Chapter 9

456 29 0
                                    


Nasa huling subject na kami at agad ko namang natapos ito. 


Nauna akong lumabas kina Fleur at Olivia, may usapan kasi kaming tatlo na lalabas ngayon dahil matagal na rin nung kami'y nagka-sama sama. 


"Ang bilis mo naman i-take yung exams, halos magpa-bilisan na kayo ni Harry 'e." Nagulat naman ako sa sinabi ni Olivia at kita ko namang napangisi si Fleur. 


"So, where do you wanna go? Mall? Cinema? or Rest house?" Pareho na kami ng mga naiisip. 


"Sabi na, tawag talag 'to ng alak na hindi mainom-inom." Natawa naman kami ni Fleur at agad na sumakay sa sasakyan nila. 


Tahimik lamang ako habang nakikinig ng 'Lifetime' by Ben&Ben. Hindi na ako sumasali sa usapan nila dahil mahihilo lamang ako kapag pagalaw-galaw ako sa sasakyan. Pinili ko na lamang manahimik at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. 


"Bakla, anong chika?" Sa lakas ng tapik ni Olivia ay naalimpungatan ako. 


"H-ha?" Hindi pa agad nag-function ang aking utak at uminom muna sa aking tubigan at muling binaling ang aking atensiyon sa aking mga kaibigan. 


Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang sila nag-tanong nga mga ganitong bagay, tila bang may alam sila na hindi ko alam. Matagal pa naman ang byahe dahil traffic na rin. 


"Ano bang chika ang gusto mong malaman?" Natawa naman sila maging ako sa aking sinabi. 


"Harry Corvus Montenegro." Natigilan naman kami pareho ni Olivia ng marinig ko ang pangalan ni Harry. 


"A-anong meron sa kanya?" Natataranta kong sabi. 


"May nakakita sa inyo kahapon sa mall, kumain daw kayo." 


Imposible namang siya yung nakita ko kahapon na maaring kasama ni Lucius, kaya inisip ko na lang dahil na rin sikat si Harry ay mabilis lang kumakalat ang balita. 


"Oo, niyaya niya kasi ako. Nalimutan kong sabihan si Papa na maaga nga pala tayong makakauwi after long test." Diretso kong sabi sa aking mga kaibigan. 


"You two are being close to each other, mag-ingat ka." 


Agad naman kaming nagulat nang makarating na kami sa aming destinasyon. Nagulat ako dahil nag-iba ang pintura ng kanilang rest house, marahil ay pinaayos ito ng kanyang pamilya. Kung noon ay parang makaluma ang itsura nito, ngayon ay parang mas naging mansiyon kung tignan ang kanilang rest house. 


Inayos ko lang ang aking mga agmit, handa naman na ako dahil nag-paalam sila kanina sa aking mga magulang na baka bukas na kami maka-uwi kaya agad kong kinuha ang aking laptop maging ang mga reviewers na ginawa ko para makapag-aral. 


Nag-handa na sila ng mga kakainin, habang si Kuya Lupin ang pinagbili ni Fleur ng aming drinks. Naubos daw ang kanilang stock dahil last week lang ay nagkaroon sila ng Family Reunion. 

Baka Sakali (Montenegro Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon