Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin pumapasok sa aking utak ang kanyang mga sinasabi.
Halos hindi ako makapag-salita, dahil hindi ko rin naman alam kung may dapat ba akong sabihin. Tahimik lang kaming kumakain at halos tumutunog lang ang mga gamit naming kubyertos.
Ala-siyete na nang makita ko ang oras sa aking cellphone. Pumunta ako sa grab na app para makapag-book na ako at hindi na mag-hintay pa ng matagal.
"Anong ginagawa mo?" Nakita kong titig ang kanyang mga mata sa akin.
"Nag-book lang ako ng grab," Agad niyang kinuha ang aking cellphone at nakita kong na-cancel na ang binook kong grab.
"Ihahatid kita, wag ka mag-alala."
Natawa naman ako sa sinabi niya, dahil alam ko namang si Kuya Driver ang mag-hahatid sa amin at hindi siya, hindi ko na lamang iyon pinansin at patuloy na kumain.
"Don't you have any questions?" Napatingin ako sa kanya sa kadahilanang hindi ko maintindihan kung ano bang ipinaparating niya.
"H-ha? Anong tanong?" Napa-iling na lamang ito, patuloy siyang kumain at ganoon rin ako.
Hinatid ako ni Harry matapos naming kumain, wala naman itong kibo sa biyahe. Nag-paalam na ako sa kanya at agad na ring bumaba ng sasakyan dahil baka nag-aalala na sa akin ang aking mga magulang. Nagulat ako ng hindi sila Papa ang sumalubong sa akin.
Nadatnan kong naka-abang sa akin si Tita Nympha, pumasok ako sa aking kwarto at agad na nag-bihis para muling babain si Tita. Hindi ko naman alam kung bakit siya ang nandito, sanay naman akong nandito siya ngunit kapag nandito sila Mama.
"Ang Mama at Papa mo ay may inaasikaso," Panimula nito dahil naramdaman niyang nag-tataka ako kung bakit wala sila Mama. Kadalasan naman kapag sila ay umaalis sinasabihan at binibilinan nila ako.
"Isang linggo lang sila mawawala, Hermione." Halos mapatigil ako sa aking ginagawang assignment.
"Isang linggo?" Tinanguan naman ako nito at kumuha ng baso para mag-timpla ng kape.
"Hindi ba nila nabanggit sa'yo?" Umiling naman ako.
Agad kong kinuha ang aking cellphone para mag-text kung ano bang nangyayari dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung may dapat ba akong malaman, hindi na bumalik si Papa sa ibang bansa tapos naririnig kong pinag-uusapan nila gabi-gabi ang mga Montenegro tapos ngayon malalaman kong umalis sila ng walang paalam.
"Wag ka nang mag-abala pang tawagan sila." Sabi ni Tita na parang may alam sa nangyayari.
"Malalaman mo rin, Hermione. Tapusin mo na yan at mag-pahinga may training pa raw kayo bukas."
Tapos na ako sa aking ginagawa, ngunit hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ako sa mga nangyayari. Ayoko rin mag-sabi kina Fleur at Olivia, nakikita ko na may mga pinagdadaanan rin sila sa kanilang mga pamilya.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali (Montenegro Boys #1)
Fiksi PenggemarMontenegro Boys #1. Harry Corvus Montenegro hates people, with his corrupt politician dad, controlling his life, for him life is unfair. Until he met, Hermione Monterde, who have a goals, and planning her life well. Started : May 26, 2020 Finished...