Kabanata 5

659 38 8
                                    

7 days later....

Coleen's POV

Matagal na hindi ko nakita si Bea.Parang kinain na ata ng lupa.

Nalungkot din ako dahil namimiss ko ang paghatid-sundo n'ya sa akin.Paglibre n'ya ng pagkain.Pagsama sa akin palagi.At marami pang iba na inaamin kong namiss ko ng sobra.

Pero ang lahat ng iyon ay nawala nang makita ko s'ya na may kalandian.

Linapitan ko ito at para naman s'yang natuka ng manok nang makita ako.

"C-Coleen?"sabi n'ya na parang hindi makapaniwala.Napatawa ako ng pagak at bumaling sa higad sa tabi n'ya.

"Hi, kung ako sa'yo ay hindi ako maniniwala sa mga matatamis n'yang salita."turo ko kay Bea"Dahil lahat ng iyon ay ginamit n'ya na sa akin.At napatunayan na peke."natatawang sabi ko at inirapan si Bea bago umalis.

"Sayang, muntik na akong maniwala."napailing nalang ako sa katangahan ko.

"Pwes hindi na iyon mauulit."sabi ko at pumunta na mag-isa sa una kong subject.

Pagpasok ko ay nakaabang na pala sa akin ang isang balde ng tubig.

Well syempre alam ko na yun.Sanay na ako.

Naligo ako ng wala sa oras at pinagtawanan ng lahat.Hindi ako natinag at nginitian sila.

"Masaya na kayo?"nakangiting sabi ko sa kanila at hinubad ang blouse ko sa kanilang harapan.Nakasuot pa din ako ng sando kaya't bakat na bakat ang suot kong pangloob.

Napatulala ang lahat sa akin.

Napatawa ako sa aking isipan dahil mukha silang nakakita ng diamante.

"C-Coleen, yung suot mo."nag-aalalang sabi naman ni Cole at lumapit sa tabi ko.Inosente ko naman s'yang tinignan.

"Bakit anong meron sa suot ko?"tanong ko dito at pumunta sa aking upuan at basang-basa na umupo.

"Hindi ka ba magpapalit?"tanong n'ya ulit sa akin.Umiling ako ngumiti sa kanya.

Dati ay agad akong nagtutungo sa cr para magbihis pero grabe, sawa na ako.

"Ito ang gusto nila hindi ba?Pwes magsaya sila."sabi ko at nagsulat na.

Tahimik ang lahat sa room.Walang may gustong magsalita.

"Oh, bakit hindi kayo ngayon tumawa?"tanong ko at tumayo sa mahabang desk.

"Hindi ba't nakakatawa ang itsura ko ngayon?"nakangiti kong sabi sa kanila at itataas na sana ang aking sando nang may biglang bumukas ng pinto.

"What do you think you're doing?"malamig pa sa yelo nitong sabi at hinubad ang kanyang jacket na suot at nagmadaling lumapit sa akin.

Nagpumiglas ako nang bigla n'yang tinakpan ang katawan ko.

"Ano?Hah!Hindi ba't gusto mo ito?!"pagpupumiglas ko sa kanya pero hindi n'ya ako pinansin at binuhat na parang bata saka inilabas sa room.

Sa lakas n'ya ay nakaya n'yang buhatin ako hanggang sa tower na sila lamang ang nakakapasok.

Mahigpit n'ya akong hinawakan at pinigilan na kumawala sa kanya.

Nang maisara n'ya ang pinto ay saka pa lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na masampal s'ya ng ubod ng lakas.Alam kong nabigla s'ya pero hindi gumanti at hinatak lamang ako hanggang sa nasa isang kwarto na kami.

"Magbihis ka."maikli n'yang sabi at inihagis sa akin ang damit na nakuha sa cabinet.

Nanglilisik ang mga mata ko na tinignan s'ya.

Playing the Bad boy's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon