KABANATA 10

444 18 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga silang ginising ng kapatid nilang si Edgar dahil sa ngayon ang araw ng alis nila para sa race nito.

"The fck, ang sakit ng ulo ko" reklamo ni Earl nang makompleto sila sa hapag kainan,

"Bingo pa more" pang-aasar naman ni Erwan,

"Guess what kuya Earth. Natalo si Earl ng binggo kahapon, ang dare sa kaniya ay ubusin yung wine na ginawa mo," natatawang kwento sa kaniya ni Edgar, napailing-iling nalang siya saka binaling ang atensyon sa kapatid,

"Handa ka na ba?" Tanong niya dito, sakto namang lumabas ang mga katulong saka nilapag ang agahan nila,

"Kailan ba ako hindi naging ready?" pagmamayabang nito, napailing naman siya saka sila umayos ng upo, sinimulan naman ni Erlane ang pagdasal at matapos nun ay kumain na sila,

Matapos nilang kumain ay agad silang nag handa, ang kapatid naman nilang si Earl ay susunod nalang, matindi ang hang over nito dahil kagabi,

Nang makarating sila sa airport ay agad inasikaso ang mga sasakyan nila at sila naman ay dumeretso ang sakay sa private plane.

"Babalik na ako sa barko sa susunod na linggo, mga kapatid ko" giit ng kapatid niyang si Erwan,

"What? Ganoon ka bilis?" hindi makapaniwalang tanong ni Edward sa kapatid.

"Minadali ko eh, matagal ko ng hindi nakikita ang dagat, puro nalang lupa nakikita ko," giit pa nito. "Ang boring naman, mag-laro tayo ng binggo" dagdag pa ng kapatid niya, at tulad nga nang sinabi nito, naglaro sila ng binggo. Mataas ang kumpyansa ni Earth dahil alam niyang mananalo na naman siya,

Ang huli ay natalo si Earth dahilan para magulat siya, ang nanalo naman ay si Edward dahilan para mas lalo siyang magulat

"Did...did you just won?" gulat na tanong niya sa kapatid na taas noo namang tumango, saka naman nilapag ng mga kapatid niya ang notebook sa harap niya, and he was so shocked nang makitang isa nalang ay mananalo na sila,

"H-How?" nagtatakang tanong ni Earth sa mga kapatid,

"Alam na kasi namin ang secreto mo" mayabang na sabi ni Erlane sabay taas-baba sa ng kilay niya,

"Architect Caroline taught us" nakangiting sabi ni Edward, napakunot naman ang noo niya, hindi dahil sa nakangiti si Edward kung hindi dahil tumibok ang puso ni Earth nang mabanggit ang pangalan niya.

"She's smart, siya ang nanalo sa amin nung mag binggo kami, ang bilis niya mag-sulat"

"Oh ano na? Ibigay niyo na sa akin ang mga pinampusta niyo" singit pa Edward.

"Pag-uwi na, hindi namin dala ang mga yun" sabi naman ni Efren, nagsitangoan na sila at bumalik sa kani-kanilang mga upoan matapos i-anunsyo ng flight attendant na lalapag na sila sa Oklahoma, finally after 18 hours na byahe mula sa pilipinas, nakarating na din sila, mabuti nalang din at na move ang race ni Edgar na sana ay ngayong araw, nilipat ito sa susunod pang araw

"Bukas pa makakarating si Earl kung babyahe siya ngayon mula sa pilipinas" sabi ni Efren sa daan nila palabas ng eroplano

Nang makalabas naman sila ay agad silang napatingin kay Edgar na nakangiting tumingala sa langit,

"Amoy na amoy ko na ang trophy" nakangiting sabi ni Edgar, agad naman silang napangiti at saka tinapik ang balikat ng kapatid,

"Good luck, kahit anong mangyari, mahal ka namin—"

"Bro naman, hindi pa ako mamamatay" reklamo ni Edgar sa bilin ng kapatid na si Efren,

"tss, eh hindi pa nga ako tapos eh" reklamo naman ni Efren, tumahimik naman ang lahat at hinintay na mag-salita ulit si Efren

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon