Kabanata 3

717 40 13
                                    

Gabb's POV

Feb. 1.....

"So ngayon na magsisimula ang dare, Gabb."pagpapaalala ni A sa akin.

"Kung hindi ka pa nalalaos, dapat ay manalo ka."dagdag naman ni Glee at tinapik ang balikat ko.

"Oo naman.Aalis s'ya at sisiguraduhin ko iyon."

"Yung pusta mo Gabb.Ibibigay mo ba yun talaga?"seryosong tanong sa'kin ni A.

Tinapik ko din ang balikat n'ya."Kung mananalo ka lang.Dahil hindi ko ipupusta si Ella kung alam ko na matatalo ako.Kaya mananalo ako A."

"Mabuti na yung sigurado Gabb."

_____________

Coleen's POV

Sinundo ako ni Bea sa bahay namin at isinabay papunta sa MNL.

Pagbaba palang ni Bea ng sasakyan ay naghiyawan na ang mga babae at nagkislapan ang mga flash ng camera nila.Kumaway naman sa kanila si Bea na parang artista na ikinatawa ko.Umikot s'ya at pinagbuksan ako ng pinto.

Nilahad n'ya ang kamay n'ya at ngumiti sa akin.

"Salamat."tinanggap ko ang kamay n'ya at kinuha n'ya sakin ang bag ko.

"Let's go."hinatak na n'ya ako at inakbayan habang naglalakad.Panay tuloy ang tinginan sa amin ng lahat.

"Ah e Bea.Ang bigat ng kamay mo."sabi ko at napakabigat talaga e.

"Ow sorry, hold my hand nalang."sabi n'ya at kinuha ang kanang kamay ko at pinagsaklob sa kan'ya.Tinignan ko ang mga kamay namin dahil para akong nakaramdam ng kiliti at spark.Ito na ba yun?Love na ba ito?Ba't ang bilis?

Tinignan ko ang side view n'ya na napaka amo at the same time ay confident.Kumikinang at nagliliwanag ang aura n'ya.Deserved ko ba ang almost perfect na nilalang na ito?

Tinignan ko ang sarili ko.Flat at maliit ako pero maganda at cute pa.S'ya naman ay astig, cool, cute, pretty-handsome, matangkad, at syempre singkit.

Ano bang nangyayare sa buhay ko?Hayss.Never kong inexpect ang ganitong kalagayan dahil mababa lang naman ang katayuan ko sa buhay.Isa lamang ako tipikal na student at binansagan pa na 'invisible' hayys.

Naglalakad lang kami nang biglang makasalubong namin ang barkada ni Gabb.

Biglang nag-iba ang atmosphere.Kung kanina ay maaliwalas at payapa, ngayon naman ay nakakatense at kilabot.

Ganun ka-tindi ang kanilang maitim at malalamig na presensya na kayang paghinain ka sa lakas.

Gabb.

Pinasadahan ko ng tingin ang buo n'yang katawan.Matangkad s'ya at mas lalong pinataas ng kanyang suot na mukhang mamahalin.Oo, may maangas at napaka tikas na itsura s'ya at inaamin kong pati ako ay kahit papaano ay naaapektuhan nun.Pero binalewala ko nalang dahil sa realization na isa s'yang masama, cold, at bully.

Muli akong napatingin kay Bea.Kumpara kay Gabb ay mas maputi at maaliwalas kung magdamit si Bea.Idagdag mo pa ang napaka-gaan nitong aura na talagang magpapangiti nalang bigla sa iyo.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Gabb at sa mga kasama n'ya.

Mukhang may mangyayare?

Lalo na sa itsura ni Gabb na akala mo inagawan ng candy.

Naiiritang nakatingin ito sa akin at sa kamay namin na magkahawak.Nagtiim-bagang pa ito at naglilisik ang mga mata na tinignan si Bea.

Alert!Away is coming!

Playing the Bad boy's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon