Chapter 8

447 27 0
                                    


Mabilis na dumaan ang isang linggo. 


Naghahanda na ako ng aking mga dadalhin, first day of long test kasi ngayon at hindi na kailangan magdala ng maraming gamit. 


"Good Morning, Hermione." Gulat naman ako ng marinig ang boses ni Olivia. 


As usual, hindi talaga sila marunong magsabi kung pupunta sa amin. Siguro'y nasanay na rin ang aking mga magulang na biglaan na ang punta nila dito sa amin. Kumain lang kami ng tahimik, talagang mga healthy ang pinakain sa amin ni Mama para daw maalala namin ang mga inaral namin. 


Kinakabahan ako, wala naman kasing long test noon ang mayroon lang long quiz at hindi rin naman ganoon kahirap. Ang sabi kasi sa amin ni Fleur ang long test daw dito sa XCA ay parang periodical exam na. 


"Today is your first quarter long test. Talking is automatically cheating." 


Sabay nito ang abot ng mga exam papers, tahimik ang lahat tila orasan lang namin ang iyong maririnig. Nauna ang Values, kasunod nito ang Filipino at ngayon ay Computer subject. Sa tatlong ito sa Computer ako pinaka-nahirapan, siguro ay dahil sa PC ko inaral ang mga ito at hindi ako nasanay sa written. 


Mabilis lang rin ang tatlong oras at ngayon ay nag-aayos na muli ako ng aking mga gamit, I plug my earphones para wala na rin akong marinig pa dahil ayoko ng isipin pa kung anong mga naging sagot nila. Sapat naman ang aking mga inaral. 


"Are you okay?" Harry asked. 


"Yes." Sagot ko at kinuha ang aking gamit. 


Nakita ko naman sa aking peripheral view na sinusundan niya ako, hindi ko na lang pinansin dahil alam ko naman na dito rin sila sinusundo ng driver ata nila. 


"Sigurado ka bang masusundo ka ngayon?" Tanong nito, agad naman akong napa-tingin sa aking relo. 


12:00 NN. 


"Tara, kain muna tayo? My treat." Wala naman akong gagawin kaya sumama ako sa kanya. Pumunta lang kami sa tabing mall ng XCA. 


"Ano order mo?" Tinuro ko sa kanya ang aking gusto, at agad na pumunta sa counter. 


Nakita ko pang inabot nito ang kanyang credit card, namangha na lamang ako dahil hindi nga pala nagdadala ng cash ang mga mayayaman na katulad niya. 


"Nahirapan ka ba kanina?" I shook my head as my answer. 


"Are you sure?" I nodded. 


Tahimik lang ako hanggang sa dumating ang mga pagkain, sa dami ng kanyang inorder ay napatingin ako sa kanya. Nagtaka naman ang kayang mga mata dahil sa tingin ko, akala niya ba'y matakaw ang isang tulad ko?


"What? Hindi mo ba gusto?" Tanong nito. 


Baka Sakali (Montenegro Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon