Chapter 33

293 16 2
                                    


Arrived. 


Na-miss ko ang Pilipinas, hindi pa ako bumababa naiinitan na ako. 


"O, malalaki na kayo. Kaya niyo na ang inyong mga sarili." Tumango lamang kami ni Ate sabay nito ang pag-sakay namin sa sasakyan. 


Sabay nito ang pagbaba namin ng mga gamit, sinabihan ko na sila Olivia at Fleur na nandito na ako sa Pilipinas. Simula kasi ng natapos na ang kaso ng aking mga magulang ay hindi na rin nag-higpit ang kanilang mga magulang na makipag-kita sa akin. 


Nag-luto lang ako ng carbonara habang si Ate Hailey ay dala-dala si Sofia ang bago naming aso, shitzu siya na binili ni Ate. 


Niluto ko na rin ang manok na binili namin kanina dahil dumaan kami sa grocery,  nag-text na sa akin si Fleur na malapit na sila kaya naman naligo na ako at nag-handa ng aking susuotin. Narinig kong tumatahol na si Sofia kaya naman nag-madali na rin akong kumilos. 


"Ay, akala ko naman nandiyan na sila." 


"WAAA!" Rinig kong sigaw ni Olivia sa aking likod na agad ko namang kinagulat. 


"I miss you two!" Sigaw ko at napa-yakap sa kanila, umupo na kami at hinanda ni Ate Hailey ang aming kakainin. 


"Taray ni bakla, ganya ba kapag london effect." Sabi ni Olivia sa akin. 


"Wala 'to," Sabay hawi sa aking buhok, humaba na rin kasi ito ng husto at nangako sa sariling hindi magpapa-gupit hangga't walang jowa. 


"Wala kasing boyfriend kaya ayan." Pang-asar sa akin ni Ate Hailey, alam niya naan ang dahilan pero pina-mukha niya pa talaga sa akin. 


"Akala mo siya meron." Pagtataray ko sa kanya. 


"Hindi mo sure, beh."


Kamustahan lamang ang nangyari, kwento doon kwento dito. Hindi rin nila maiwasang mapa-tingin kay Ate Hailey, dahil aminado akong mas maganda talaga sa akin si Ate. Pero marming nagsa-sabi na parang carbon copy niya ako. 


Hindi ko maiwasang matawa dahil sa mga kwento ni Olivia sa akin patungkol kay Bellatrix na ngayon ay Grade 9 pa rin, puro daw kasi ito panglalait wala namang utak. 


Habang si Fleur naman ay nasasanay na sa kanilang company, nasabi niya rin na isa na sila sa pinaka-mataas ang kita dito sa bansa. Binalak ko tuloy nakawan, charot. 


"Ikaw, kamusta lovelife?" Eto na nga ba, pina-ikot ikot lang nila pero dit rin ang aming bagsak. 


"Eto, walang dilig." Nagulat naman sila maging si Ate ay napatingin sa akin dahil aking sinabi. 


"Huy! Kanino mo naman natutunan yang mga ganyan?" Tanong sa akin ni Olivia. 


Baka Sakali (Montenegro Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon