"G-Gabb"mahinang sabi n'ya at umupo ng maayos sa sofa.
Shit.
Agad kong tinawagan si Derek pero hindi n'ya sinasagot.Inis ko na binaba ang cp sa coffee table at tinitigan ang babaeng nasa harap ko.
"Ella."tawag ko at tumingin naman s'ya sa mga mata ko.
Paanong nagkamali si Derek ,e ni hindi naman magkamukha sila Coleen at Ella?
Umupo ako sa tabi n'ya at kinamusta s'ya.
"Nahihilo ka ba?Gusto mong ihatid na kita sa inyo dahil t'yak na nag-aalala na si A sa'yo."malumanay na alok ko na tinanggihan naman n'ya.
Yumuko s'ya at tinaas ko naman ang baba n'ya.
She's crying.
"Why?Anong problema?"nag-aalalang sabi ko at niyakap n'ya lamang ako.
"Anong nangyare?"
Kita mo ang lungkot at pagod sa mga mata n'ya.Pero bakit?
"G-Gabb, please......pwede bang dito na muna ako?"naluluha n'yang sabi.
Tinitigan ko s'ya at dahan-dahan na tumango.Muli s'yang yumakap sa akin at umiyak.Habang ako ay isang babae pa din ang nasa isip.
Coleen....asan na s'ya?
___
Nagising ako at nasa kama ko si Ella.Sa sofa na lamang ako nahiga sa loob ng kwarto ko para mabantayan ko s'ya.
Binilinan ko nalang ang mga kasam-bahay at kailangan ko pang pumasok.
Nakarating na ako ng building at nagpunta sa office.
Hindi naalis sa isip ko si Coleen.
Anong nangyare?Nakauwi ba s'ya?
At bulag ba si Derek?Hay.Walang kwenta s'ya.
Talagang hindi ako mapakali kaya't nagmadali akong nagpunta sa Bahay n'ya.
Kumatok ako at pinagbuksan ni Mike.
"Andyan ba si Coleen?"agad na tanong ko.
Pero malungkot na mukha ang pinakita n'ya na nagpabahala sa akin.
"Asan s'ya?"yumukod ito at hindi nagsalita.Hawak n'ya ang cp n'ya.
"Sumama ka sakin.Mag report na tayo sa pulis."saad ko at mabilis s'yang hinitak papasok sa car ko at nagmadali pumunta sa pinakamalapit na station.
_
"Asaan ako?"lumingon ako sa paligid at napagtanto na hindi ito ang aking silid.Tinignan ko ang suot ko at nabigla.
"Oh, gising ka na pala.Nagulat ka noh?"nagulat ako sa nagsalita.
Si Apollo.At may kasama din s'yang isa pang lalaki.
Kumpleto pa ang suot ko pero nakatali na ako ng lubid.
"Apollo?Ano ito?!"galit ang nararamdaman ko.
Natatawa s'yang parang hibang at nakipagngisian sa kasama n'ya at sinabing.
"Gumana ang plano, Derek."
Plano?
G-Gabb, iligtas mo a-ako...
____________________________________
Goodnight sa'yo.
BINABASA MO ANG
Playing the Bad boy's Heart
FanfictionPaano kapag ang hinahabol, kinakikiligan, minamahal ng lahat, gwapo, astig, malakas ang dating, chic magnet, tipong bad boy, at higit sa lahat ay player ng buong campus ay mahulog sa taong hindi naman kagandahan? Paano kapag ang bad boy at player n...