Chapter 40

593 20 3
                                    


Harry's birthday. 


"Anong ba kasing balak mo? o baka wala ka naman talagang balak?" Tanong ni Ate Hailey sa akin. 


"Bakit ba interesado ka Ate? Siguro nga wala." Umalis ako dahil baka sa kakakulit niya sa akin ay masabi ko ang hindi dapat sabihin. 


Halos tatlong buwan akong nililigawan ni Harry, sa tatlong buwan na iyon ay mas nakilala ko ang isang katulad niya. Nakita ko kung gaano siya ka-determinadong maging boyfriend ko. Ultimo si Lola at Lolo ay niligawan niya. 


Madali niyang nakuha ang puso ng aking pamilya pero hindi ako. 


Dahil inantay ko ang araw na ito. 


Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya ang isnag salita na may tatlong letra. 


Pero hindi ko magawa. 


Dahil tingin ko'y mas magiging maganda kung ngayong araw ko sasabihin iyon. 


"Tara na bakla, ikaw na lang hinihintay." Sabi ni Olivia sa akin. 


"Madaling madali? Parang hindi kayo nagkita kagabi ni Oceanus." 


Hindi niya ata alam na binabantayan ko bawat kilos ng dalawa kong kaibigan, simula kasi ng maging sila ay halos magdamag na silang nag-uusap. Paano ba nila nagagawa iyon, parang walang ibang pino-problema sa buhay. 


Habang nasa sasakyan ay hindi ko masabi kung ano ang aking nararamdaman. 


Kinakabahan. 


Halos 30 minutes ang byahe bago maka-punta sa venue, sa totoo lang ay hindi masyadong marami ang guests na kinuha nila. Dahil na rin siguro sa mga nangyari sa pamilya nila, marami na rin ang nawala. 


At yung mga totoo na lang ang natira. 


"Ms. Hermione Illiana Monterde, welcome. This way please." Sabi sa akin ng tingin ko'y organizer ng party. 


"H-Harry," Sabi ko ng makita siya.


Wearing his black fitted tuxedo with white long sleeves, simple lang iyon pero kitang-kita mo kung paano niya nadadala ang simpleng suot lang. 


"Happy Birthday," Sabay abot ng gift ko sa kanya. 


"Thankyou, ready?" Tinanong niya ako dahil sa totoo lang ay hindi naman niya na kailangan ng kasama sa pag-akyat ng stage. 


Ngunit gusto niyang patunayan sa kaniyang pamilya na wala na ang alitan ng mga Montenegro at Monterde, kahit ako ay hindi maka-paniwala sa mga nangyayari. Alam kong nakakapanibago, na ang noo'y magkalaban na pamilya ay naging mabuting mag-kasama na. 

Baka Sakali (Montenegro Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon