AFTER Earth visited his wife Bella at the cemetery, dumeretso ang uwi niya sa mansion nila, nagulat siya nang hindi man lang siya nag-tagal doon, umaambon kasi kaya kinailangan niyang umuwi ng maaga.
Oras din ang ginugol bago siya naka-uwi sa mansion, agad naman kumunot ang noo niya nang makitang nandoon pa ang mini truck na minaneho niya na para sana sa paghahatid kay Architect Caroline, pinatay niya ang makina ng hummer car niya saka siya lumabas doon at agad na nagtungo sa mini truck, nandoon na ang mga bagahe ni architect Caroline saka lalong nangunot ang noo niya nang makitang nandoon si mang Isko sa loob naghihintay,
"Mang Isko" tawag niya dito, agad naman napatingin kay Earth si mang Isko,
"Uy sir, nakauwi na pala kayo." natatarantang sabi nito, agad naman niyang tiningnan ang pintoan nagbabakasakaling lalabas doon si architect Caroline,
"Yep, bakit nandito ka pa? Saka...nasaan si architect Caroline? Hindi mo pa ba siya nahahatid doon sa barrel village?" tanong niya kay mang Isko, agad naman umiling si mang Isko saka nag-aalinlangang tumingin sa kaniya,
"Ah, si ma'am Caroline po kasi..bumalik sa loob, naiihi daw siya, baka matatagalan pa yun" sagot niya pa, napatango-tango naman si Earth
"Kakapasok niya lang ba?" tanong ni Earth, tumango naman si mang Isko saka binigay sa kaniya ang susi ng sasakyan,
"Paki park ng sasakyan ko sa garage," utos niya.
"Sige,Sir"
"Salamat"
At pumasok na siya sa loob ng mansion, napansin niyang sobrang tahimik ng main living room kaya tuloyan siyang pumanhik sa loob, nagpabaling-baling din siya sa indoor garden at nagbabakasakaling nandoon si architect pero napangiwi siya ng makitang wala,
Tinulak niya ang double door saka bumungad sa kaniya ang matinding tawanan na nagmula sa mga kapatid niya kaya agad niyang sinundan ang tawa na yun hanggang sa makarating siya sa living room one, hinanap niya si architect pero wala siyang nakita kaya naman tumikhim siya para makuha ang atensyon ng mga kapatid niya na nangyari namin,
"Hey, kuya. Nakauwi ka na pala"
"Yeah, obviously, where is architect Caroline? Hinihintay siya ni mang Isko sa labas" agad na sabi niya, nagkatinginan naman ang mga kapatid niya,
"Kakaalis niya lang, papunta sa CR na tinuro namin," sagot ni Earl, agad naman siyang tumango at lumakad, dumeretso ang lakad ni Earth hanggang sa ikalawang palapag, bahala na si architect sa sarili niya, yun ang nasa isip ni Earth,
Tinanggal niya ang leather jacket niya saka siya nagpatuloy sa paglalakad, binuksan ang dalawang butones sa taas saka pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa nakita niya ang pinto ng kwarto ng anak niya na nakaawang,
iniwan ba 'to ni Aling Ernita na nakaawang?
Tanong niya sa sarili, nagugulohan man ay dahan-dahan niyang binuksan ang pintoan ng kwarto ng anak niya at nagulat naman siya nang makita si architect Caroline na katabi ni Celestine na tulog sa kama, kumakanta si architect Caroline habang si Celestine ay nakayakap sa beywang niya at mahimbing na natutulog,
"My little baby, not feeling well..you have a fever mommy can't tell, rest little baby, I care for you..you'll get well soon, I'll make sure you do..." rinig niyang kanta ni architect Caroline, nanatili naman si Earth sa hamba ng pinto at pinapanood si Caroline na pinapatulog si Celestine,
"Architect Caroline...sleepy ako..." rinig niyang sabi ni Celestine saka hinigpitan pa nito ang yakap sa beywang niya, napangiti si architect Caroline saka hinalikan sa noo ang bata,
BINABASA MO ANG
Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)
RomanceA man who has as hard as rock heart met a lady who is professional and funny. Ang lalaking ito ay hindi ganito noon, something bad happened to him and to his family that made him bitter about everything, he doesn't let himself talk,smile,or even lau...