Coleen's POV
Wala na akong trabaho.Hay.
Paano na ang plano ko?
Boring ditto sa Bahay Lalo na at wala si Mike.Yung bestfriend ko sa America na nagpumilit sumama sa akin pabalik.
Wala na akong nagawa kaya sinabit ko na s'ya.
Pati tuloy s'ya ay nagamit ko pa sa plano ko.S'ya kasi yung fake bf ko.Nung una ay talagang nahirapan akong papayagin s'ya kasi napaka lambot n'ya at mas mahinhin pa sa akin.Pero sa huli ay napapayag ko na rin.
Ano bang pwedeng gawin dito sa Bahay?
Mag-linis?Mag-laba?E tapos ko na gawin yun lahat e.
Tama!Ang matulog!
So naligo muna ako para fresh at masarap matulog.
---
Gabb's POV
Huh!Talagang napakatigas ng babae na yun.
Kanina ay pumasok ako at walang Coleen ang sumalubong.Wala!
Hindi ako mapakali at baka maisipan na naman n'ya na umalis.Hindi yun pwede.
Coleen's POV
Andito pa din ako sa banyo at nagbababad sa bathtub.
Hay!Ansarap dyusko.
Palangoy-langoy lamang ako dito nang may marinig na ingay sa labas.
May nabasag ata si Mike.Tumayo ako at kinuha ang towel para magtapis.
Lumabas ako ng banyo at hinanap ang pinanggalingan ng tunog.
At tumambad sa akin ang isang di pamilyar na tikas sa sala.
Nakaluhod ito at inaayos ang mga basag na vase.
Nagulintang ako at agad na kumuha ng kutsilyo sa kusina.
"Sino ka?!"
Dahan-dahan itong tumalikod at....shet.
"A-Anong ginagawa mo dito!?"
Nagulat s'ya at nabagsak ang mga basag ng vase.
"Napadaan lang."sabi n'ya at dumako ang tingin sa baba ko.
"Argh!Manyak!Trespassing ka lam mo ba yun?!"lumapit ako sa kanya at hinatak s'ya palabas ng pinto.
Pero nagpumiglas s'ya kaya Ayun....
Nalaglag ang towel ko.
Agad s'yang nagtakip ng mga mata at tumalikod.
Kitang-kita ko ang pamumula n'ya at na abot hanggang batok.
Hahaha.Hindi ko kinuha ang towel.
"Ano bang kailangan mo, Gabb?"
Akala n'ya siguro ok na kaya humarap s'ya ulit pero agad din naman na nanlaki ang mga mata at kumunot ang noo.
"Tssk.Ayusin mo nga muna ang sarili mo, Coleen."naiinis n'yang sabi at tumalikod ulit habang ako ay nailing lang na kinuha ang towel at muling itinapis.
"Oy ayus na po, boss"natatawang sabi ko.
Humarap s'ya at muling tumalikod.
"Magbihis ka na muna kasi."naiinis na naman n'yang sabi.
Sus.Demanding naman n'ya!
"Hintay ka lang d'yan magpapalit lang ako."sabi ko at pumunta sa kwarto para magbihis.
Mabilis lang ako at onting make up lang para cute.Saka bumalik na ako at naabutan s'yang serious mode.
"Ano bang katangahan ang ginagawa mo, Coleen?Iniwan mong bukas ang pinto sa harap, paano kung iba ang pumasok, e di may masama na sanang nangyare."naiinis na sermon n'ya bago pa ako maka upo ng sofa.
"Pag s'ya pumasok walang mangyayare?haha scam."
Napairap lamang ako at umupo.
"Sorry?Tssk.Ano bang kailangan mo?"
"Bumalik ka sa pagiging secretary ko."
Huh!Galing n'ya.Anong masamang espiritu kaya ang sumapi sa kanya.
"Paano kapag ayoko?"pakipot na sabi ko at nag cross arm.
May inilabas naman s'yang kung ano sa kanyang coat at inilapag sa coffee table.
Isang blank cheque.
"Oh para saan yan?"pakipot parin na sabi ko.
"Sabihin mo na kung ilan.Ilan ba ang gusto mong sahod.Ikaw na ang bahala."sabi n'ya.
Wow yayamanin na kupal.
"Pwede ba Gabb?Wag mo akong igaya sa mga tipikal na babae na nagpapabayad."naiinis na sabi ko.
"Pwede din bang wag ka nang magpakipot, hah babae?Saka ikaw lang ang binibigyan ko ng ganyang opportunity kaya mag saya ka nalang."nakangising sabi n'ya.
"At bakit ako magsasaya?Teka.Bakit ba hindi ka nalang humanap ng iba?"pansin ko sa kanya pero umiwas lang s'ya ng tingin.
Huh.Kung alam ko lang.Alam ko naman na may gusto na sa akin ito nung simula palang.Sorry s'ya dahil hindi ako napatol sa babaero at mahangin na tao pati sa taong kinamumuhian ko.
"Ano bang gusto mo?Sabihin mo na at ng makaalis na ako dahil may meeting pa ako."....
Ok.So may tama pa din s'ya sa akin?
Hmmmm mas magiging madali ata ang plano ko hehe.
Lumapit ako sa likod n'ya habang nakapikit s'ya.Humawak ako sa balikat n'ya at....nag-umpisang masahihin ito.
Napatuwi ang katawan n'ya sa bigla.
"Ang gusto ko, Gabb ay-"hinuli n'ya ang kamay ko at hinatak palapit sa kanya.Ngumiti ako at hinalikan ang pisnge n'ya.
"ikaw."
___________
thank you!
BINABASA MO ANG
Playing the Bad boy's Heart
FanfictionPaano kapag ang hinahabol, kinakikiligan, minamahal ng lahat, gwapo, astig, malakas ang dating, chic magnet, tipong bad boy, at higit sa lahat ay player ng buong campus ay mahulog sa taong hindi naman kagandahan? Paano kapag ang bad boy at player n...