Chapter 20

1.5K 63 54
                                    

"Oh, kumain ka na."sabay hagis ng plato sa harapan ko.

"Ano bang plano n'yo hah?Kung pera ang gusto n'yo pwes wala kayong mapapala dahil hindi ako mayaman!"gusto kong sampalin ang Apollo na ito dahil sa mapagpanggap s'ya!Nakakainis talaga!

Umupo ito sa malapit sa pinto at hindi ako pinansin.Nagbasa s'ya sa dyaryo at ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Hoy!Ano ba!Pakawalan mo na ako!"halos mamaos na ang boses ko pero tengang kawali lang s'ya.Nanuyo ang lalamunan ko at tumigil sa paghiyaw, tumayo naman s'ya para pala lumabas.Mag-iilang araw na ako dito at ni hindi pa ako nakakapaligo!Kainis!

Gabi-gabi akong nilalamig dahil sa lapag lamang ako natutulog.Pero ayus na'rin basta hindi nila ako gagalawin.Nung una ay halos dilat ang mga mata ko sa lahat ng oras sa takot ko na may mangyari.Masakit na'rin ang mga palapulsuhan ko dahil sa tali.Naiiyak nalang ako sa galit sa kanila!

Bumalik si Apollo at kasama na n'ya si Derek.Nag-usap sila at parang hindi pa nagkakasundo dahil panay ang iling ni Derek.

"Ano nang plano mo, Derek?"dinig ko.Tumingin sa gawi ko si Derek at muling bumaling kay Apollo.

"E, di yung unang pinag-usapan na'tin.Hindi na'tin s'ya papakawalan hangga't hindi tumatawag si Gabb."nanlaki ang mga mata ko at kumunot ang noo.Gabb?Bakit?Ano bang kinalaman n'ya dito?

"Paano kung hindi nga tumawag?Sayang lang ang pinagplanuhan na'tin."napahawak sa noo si Apollo at umiling.

Ngumisi si Derek."E, di dating gawi.Kundi ibebenta kay Mr. Lee, ay itapon nalang sa likod nitong bodega."bumilis ang tibok ng puso ko at nanlamig.Mga baliw sila!

Biglang lumingon sa gawi ko si Apollo at ngumisi ng pagkalawak."Hmmm, ako na ang bahala."

Matapos n'yang magsalita ay mabilis pa sa kidlat na lumapit s'ya sa akin at nandilim na ang lahat.

_____

"Gabb, kumalma ka.Mahahanap din nila si Coleen."pag-alo sa akin ni Ella.Andito din si Ella at A, maging si Glee at ilang mga pulis.Mahigit dalawang Linggo na kasing wala si Coleen at hindi ko na alam ang gagawin ko.Paano kung may nangyare na sa kanya?Hindi ko ata kakayanin iyon.Hindi!

Hindi ko din mapigilan na maluha nalang dahil wala akong magawa.Hindi na ako makatulog ng mahimbing sa gabi.Huwag lang talaga n'yang saktan si Coleen, kung sino man s'ya!Dahil paghihiwa-hiwalayin ko ang buto n'ya pag nagkataon.

Lumingon ako kay Paul.

"Ano na?Bakit ba antagal?Sayang lang ang ibinabayad sa inyo!Ganyan ba kayo ka-tanga, hah?Antanga-tanga n'yo!"hindi ko na napigilan ang galit ko.Agad na humarang si A at Glee sa akin habang natulala nalang si Ella.

"Kumalma po kayo.Ginagawa na po namin ang lahat ng aming makakaya.Humihingi lang po kami ng konti pang oras at pasensya."ang paliwanag n'ya.

"Gabb, relax."si A.

"Oo nga, napupuyat din sila at pagod na ang lahat pero heto at nandito parin sila para tumulong."si Glee.

"Ang nakakapagtaka ay kung bakit wala pang tumatawag magmula nung madukot si Ms. Coleen.Kung kidnap nga ito dapat ay may tuma-"

hindi na natuloy ni Paul ang kanyang sinasabi nang mag-ring ang cp ng kung sino.

"Kanino iyon?"

Lahat ay linabas ang kanila at isa lang ang natitira, ang akin.Kinuha ko ito sa bulsa ko at Nakita ang pangalan ng isa sa pinagkakatiwalaan kong tao..

Derek.

Tumingin ako sa lahat at pinakita kay Paul ang nasa screen.Tumango s'ya at pinindot ko na ng may kaba sa dibdib.

Sana ay mali lamang ako.

Iniloud speaker ko at nagsalita.

"Hello."

Ilang saglit ang lumipas bago may sumagot.

"Alam mo na siguro.Oh, baka sadyang mahina ang ulo mo?(tumawa s'ya at may isa pang boses akong narinig)Hmmm, 3 million at sa'yo na ang babaeng ito.Bukas ng alas-otso ng umaga, sa may lumang bodega sa ****** maghihintay kami."biglang naputol ang linya at nagthumbs-up sa akin si Paul.

"Natrace n'yo ba?"lumapit ako sa tauhan n'ya at tinignan ang sinabing bodega ni Derek.Ang hayup na yun!

"Hanggang dito nalang kayo, Gabb.Kami na ang bahala."mabilis akong umiling.

"Paano pag may nangyare kay Coleen?Kayang-kaya ko naman ang perang hinihingi nila."

"Nakakasigurado ka ba na tutupad sila?At kung mangyare na pakawalan nga nila si Coleen, paano kung ulitin na naman nila?Inuulit ko Gabb, kami na ang bahala."pagkasabi n'ya ay umalis na sila ng mga kasama n'ya.

"F*ck!"napaupo nalang ako sa tabi ni Ella.Nalaman ko na buntis na pala s'ya at malapit ng manganak.

"Andito lang kami, Gabb."sabay hagod ni Ella sa likod ko at tumango naman sila A.

Pinapangako.Oras na maayos na ang lahat ay hindi ko na hahayaan na may mangyare sa babaeng mahal ko.

Nakaplano na ang lahat ng magiging future namin, si Coleen nalang ang kulang.

Papakasalan ko pa s'ya!

Pakshet lang talaga na Derek!

_________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Playing the Bad boy's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon