Chapter 23

329 20 0
                                    


"Are you free today?" 


Tinawagan ko si Harry, tapos ko naman na lahat ng binigay niya sa aking notes nad reviewer. Agad naman niyang tinawag ang kanyang driver para sabihin na samahan kami. Balak naming puntahan ang dating school ng aming mga magulang. 


Nalaman namin sa dati nilang guro na ngayo'y matanda na rin, matalik silang mag-kaibigan simula pagkabata daw nito. Hindi na rin daw niya alam na hindi na pala mag-kaibigan ang dalawang ito. 


Nang dahil doon ay mas kinabahan ako dahil kung mag-kaibigan sila, paanong nangyari ang ganitong bagay? Magulo ang nasa aking isipan at ganoon rin si Harry. 


"Saan mo ang susunod?" Tanong nito sa akin. 


"Sa dating abogado ng aming kompanya, maaring may alam siya sa mga nangyari noon." 


Hinanap namin ang address, madali lang naman dahil alam kong sikat ang law firm nila. Pinasok namin ito at agad na nakita ang room niya. 


"Good Afternoon, Mr. Thomas. My name is Hermione Illiana Monterde and this is Harry Corvus Montenegro." Marami siyang ginagawa ngunit napatigil siya dito. 


"Take a seat," Sabay nito ag paglapit namin sa kanya at tulad ng sabi niya ay umupo na kami. 


"Gusto lang po namin malaman, kung bakit bumagsak ang ZapMeta?" 


Tumayo ito at kinuha ang iba't-ibang envelopes, binuksan namin ito at nakitang nandito ang mga pictures maging mga files na naging utang ng ZapMeta sa mga Montenegro. Nakita kong wala pang asawa si Papa dito, umupo siya at nag-simulang mag-salita. 


"Ang ZapMeta ang pinaka-sikat na kompanya noon sa Pilipinas, noong ang Lolo mo pa ang naububuhay." Turo niya naman sa akin. "Dahil matanda na at may sakit, ay nahirapan itong patakbuhin ang kompanya. Dito pumasok ang Papa mo. Ang hindi niya alam ay maraming utang na naiwan sa inyong kompanya." 


Habang tinitignan ko ang mga papeles ay nakita kong masyadong malaki ang utang nito kaya siguro ay hindi na rin kinaya at pinili na lang na tapusin ito. 


"Binili ito ng mga Montenegro, na ngayon ay ang pinaka-sikat na kompanya sa ating bansa. Kung tatanungin niyo sa akin kung anong mayroon sa Montenegro at Monterde ay hindi ko alam, pumasok ako sa kompanya ng mapayapa ngunit dahil sa mga nangyari ay napilitan na rin silang tanggalin ako bilang abogado." 


Umalis kami at nag-pasaamat. Ngayon ay natapos na namin ang dalawang importanteng tao na naging parte ng kanilang buhay, masyadong magulo pero unt-unti na naming nabubuo. 


"H-hermione, nandito ang pangalan ng Mama mo." 


Tinignan ko agad iyon, ngunit hindi sa tabi ng pangalan ni Papa. Kundi sa tabi ng pangalan ni Draco. 


Sumakay na kami sa sasakyan at agad na ring nag-pahatid. Naabutan kong nag-sasagutan sila Mama at Papa sa itaas. Hindi ko sana papansinin ng marinig ko ang ang aking pangalan. 


"Bakit mo hahadlangan ang kasiyahan ng iyong anak?" Malakas na sigaw ni Mama.


"Dahil Montenegro ang kinakalantari ni Hermione!" Natigil ako sa aking paglalakad. 


"Maawa ka naman sa bata, ibigay mo sa kanya kung anong gusto niya." Dahil bukas ang pinto ay nakita kong lumapit si Papa kay Mama. 


"Bakit? Nakikita mo ba ang sarili mo kay Hermione noong kayo pa ni Draco? Ha?" Nanlaki ang aking mata sa sinabi ni Papa. 


"Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa gagong yon?" Malakas pa ring sabi ni Papa. "Noong binubugbog ka niya? Noong inaapi ka ng pamilya niya? Ako, ako ang nandito sa tabi mo. Pero mukhang siya pa rin ang laman ng puso mo." 


Lumabas si Papa at nakita ako sa hagdan, hindi niya ako pinansin at agad na inakyat si Mama sa kwarto. Nagulat ako ng makita kong may mga naka-dikit din sa kanilang pader, nandito ang iba't-ibang picture namin. Nakita ko sa ibaba ang picture namin ni Harry na mag-kasama kahapon.


"Ma, ayos ka lang ba?" Umiiyak siya ng bigla niya akong yakapin. 


Hanggang ngayon ay naka-upo lang kami at tulala pa rin Mama, kumuha ako ng tubig at pinainom ito kay Mama.


"N-narinig ko kanina lahat, Ma." Napa-tingin sa akin ng diretso si Mama. 


"Gusto mo bang malaman ang tungkol doon, anak?" Tumango lamang ako. 


"Ang una kong boyfriend ay si Draco Montengero at hindi ang Papa mo,"  Ito pa lang ay halos manginig na ang aking mga kamay. 


"Nakilala ko sila noong kami'y nasa highschool pa lamang, sikat silang dalawa dahil sila halos ang naglalaban sa rank 1. Habang ako naman ang palaging nilalaban sa mga pageants sa school, niligawan ako ni Draco at nakita ko ang kabaitan niya ngunit hindi ng kanyang pamilya." 


Tama ang narinig ko kanina kay Papa, siguro ay dahil na rin sa yaman ng mga Montenegro ay mataas ang tingin nila sa mapapangasawa ng kanilang anak. 


"Naging kami ng anim na taon, nang dapat ay ikakasal na kami doon ko nakita ang tunay na ugali ni Draco. Palagi niya akong sinasaktan kahit wala akong ginagawa, hindi rin maganda ang trato ng kanyang pamilya sa akin." Umiiyak na si Mama ngayon na parang ramdam niya pa rin ang bawat sakit.


"Hindi ko siya kayang iwan, umaasa akong magbabago pa siya. Baka hindi niya lang sinasadya, pero dahil sa pinapakita kong kabaitan sa kanila ay inaabuso na nila ako na parang kasambahay na ang turing sa akin." 


Halos maiyak na ako sa sinasabi sa akin ni Mama. 


"Simula noon ay wala na kaming pag-uusap ng Papa mo, alam kong gusto niya rin ako pero nauna si Draco na manligaw sa akin. Nang bumagsak ang ZapMeta na kompanya ng Papa mo, si Draco ang may pakana lahat ng iyon. Sa dami ng kanyang koneksiyon ay madali niyang nasira ito."


"Dito na napilitang tumakbo ang Papa mo sa pagiging senador na agad namang kinalaban ni Draco, sa maduming paraan."


Please use the hashtag #BakaSakali23 for your twitter reactions 

twitter : reminiscxz

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 : >

Baka Sakali (Montenegro Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon