Pagka-gising ko ay nasa ospital na ako kasama si Harry na tulog sa tabi ko.
Nakita kong naka-tulong na rin si Oceanus sa braso ni Lucius. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Ano bang meron sa amin at bakit kami ang pinupuntirya ni Draco? Hindi kami ganoon kayaman, wala rin kaming koneksiyon sa pulitika.
Uminom lang ako ng tubig, at nagulat ako ng makitang naka-tingin sa akin si Harry. Seryoso ito at hindi ko mabasa kung ano bang nasa isip niya.
"Are you okay?" I nodded, hindi ko na gustong mag-alala pa siya. "Good, I prepare your food here. Lucius and Oceanus are just tired, don't mind them."
Nahuli niya kasi akong naka-tingin sa dalawa niyang kapatid, kinuha ko ang aking phone at agad na tinext sila Mama kung nasaan na ba sila at bakit hindi ko sila nadatnan kagabi sa bahay. Habang kumakain ay naalala kong may training nga pala kaming tatlo.
Pagod ang aking katawan at marami akong pasa, hindi ko alam kung kakayanin pa ba nito ang magbabanat ng buto dahil sa mga nangyari.
"Sinabi na ni Lucius ang mga nangyari, mag-pahinga ka muna." Aniya.
Matapos noon ay naka-tulog na rin ako, kailangan ko ngang bumawi ng pahinga. Lalo na ang aking utak na konti na lang ay sasabog na kakaisip kung anong nangyayari sa aking buhay. Hindi naman ito yung buhay namin noon, tahimik at masaya yun lang ang buhay namin.
Nagising ako dahil sa ingay ni Mama at Papa, ngayon ay kasalukuyan silang natatalo siguro ay dahil na rin sa nangyari sa akin.
"Ibigay mo na kasi sa mga Montenegrong iyon ang gusto nila, parang awa. Huwag mo ng hintayin na pati ang isa mo pang anak ay mawala." Sabi ni Mama kay Papa.
Napansin nilang nagising ako kaya agad silang tumigil sa kanilang pagtatalo.
"Anak, ayos ka lang ba? May masakit paba?" Umiiyak na si Mama at pumapatak na rin ang mga luha ni Papa. "Pasensya na anak, wala kami. Sino ba ang tumulong sa'yo ng mapasalamatan namin."
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila, pero mga magulang ko sila kaya dapat nilang malaman ang mga nangyayari sa aking buhay. Sinabi ko sa kanila ang nangyari noong gabing iyon,
"Si Lucius, Oceanus at Harry Montenegro po yung tumulong sa akin."
Natigil sila sa at parang nabingi kaming tatlo sa katahimikan.
"M-Montenegro ang tumulong sa'yo?" Tanong ni Papa sa akin na hawak na ang aking mga braso. "Sagutin mo Hermione!" Sigaw nito sa akin.
"Ano ba, anak mo yan." Pinigilan ni Mama ang pag-hawak ni Papa sa akin.
"O-opo, sila po yung mga naging kaibigan ko na rin. Simula po kasi nung nawala kayo, wala rin po akong maka-usap. Si Fleur at Olivia po ay nag-aaral habang ako po ay nasa training ng cheerdance, sila lang po yung nasasabihan ko ng mga problema."
Umagos ng luha sa aking mukha, at hindi na makapag-salita.
"Huwag na huwag ka nang lalapit sa mga taong iyon, Hermione." Sabi ni Papa at sabay nito ang paglabas niya.
Tulala lang ako at hindi na nag-balak pang mag-salita, kailangan kong mag-pahinga dahil may mga kailangan akong gawin. Kailangan kong malaman kung ano bang nangyayari sa amin ngayon, dahil kung hindi ako kikilos ay walang kikilos para sa akin.
Tatlong araw lang at naka-labas na rin ako.
Hindi pa ganoon nag-hihilom ang mga pasa pero nakakapaglakad naman na ako at tingin ko'y kailangan ko ng gawin ang mga dapat ko ng ginawa noon pa.
Alam kong mali ang aking ginagawa dahil hindi alam ng aking mga magulang, pero dahil sa ganoon rin naman ang kanilang ipinapakita at ipinaparamdam ay hindi ko na rin muna sasabihin sa kanila.
Sinimulan ko sa pag-halungkat sa mga gamit dito sa stock area, kinuha ko ang mga mahahalagang papeles na tingin ko'y makakatulong sa akin. Ganoon rin ang mga iba't-ibang photo albums, pagkatapos noon ay pumunta ako sa kwarto ni Ate Hailey na kung saan may mga envelopes din siyang hindi ko pa nakikita.
Wala sila Mama at Papa ngayon dahil may inaasikaso sila, kaya habang may oras pa ako ay kinuha ko na ang mga gamit.
Fleur calling ....
[Hermione, where are you?] Nag-taka naman ako dahil halos dalawang linggo nila akong hindi kinausap at hindi manlang nila ako dinalaw sa ospital. [Birthday mo ngayon, nasan kana?]
Natumba ako sa sahig at tinignan ang kalendaryo na nasa harapan ko, ang gandang regalo para sa akin ang mga nangyayari.
Isang oras ang dumaan at nakita kong nasa harapan ko sila Fleur at Olivia na suot ang kanilang mga costume, bagay sa kanila. Naiyak ako dahil ngayon na lang uli kami nagkita-kita. Parang hindi ko kayang wala sila sa aking buhay.
"Suotin mo na, aantayin ka namin sa baba." Sabi ni Olivia, nag-handa naman ako agad.
Ngayon na inaayos ni Fleur ang aking buhok habang si Olivia naman ay nilalagyan ako ng make-up sa mukha. Sinabihan ko naman na huwag niya masyadong kapalan dahil hindi rin naman ako sanay.
Pag-labas namin ay nakita kong tatlong sasakyan ang nasa aming harapan.
"Dun ka." Sabi ni Fleur at nakita kong nandoon si Harry.
"Happy Birthday, Hermione."
Please use the hashtag #BakaSakali17 for your twitter reactions
twitter : reminiscxz
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
: >
BINABASA MO ANG
Baka Sakali (Montenegro Boys #1)
FanfikceMontenegro Boys #1. Harry Corvus Montenegro hates people, with his corrupt politician dad, controlling his life, for him life is unfair. Until he met, Hermione Monterde, who have a goals, and planning her life well. Started : May 26, 2020 Finished...