Chapter 38

311 14 2
                                    


"Punta kami kina Hermione, sama ka?" Tanong ni Lucius sa akin. 


Agad akong nag-ayos ng aking sarili, kinuha ko ang librong ibibigay ko kay Hermione. Bumaba ako at nakitang naka-sakay na sila sa sasakyan. Nakita kong naka-ngisi si Manang sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. 


"Ang bagal kumilos ang puta." Rinig kong sabi ni Oceanus. 


Hindi ko na iyon pinansin pa at hinawakan na lang ang libro kong dala, sana matandaan niya pang ito mismo yung librong gusto niyang makuha. 


"O, tamang-tama. Nag-aayos kami ng gamit ngayon, buhatin niyo yung mga mabibigat diyan." Sabi ni Ate Hailey, nakita kong bumaba si Hermione na naka-tali ang buhok at simple lang ang suot. 


"Anong meron?" Sabi ni Lucius. 


"Balak na rin kasi naming lumipat, masyadong madilim nakaraan ng bahay na ito." 


"Bumili na rin sila Lola ng bahay namin sa Manila, malapit na rin kayong mag-college." Dugtong pa nito. 


Agad naming kinuha ang mga gamit at nilabas ang mga ito, nakita kong pawis na si Hermione kaya kinuha ko ang akig panyo para iabot ito sa kanya. Ngumiti muna siya bago niya kuhanin iyon. Napag-isipan kong mag-luto ng tanghalian namin. 


"Ano lulutuin mo?" Tanong ni Hermione sa akin. 


"Ano bang gusto mo?" Agad kong tanong sa kaniya. 


"Ikaw." 


Naiwan akong tulala habang hinihintay ang aking niluluto, hindi ko akalain na marunong na palang bumanat ang taong iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiaabot sa kanya ang librong dapat kanina ko pa sana ibibigay. 


Nang matapos nilang ilabas ang lahat ng mga gamit, lumabas na ako para ihain sa kanila ang aking niluto. 


Tinulungan ako ni Hermione na ilabas ang mga plato. 


"Hermione," Tinignan niya ako ng diretso. 


Agad kong kinuha ang libro sa lamesa at binigay sa kanya. 


"E-eto pa rin ba yu--" Tumango ako at kinuha pa ang ibang mga gamit para makapag-simula na kaming kumain. 


Nakita ko buong araw ang mga ngiti sa kanyang mukha, halos hindi niya rin mabitawan ang libro dahil tuloy tuloy na ito sa kanyang pagbabasa. Suot niya ang hikaw na binigay ko sa kanya. Naalala ko tuloy kung gaano ako nag-handa para ibigay sa kanya iyon. 


Matapos naming mailabas ang lahat ng gamit ay umuwi na rin kami dahil bukas na daw ang lipat nila. Pumasok na agad ako ng aking kwarto at nagpahinga. 


"Ronaldo halika nga rito," Tawag ko sa driver nig aking mga alaga. 


Baka Sakali (Montenegro Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon