Coleen's POV
Hangga't maaari ay ayaw ko ng gulo.Lalo pa at magtatapos na ako.Ayokong mapurnada at mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko ng dahil lang sa pumatol ako sa mga kalokohan ng grupo nila.Lalong-lalo na si Gabb.
Nakakanginig ng laman ang taong iyon.Ansarap balatan gamit ang nail cutter.
Mukhang may bisita kami ngayon.Marami kasing inihanda si mama na pagkain.
"Ma, ano po bang meron?"tanong ko dito at tinulungan s'yang ayusin ang mga pinamili n'ya.
Tumingin muna s'ya sa kanyang listahan na dala at saka bumaling sa akin.
"Darating ang tito Brandon mo kasama ang anak n'ya kaya maligo ka na at ano mang oras ngayon ay darating na sila.Madali!"excited na sabi ni mama at tinulak ako papasok sa kwarto ko.
"Wow, kailangan manulak?"nakamot nalang ako ng ulo at naghikab bago kumuha ng damit at naligo.
Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto ko at pinuntahan si mama sa kusina.
"Wala pa po sila?"tanong ko dahil ang alam ko ay matagal ako sa banyo at nagbabad pa ako.
Umiling naman si mama at tinuloy ang paghalo sa niluluto.
Naupo muna ako sa sofa sa sala at nanood ng t.v.
Boring ang palabas at puro pangbata lang kaya pinatay ko na.
Saka naman may kumatok sa pinto namin.Tumayo ako at pinagbuksan ito.
Bumungad sa akin isang matandang lalaki na mukhang mayaman dahil sa suot nito at sa tabi naman n'ya ay isang babae na mahaba ang buhok at nakapusod.Maputi ang balat at singkit ang mga mata nito.
"Ahm sino po sila?"magalang na tanong ko sa mga ito.
"Ako si Bradon at ito ang anak ko, si Bea."pagpapakilala n'ya sa sarili at sa kanyang kasama.
"Tito Brandon?Hala!Tuloy po kayo."pag-aya ko sa kanila sa loob.
Naghintay ako na makapasok ang kasama ni tito bago sinara ang pinto.
Naamoy ko pa ang pabango ni Bea.Grabe ang bango n'ya.
Tinawag ko naman si mama at sinabi na nandito na si tito.Agad na inalis ni mama ang apron na suot at nagtungo sa sala.
Sumunod ako at sinilip si Bea na tahimik lang.Bakit kaya?
Ahh na-oop siguro kasi nagkamustahan ang mga matatanda.
"Hahaha. Oo teka asan ba si pare?"
"Ahh parating na yun."
Linapitan ko ito mula sa kanyang likuran at kinalabit siya.
"Ahmm sama ka sa'kin."aya ko dito at hinitak s'ya papunta sa kwarto ko.Hindi naman s'ya pumalag at sumunod nalang.
Nang makapasok na kami ay nilock ko ang pinto at humarap sa kanya.
"Hi.Coleen nga pala."pagpapakilala ko sa kanya at inabot ang kamay ko.Tinitigan n'ya ito bago tinanggap.
"I'm Bea De Leon."s'ya naman ang nagpakilala at binitawan na ang kamay ko.
Nagtingin-tingin lang s'ya sa paligid ng maliit kong silid.
Hindi ko naman maiwasan na tignan ang buo n'yang katawan.Napakagaling n'yang manamit at halatang responsible.
"So Coleen, saan ka nag-aaral?"tanong n'ya bigla sa akin at huminto sa paglakad.
"Ahmm sa MNL University.Ikaw ba, saan?"tanong ko din sa kanya.Humarap naman s'ya sa'kin at naglakad palapit.
"Dun narin mula bukas."sabi n'ya at inakbayan ako na ikinagulat ko.
"Ang ganda mo Coleen."sabi n'ya sa aking tenga at di ko namalayan na lumabas na pala s'ya ng kwarto ko.
