Chapter 13

376 23 0
                                    


Habang naghahanda ng aking mga gamit ay narinig ko sa tabing kwarto na may kausap si Papa.


"Ano ba talagang gusto ninyo? Lumayo na kami sa inyo tapos ganito pa rin?" Aniya.


"Hindi na ba sapat na lahat ng ari-arian pati anak naming kinuha niyo na." Sabi pa nito sa kausap niya sa telepono.


Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung anong ibig sabihin ng mga ganoong usapan ni Papa sa kausap niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay pati daw anak niya? Masyadong magulo ang nasa aking utak, hindi ko namalayan naubos ko napala ang aking kinakain.


Napansin ko naman ang mga nag-aalalang mukha ng aking mga magulang, dapat ko ba silang tanungin? Kung sabagay, mag-sasabi naman sila kung kinakailangan.


"Hermione, anak, may problema ba?" Tanong ni Papa sa akin, agad akong umiling.


Pagkababa ko ng sasakyan ay agad akon nag-madali ng paglalakad dahil ayoko ng ma-late sa training ngayon, hindi naman na ako masyadong kinakabahan dahil tumbling ang gagawin naming buong araw.


Nakita ko naman ang naka-ngiting si Clarisse na parang kanina pa ako inaantay.


"Hermione, kamusta?" Nilapag ko ang aking mga gamit at nag-simula na ring tumakbo kasabay siya.


"Ayos lang, ikaw ba?" Siya na ang madalas kong maka-usap ditto, dahil na rin classmate ko siya ay mas nagkaka-intindihan kami. Sila Lucius at Oceanus ay masyadong busy sa mga babaeng lumalapit sa kanila.


After stretching, tinitignan ng mga seniors ang skills ng bawat isa. 


Nasa bandang dulo kami ni Clarisse dahil kahit ako ay kinakabahan, maraming nagpakitang gilas sa mga ginawa nila. Yung isa nga ay gumawa ng double full twist, bago na sa akin ang ganoon dahil simula ng umalis ako sa gymnastics ay hindi ko na rin mahabol ang mga bagong skills. 


"Let's go Hermione!" Rinig kong sigaw ni Lucius at Oceanus, sobrang supportive ng dalawang ito. 


Huminga muna ako ng malalim, habang nagbi-bilang ay Captain ay agad na akong nagpakita ng round-off backhand backhand full twist, halos maiyak ako dahil nagawa ko pa rin after how many years na walang training. 


Kita kong nagulat ang lahat dahil sa aking ipinakita, dumating na rin ang sa tingin kong Coach at agad kaming lumapit dahil unang company call namin ito kasama ang aming Coach. 


"Hello, XCA Pep Squad. Actually kanina pa ako nasa itaas tiitignan ang bawat isa, aware naman kayo sa nangyari last year na after mag 5-peat ay nakuha ng Colegio De San Mateo ang Championship. It's extra pressure for us but we will take that as a challenge to bring back the crown to XCA. Now, I see that most of you has a potential. Let's be productive and postive on what we are doing. " 


Dahil sa sinabing iyon ng aming Coach, agad kaming nabuhayan at lahat ngayon ay kanya-kanyang spot sa mga nagt-tumbling. 

Baka Sakali (Montenegro Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon