,

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon