2 years later....
Sa mga nakalipas na taon ay marami ang naganap..
At lahat ng sa akin ay binago ng nag-iisang babae na hanggang ngayon ay hindi ko maalis sa isipan ko.
Ang weirdo na cute at sexy kong kaklase nung college.
Ang binibining marikit ng buhay ko.
Si Coleen Trinidad.
Hindi ko inakala na ang tao na yun ang puputol ng sungay ko.Sana ay nandito s'ya at nakikita ang mga pagbabago sa buhay ko.
"Anong plano mo, Gabb?"si Glee na masaya na ngayon kasama ang asawa n'ya.
Nginitian ko lang ito at binalik ang paningin sa magandang view dito sa resort n'ya.
Nagbakasyon kaming magbabarkada at syempre kumpleto.
"Sorry, nahuli kami."boses palang ay alam ko na kahit di ko ito tignan.
Tumalikod ako at nakita silang magka-akbay.
"Saan ba kasi kayo nagpunta?"natatawang sabi ni Glee at yumakap kay A saka kay Ella.
Lumapit din ako at ginaya ang ginawa ni Glee.
"Sakto lang kayo.Mag-uumpisa palang ang inuman."nakangiting wika ko at inaya na sila sa rooftop kung saan mas maganda ang view na makikita.
Ahmm oo, sila A at Ella ang nagkatuluyan.Malapit na silang ikasal at plano nilang sa ibang bansa gawin iyon.
Napapangiti nalang talaga ako dahil sa wakas ay masaya na sila.Kumpleto at kasama ang mga minamahal.
Ako lang ata ang kawawa e.
Hinihintay ko parin s'ya.
Wala na akong mamahalin pa kundi ang babae na yun.
"Sana makahanap ka na 'din, Gabb"si A na sweet na sweet kay Ella.Tumango lang ako at tinitigan ang boteng hawak ko.
Tumayo si Glee at itinaas ang baso n'ya.
"Wag kang magworry, bro!Ako na hahanap for you"lasing na lasing na sabi nito.Natawa lang ako at umiling.
Tinignan ko silang lahat.
"Nahanap ko na.Hinihintay ko nalang bumalik."sabi ko na nagpangiti sa kanila.Alam ko naman na alam na nila ang ibig kong sabihin.
Nag-ingay ulit sila at uminom.
Tawanan at inuman ang ginawa namin.Nagkwentuhan din at sa huli ay nagsibagsakan sa kalasingan.
Halos gumapang kami pabalik sa kanya-kanya naming kwarto sa sobrang hilo.
Sa pagpasok ko sa aking silid ay may nadunggol pa akong vase na mamahalin.
Nakarating din ako sa kama ko at pabagsak na humiga.
Katam-taman na liwanag ang binibigay ng buwan sa aking kwarto.
Bukas ang bintana at pumapasok ang malamig na ihip ng hangin.
Wala akong pake.Nakatulala lamang ako sa kisame at tahimik na nag-isip.
Ilang sandali pa ay kusa nalang tumakas ang mga luha sa aking mga mata.
Mariin akong pumikit at kinagat ang aking labi upang pigilan ang humagulgol.
Tumagilid ako ng higa at mahigpit na niyakap ang unan sa aking tabi.
Ganitong-ganito ang gabi nung huling makasama ko si Coleen.
Bumalik sa akin ang mga pag-iyak n'ya at galit sa mga mukha.Nasasaktan ako dahil hindi naman kailangan magkaganon.
Nasasaktan ako dahil nasaktan ko s'ya.
Kung pwede lang bumalik sa akin ng paulit-ulit at doble ang sakit na naidulot ko sa kanya ay gagawin ko.
Bumalik lang s'ya sa akin.
Ang mga kasamaan na ginawa ko ay nag karoon ng mabigat na parusa na panghabang-buhay ko na atang dadalhin
Ito ay ang mahalin s'ya.
Ang babaeng iniwan ako at hindi na muling nagpakita.
________________
thanks sa votes!
skl nagppractice po kasi ako mag gitara hehe bukas nalang!llabuyo[labyu]
BINABASA MO ANG
Playing the Bad boy's Heart
FanficPaano kapag ang hinahabol, kinakikiligan, minamahal ng lahat, gwapo, astig, malakas ang dating, chic magnet, tipong bad boy, at higit sa lahat ay player ng buong campus ay mahulog sa taong hindi naman kagandahan? Paano kapag ang bad boy at player n...