Chapter 36

310 14 0
                                    


Ngayon ang dating ni Hermione.


Maaga akong gumising para gawin ang naka-gawian 'kong workout routine. Sa totoo lang ay si Lucius ang nang-impluwensiya sa aming gawin ang ganitong bagay. Simula ng makulong ang aking mga magulang ay mas naging tahimik ang buhay naming tatlo. 


Mas nagagawa na namin ang mga gusto naming gawin, kumpara noon na mabibili namin ng agad-agaran ang mga gusto namin pero palaging may kapalit. 


Matapos ko sa workout ay kumain na ako ng naka-hain sa mesa, nag-luto si Manang ng typical na breakfast ng family. Bacon, eggs, and fried rice. Pinasabay ko na rin siya sa akin dahil yung dalawa ay tulog pa at baka mamayang tanghali pa magising. 


"Mukhang masaya ang alaga ko ngayon, anong meron?" Tanong sa akin ni Manang na ikinatigil ko sa aking pagkain. 


"A-ah wala naman po," Naiilang ko na sagot. 


"Dadating na kasi ang pinakama-mahal niyang babae, Manang." Rinig kong sabi ni Oceanus na kakagising pa lang. 


"Lul!" Sabay nito ang pag-taas ko ng aking daliri.


Hinampas naman ito ni Manang at inasar pa ako lalo ni Oceanus na papunta ng banyo, tumuloy lang ako sa aking kwarto. Wala pang balita kung naka-rating na ba si Hermione, kinakabahan ako. 


Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko, kung kasama niya ba ang boyfriend niya, o kung may boyfriend na ba siya talaga. 


Nanood lang ako ng Harry Potter, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paanong ganoon lamang kadaling napatay ni Bellatrix si Sirius Black. Siya na nga lang ang natira kay Harry, namatay pa. 


"Tol, mamaya daw punta tayo sa bahay nila Hermione." 


"H-ha bakit?" 


"Hindi daw kasi makakarating si Hermione." 


Sinara ko ang pintuan ng aking kwarto at nag-chat ako sa gc kung totoo ba ang sinabi sa akin ni Oceanus dahil alam ko na ugali ng ugok na yun. Umaasa ako, umaasa akong hindi totoo yung sinabi ng ugok na yun. 


"Oo, Harry. Delayed daw." Fleur Minerales. 


 Nanlumo ako lalo dahil si Fleur pa ang nag-sabi, kung si Olivia kasi ay baka magkaroon pa ako ng kaunting pag-asa. Mukhang hindi pa nga ngayon ang tamang oras, dadating din naman siguro iyon. 


Nag-handa na ako dahil pupunta nga daw kami sa bahay nila ngayon, pinag-suot nila ako ng formal na damit. May necktie pa, hindi ko alam kung baka prom na ba ang pupuntahan ko o kung ano nanaman 'tong mga ginagawa nila sa akin. 


Palibhasa mas matanda sa akin, kailangan pa rin sundin. 


"Tangina, ano ba 'to. Black shoes pa?" Tanong ko ng ilapag ni Lucius sa akin ang isang pares ng itim na sapatos. 


Baka Sakali (Montenegro Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon