KABANATA 26

369 16 0
                                    

EARTH then slammed the table when architect Caroline reaches the second floor. Agad naman nagising ang mga kulungo niyang kapatid,

"Uy..nandito ka na pala" naaalimungawang sabi ni Efren. Ang iba naman niyang mga kapatid ay naghihikab at gulong-gulo ang buhok,

"Yes obviously." Sagot niya sa mga kapatid "pick up your things and go to your room. Ano bang ginawa niyo bakit inabot kayo ng tulog dito?" tanong niya sa mga kapatid na humikab at uminat-inat pa, si Edward naman ang sumagot.

"Hinintay kayo *Hikab* ang tagal niyo naman" ani nito, napataas naman ang kilay niya, sumingit naman si Erlane.

"Ano na balita kuya? Sinagot ka ba?" tanong ni Erlane, lalo namang napataas ang kilay niya.

"Anong sinagot? Sinong sinagot?" tanong niya,

"Haaay! Bukas na natin pag-usapan! Tulog na ako!" sigaw ni Efren sabay wagayway sa kamay niya, sumunod naman ang mga kapatid niya,

Napailing-iling nalang siya saka napatayo. Sumunod siya sa mga kapatid na antok na antok habang papaakyat sa hagdan, nang tuloyan naman siyang makarating sa ikalawang palapag ay agad niyang tinungo ang kwarto ng anak niya, dahil magkatabi lang ang kwarto at kwarto ng anak niya madali lang para sa kaniya ang silipin iyon,

Ngunit mas nagulat siya sa nakita, para makita iyon ng klaro at malapitan, pumasok siya sa kwarto ng anak at lumapit sa kama nito,

Mahimbing silang natutulog ni architect na halatang pagod din. Magkayakap silang dalawa at tanging si Celestine lang ang may kumot, sa hula niya ay baka pinilit siya ni Celestine na matulog sa tabi nito, kagaya nung una niyang nakita,

Napangiti si Earth at marahan na inayos ang kumot para makumotan din si architect Caroline. Dahil malaki ang kama ni Celestine ay tumabi si Earth sa kabilang gilid, in short napapagitnaan nila si Celestine. Nagulat naman siya nang biglang gumalaw si Celestine at niyakap siya, napatingin siya kay architect para i-check kung nagising ba ito, ngunit mahimbing ang tulog nito kaya naman ay napatingin siya sa anak niya na nakayakap pa din sa kaniya,

Hindi na namalayan ni Earth na nakatulog na pala siya. Nagising nalang siya dahil sa tumama ang sinag ng araw sa mukha niya, agad siyang napalingon sa mga katabi niya at naging mabilis ang pagkilos niya nang makitang si magkatabi ang ulo nila ni architect habang si Celestine ay natutulog pa din.

Dahan-dahan siyang gumalaw at umalis sa kama, nang masiguro na hindi nagising si Celestine ay hinalikan niya ito sa noo saka siya umalis sa kwartong iyon,

Paglabas niya ng kwarto ng anak niya ay siya namang pagdaan ng kapatid niyang si Erlane, nagulat pa ito nang makitang doon siya lumabas,

Nangunot ang noo nito saka ito lumingon sa may likoran niya na agad naman niyang hinarangan ng pinto, sa sobrang takot niyang tuksohin siya ng mga kapatid niya ay ayaw niyang malaman nila na natulog sila kasama si Celestine,

"I was about to knock on your door" ani ni Erlane.

"What do you want?" tanong niya sa kapatid na tumaas ang dalawang kilay.

"The documents from both of your companies has arrived. You need to sign those papers" ani ng kapatid niya, tumango lang naman siya.

"Yes, I'll be there in a minute or two"' ani niya sa kapatid niyang tumango-tango at tinitigan siya na para bang may tinatago siya,

"Diyan ka natulog?" tanong ni Erlane sa kaniya, agad naman siyang napatango na hindi pala sana niya dapat ginawa,

"Okay na pala kayo ni Celestine? Did you tell her the truth na?" tanong ni Erlane, tumango naman siya,

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon