Feb. 2.....
Coleen's POV
Hindi ko alam kung bakit hindi na nagpakita si Bea.
Kahapon ay umuwi na lamang ako at nagkulong magdamag.
Tinanong ako ni mama kung anong nangyare sa labi ko at ang dinahilan ko ay naumpog lamang ako sa lamesa.Naniwala sila at hinayaan nalang akong magpahinga.Ang tanga ko daw kaya ako nasasaktan.Supportive na mama hays.
Alam ko na hindi lang ito ang gagawin ni Gabb.
Napaka sama n'ya!
Kahit na anong mangyare ay hindi parin ako susuko!
Fighting!
Splashhhh!
Tumingala ako at nakita ang balde na nakaabang pala sa aking pagpasok.
Nagtawanan ang mga kaklase ko at masama ko naman silang tinitigan.
"Anong nakakatawa?!"sigaw ko na nagpatahimik sa kanila.Linapitan ako ni Cole at inabutan ng towel.
"Are you ok?"nag-aalalang tanong n'ya.Tumango naman ako at bigla s'yang itinulak palayo sa akin.
Plooop!
Naglagkit ang ulo ko sa binato sa akin na pie.
"Sinong bumato?!"nanggagalaiti kong tanong sa kanila at inalis ang pie na nakaharang sa aking mukha.
Walang sumagot.
"Bingi ba kayo?Ow takot kayo noh?Syempre magagalit si Gabb pag tinuro n'yo s'ya diba!?"sigaw ko at tumango naman sila.
Mga duwag!
"Cole, hawakan mo ito at may tatamaan sa akin."nanggigil na sabi ko at mabilis na tinungo ang tower ng Street gang sa likod ng campus.
Maraming naka itim at may mga bandana na pula ang nakaharang sa pinto.
"Ilabas n'yo si Gabb!"utos ko sa kanila pero tinignan lang nila ako at saka natawa.
"Gusto n'yo bang masaktan!Ilabas n'yo yang duwag na yan!"sigaw ko at dumakot ng mga bato sa lapag at pinagbabato sila.
Nagsitakbuhan naman sila para umiwas.
Umalis ako saglit at pumunta sa canteen at bumalik sa baba ng tower nila Gabb.
Dumakot ulit ako ng mas malaking bato sa lapag at binato ang malaking pinto ng tower.
Sakto naman na bumukas ito at tinamaan ang tao na iyon.
Napahagikgik ako sa tawa at napakashooter ko pala.Pero parang biglang nahigop ng vacuum ang hangin sa buong katawan ko nang makita kung sino ang binato ko.
Ang tao pala na natamaan ay si..........A.
Napahawak ako sa aking bibig at nanglaki ang mga mata.
Lumapit ako at ibinaba ang binili ko sa canteen para tignan ang ulo n'ya.Nagdudugo ito dahil sa malakas na impact.
"Naku, sorry A h-hindi ko sinasadya."nag-aalalang sabi ko at sinipat ang sugat n'ya.
Hinuli naman n'ya ang kamay ko at ngumiti.
"It's ok.Hindi naman masakit."sabi n'ya at tinignan ko naman ang kamay ko na hawak n'ya.May spark na naman akong naramdaman.
"Sorry hah?Gusto mo bang gamutin ko?Halika sa room namin!"nakangiting aya ko sa kanya at napatingin naman s'ya sa damit ko.
Oww apaka-dumi ko pala.
"Change your clothes muna and ako na ang bahala sa head ko."sabi n'ya at ngumiti na naman.
BINABASA MO ANG
Playing the Bad boy's Heart
FanfictionPaano kapag ang hinahabol, kinakikiligan, minamahal ng lahat, gwapo, astig, malakas ang dating, chic magnet, tipong bad boy, at higit sa lahat ay player ng buong campus ay mahulog sa taong hindi naman kagandahan? Paano kapag ang bad boy at player n...