Gabb's POV
Bakit hindi s'ya nagpakita?
Andito ako ngayon sa harap ng door ng Bahay n'ya.Nag-iisip pa ako kung kakatok ba ako o uuwi nalang, baka naman kasi tulog na s'ya.
Pero kumatok pa din ako.Malamok at marami pang niknik ang pumapapak na sa akin dito sa labas.
Naghintay ako at umupo sa hagdan.Nagpatugtog muna ako ng music para di mabored.
Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaki.
"Who are you?"maarte na sabi n'ya at nakapamewang pa.
Kumunot ang noo ko at tinignan s'ya up and down.Isa lang ang naaamoy ko.
Bakla s'ya.
Kumaway-kaway s'ya at napahawak sa noo at isasara na Sana ang pinto pero pinigilan ko ito.
"I'm Gabb.And'yan ba si Coleen?"
Napalaki ang mga mata n'ya at bigla nalang isinara ang pinto.Aba!Bastos na bata.
Inis na kumatok ulit ako at nung binuksan na n'ya ay tinulak ko s'ya at pumasok sa loob.
"Hey!Napaka angas mo!"biglang lumaki ang boses n'ya at hinarangan ako.Naka bra pa s'ya na color red with matching burloloy sa katawan.Hay.
"Hoy!Pwede ba?Tumabi ka dyan kung ayaw mong balatan kita gamit ang nailcutter!"at marahas ko s'yang itinulak pahiga sa sofa saka ako pumunta sa taas.
Pero nasa hagdan palang ako nang Makita ko si Coleen na mukhang kagigising lang.Kakamot-kamot pa sa ulo at pwet.Ako nalang ang kakamot hehe.
Nakapikit s'ya at naghihikab pa.
"Ahhh Mikey!Ba't ba talak ka ng talak dyan?"inaantok na sabi n'ya at nang Makita ako ay bigla nalang tumakbo at pumasok sa kwarto n'ya.Paano naman kasi, isang maikli na short at sando lamang ang suot n'ya.Hay.
Naghintay ako at pinanglakihan pa ng mata si Mikey n'ya.Panay kasi ang pagtataray sa akin.
"Bakit ka andito?Gabing-gabi na!"sabi agad ni Coleen at lumapit kay Mikey n'ya saka yumakap dito.
Napangisi ako at natawa.
"So s'ya ang bf mo?Eh malambot pa yan gumalaw sa iyo, eh."natatawang sabi ko at inirapan lang ako ni Mikey.
"Ehem, pre lalaki toh."sabi ni Mikey na pinalaki pa ang boses sabay haplos sa akin kaya tinampal s'ya ni Coleen at nilakihan ng mata..
Selos kasi.haha.
"Sus.Huli na kayo.At ikaw, Coleen.Bakit hindi ka pumasok?"baling ko naman sa kanya.Umirap lang din s'ya at tila ba nag-isip ng maidadahilan.
"Ahmm kwan nilagnat ako, e.Bukas nalang."sabi n'ya na halata namang nagsisinungaling dahil di makatingin sa akin ng tuwid.Crush n'ya kasi ako.Hahahaha.
"Nilagnat pala, hah?Ok, so kapag sana magkaganun ay magpasabe ka naman dahil hindi mo alam kung gaano ako katagal naghintay sa'yo.Ni, hindi na nga ako nakapag work dahil wala ka.I mean, dahil kailangan kita para maging alalay ko.Secretary."medyo naiilang din na sabi ko.
"Bakit?Kailangan mo ba ako dahil mahal mo ako, o mahal mo ako dahil kailangan mo ako?Answer me!?"singit ni Mikey na nagdrama pa.Hinampas naman s'ya ni Coleen at bumaling sa akin.
"Ewan.Basta papasok ako kung kailan ko gusto, ok?Saka ikaw na nga itong nagrerequest eh.Matuto ka kasing maghintay hindi yung palagi ka nalang nasusunod na porke ikaw ang boss.."sabi n'ya.At sumingit na naman si Mikey.
"In short ligaw muna daw oy.Saka wala ka man lang dalang flowers o chocolates?Yuck.Hindi ka pasado."maarteng sabi n'ya at nanlaki naman ang mga mata ko.
"Yuck ka din oy.Di kita type saka kailangan pa ba manligaw e crush n'ya naman ako."proud na sabi ko at kinindatan si Coleen.
Linapitan ko s'ya.
"Ilang taon akong naghintay, Coleen.Kaya please wag ka nang pakipot, ok?Sunduin nalang kita bukas.Bye."sabay kiss sa pisnge n'ya at umalis na ako.
Kahit na anong pakipot ang gawin n'ya.
Sa akin parin ang bagsak n'ya.
Alam kong mahirap magpatawad kaya hindi ko s'ya masisisi.Dadahan-dahanin ko ang proseso hanggang sa maging maayus na ang lahat.Sa tagal ng paghihintay ko ay madami na akong plinano pero...ganun pala talaga iyon, kapag nasa mismong sitwasyon kana ay talagang ibang-iba.Gaya ngayon, hindi ko inexpect na ganito at hindi ako nilalayuan ni Coleen, well, oo at iniiwasan n'ya ako pero ang nakakapagtaka lang ay ang inaasal n'ya.Hindi ko kasi maintindihan kung may gusto ba s'ya sa akin o may pinaplano s'yang gawin.
Hindi ko naman inaalis sa isip ko na pwede parin s'yang gumanti.Basta kahit na saktan n'ya ako at itaboy ng itaboy ay patuloy akong mangungulit at lalapit hanggang sa matutunan na n'ya akong mahalin.
Coleen's POV
Arggggh naka-nakaw pa s'ya!
"Ayieeeee mulig ibalik ang peg?"kinikilig na si Mike at hinampas-hampas pa ako ng unan.Inirapan ko lang s'ya at umiwas ng tingin.
"Anong ibabalik eh hindi naman naging kami?Mabuti pa si A ang bumalik."malungkot na sabi ko at lumapit naman s'ya sa akin.
"Bes, hindi din naging kayo, remember?Hehe."sabi n'ya at tumakbo na palabas ng room ko.Alam n'ya kasing sasamain s'ya sa akin.
Hmmmp!Hindi na talaga nagbago si Gabb.
Syempre bukod sa mas naging mature na s'ya at mas macute at mas ma-angas at mas mabango at mas maaaaaaaaaa
Mayabang.Hay.
________________
Maraming salamuch po sa pagbabasa!
BINABASA MO ANG
Playing the Bad boy's Heart
FanfictionPaano kapag ang hinahabol, kinakikiligan, minamahal ng lahat, gwapo, astig, malakas ang dating, chic magnet, tipong bad boy, at higit sa lahat ay player ng buong campus ay mahulog sa taong hindi naman kagandahan? Paano kapag ang bad boy at player n...