Apat na salita lang iyon pero hindi na mawala sa ulo ko.
"Ang ganda mo Coleen."
"S-Sinabihan n'ya ako ng maganda?"nang marealized ko ay parang biglang liniyaban ang mukha ko na hindi ko maipaliwanag.
First time na may nagsabi sa akin nun!
Mabilis kong kinuha ang cp ko at tinawagan si Cole.Kailangan ko itong mailabas kasi pakiramdam ko ay sasabog na ako sa kilig!
Ilang ring lang ay sinagot na n'ya ito at inunahan ko s'yang magsalita.
"BES INAATAKE ATA AKO"prangkang sabi ko dito at pinakiramdaman ang puso ko na tumitibok ng napakabilis.
"Hah!Teka tatawag ako ng ambulance!"sabi n'ya at halata ang pag-aalala sa boses.
"Bes, ano ba itong nararamdaman ko?Sinabihan lang naman ako ng "Ang ganda mo Coleen" tapos nagrayot na sa aking rib cage!"kwento ko dito dahil hindi ito pamilyar sa akin.
"Bes, grabe akala ko naman kung ano na ang nangyari!Malamang kinikilig ka.Yes!Sino ba ang gumising ng manhid mo na puso?"natatawang sabi n'ya sa kabilang linya at kinailangan kong ilayo ang cp ko dahil plano n'ya atang basagin ang eardrums ko.
"Chill pre ako kinikilig diba?So ano ba ang dapat kong gawin?"tanong ko ulit dito.
"Edi relax ka lang at enjoyin mo.Hayaan mong may magparamdam sa'yo ng pagmamahal."sabi n'ya at napakunot naman ang noo ko.Masyado kasing cheesy.
"Hmmp oo na bye na."sabi ko at ibinaba na ang tawag saka nagdesisyon na ayusin ang sarili sa harap ng salamin bago bumaba sa sala.
Naabutan ko silang nagkukwentuhan at kasali na ngayon si Bea.
Nakita ako ni mama at tinawag."Coleen, halika nga dito."
sumunod naman ako at hindi maiwasan na mailang sa mga titig na binibigay sa'kin ni Bea.
"Brandon, ito ang anak ko.Maganda at mabait yan.Bagay na bagay talaga sila ni Bea hano?"sabi ni mama na parang binubugaw ata ako haha.
"Oo nga mare.Bagay na bagay talaga sila!"pagsang-ayon naman ni tito at inakbayan si Bea na wala man lang pag-angal na ginagawa.
Gusto n'ya kaya?Hehe.
"So kailan na nga ba ang kasal?"tanong ni mama sa seryosong boses na nagpalaki ng mga mata ko maging sa mga mata ni Bea na singkit.
"Ma!Anong kasal po?"naguguluhan na tanong ko.
"Kasal!Ikakasal kayo kasi bata palang kayo ay ipinangako na kayo para sa isa't isa."sabi ni mama na parang ayaw na akong alagaan huhu.Gusto na ata akong itaboy e.
"Ayaw mo?"nagulat ako at napalingon sa nagsalita.
Umiling ako at tumango na nagpakunot ng noo ni Bea.
"Gusto ko pero nag-aaral pa ako."nahihiyang sabi ko at tinignan s'ya na gusto talaga atang maikasal sa akin.
"Don't worry.Sabay tayong mag-aaral at magtatapos.Babantayan din kita at aalagaan.Payag ka na ba?"tanong n'ya sa akin habang tinititigan ako.
"Ahmm e, sige?"
Ayus ah, instant fiancé ang peg.Ganda ko ba?
BINABASA MO ANG
Playing the Bad boy's Heart
FanfictionPaano kapag ang hinahabol, kinakikiligan, minamahal ng lahat, gwapo, astig, malakas ang dating, chic magnet, tipong bad boy, at higit sa lahat ay player ng buong campus ay mahulog sa taong hindi naman kagandahan? Paano kapag ang bad boy at player n...