Chapter 9

596 44 1
                                    

Gabb's

"Ahmm awww"daing ko at bumangon sa sofa.Andito parin ako sa office ko at wala na si Coleen.

Nag-init ang mga mata ko at pati narin ang dibdib ko na parang sobrang sakit.

Bakit kung umasta s'ya ay parang hindi n'ya ako makilala?

O baka naman nagpapanggap lamang s'ya?

Malamang ay ganun nga dahil walang nakakalimot sa kacute-an ko.

Umupo ako ng maayos at napahawak sa aking ulo.Masama ang pagkakabagsak ko sa lapag.Napansin ko na wala akong suot na coat at tanging polo nalang.

"Gosh!"nakakabakla man pero nirape ata ako ng babaeng yun.

Umiling ako at napangiti dahil imposible yun.Dapat ay naramdaman ko kahit na tulog ako.

Tumayo na ako at hinanap ang coat na suot ko kanina.

Hindi ko ito nahanap kaya inayos ko na lamang ang polo na suot ko at lumabas ng office.

Kailangan ko s'yang Makita at makausap ng masinsinan dahil kung sa tingin n'ya ay pwede n'ya akong ganunin nalang ay nagkakamali s'ya.

Ako ang boss!Ako ang masusunod!

Ilang sandali pa ay Nakita ko na din s'ya na nakaupo sa harap ng kanyang table at abala sa pagtatype sa keyboard.

Lumapit ako mula sa kanyang likuran at tumikhim.

"Ehemm"tikhim ko at lumingon s'ya na halatang nabigla.

"May iuutos po kayo?"pacute n'yang sabi.Seryoso lang ako at nakabulsa ang mga kamay.Tinitigan ko s'ya ng sobrang tindi baka kasi talagang nagpapanggap lamang s'ya at iniiwasan na mapag-usapan ang nakaraan.Hindi yun pwede.

Nakangiti lang s'ya at parang hindi nangangawit ang panga."Sumunod ka sa akin."utos ko at nauna ng maglakad hanggang sa nasa di mataong lugar na ako.

Huminto ako at tumalikod.Nakasunod s'ya sakin at parang naguguluhan pa.

Ngayun ko lang napansin na bagay sa kanya ang suot n'ya.

Kaso masyadong sexy.

"Ahh eh ano po ba yun, boss?"

Hindi ko s'ya sinagot at lumingon lang ako ng kaliwa't kanan saka s'ya hinawakan sa magkabilang balikat.

"Anong plano mo?Bakit ka ganyan hah?"nanlaki ang mga mata n'ya.

Kumunot ang noo n'ya.

"H-Hah?Eh wait."kumalas s'ya at ngumiti na naman."Hindi ko po kayo maintindihan.Liwanagin n'yo po."

Nahinto ako at nakanganga lang.

Seriously?Wala s'yang matandaan?

Tumikhim ako at tumayo ng tuwid.So hindi n'ya maalala?

"Bumalik ka na sa table mo, Ms. Trinidad."madiin na sabi ko at nilagpasan s'ya at nagtungo sa aking opisina.

Padabog akong umupo sa swivel chair at sinalo ang ulo ko.

Bakit kailangan n'yang magpanggap na hindi n'ya ako kilala?

Oo nagbago ako ng style at medyo mukhang anghel na pero..ako parin ito.

Ang Gabb na hinintay s'ya ng sobrang tagal.

_______________________________

Ilang oras din akong nag-isip sa loob ng opisina ko bago lumabas para silipin s'ya mula sa pinto ng opisina.

Sa di kalayuan ay tahimik at nakangiti s'yang nag-scroll ng cp n'ya.Kumunot ang noo ko at naglakad palapit sa kanya.

"Yari mo na ba ang trabaho mo at ganyan ang inaatupag mo?"marahas kong sabi.Nagulat na naman s'ya.

Kahit pa love na love ko s'ya e hindi ko s'ya kakampihan noh.

Tumayo s'ya at at nagsorry.

"Hindi ko ipahihintulot ang ugali mo na yan, Ms. Trinidad."madiin na sabi ko at dinuro s'ya saka kinuha ang cp n'ya.Nabigla na naman s'ya at tinitigan ako.

Yung titig na parang kakagatin ako sa leeg at pupulbusan na parang manok.Hindi ako nagpatinag at linakihan s'ya ng mata.

"Aangal ka?"maangas na tanong ko at inihagis-hagis ang cp n'ya pataas.S'ya naman ay umiling lang at nakatitig sa cp n'ya na parang natatakot na mabasag ito.

Mukha s'yang bata.

Napangiti ako at huminto kaya bumalik ang tingin n'ya sa mga mata ko.

"Password?"

Umiling s'ya at biglang hinablot ang cp sa akin.Nagulat ako dahil anlakas naman ng loob n'ya!

Sinubukan kong bawiin pero ngumuso lang s'ya at iniwas-iwas ang cp.Nagalit ako at madiin na hinawakan s'ya sa magkabilang braso para pahintuin s'ya.

"IBIBIGAY MO O HAHALIKAN KITA?"sabi ko na nagpalaki ng mga mata n'ya.

"NEVER."sabi n'ya at nakangiting inilagay ang cp sa lugar na hindi ko pwedeng dukutin.

Nanlaki ang mga mata ko at tumitig sa dibdib n'ya at bumalik sa mga mata n'ya.

"Sinusuway mo ako?"hindi makapaniwalang sabi ko.

Ngumisi lamang s'ya at lumapit sa 'kin.

Hanggang sa tenga ko at bumulong.

"Dukutin mo kung kaya mo.Walang pumipigil sa'yo."

Napalunok ako at lumayo sa kanya.Pakiramdam ko ay walang silbi ang ac dito sa building.

Apaka init.Nakangisi pa din s'ya na parang nanalo.Sinimangutan ko s'ya at padabog na naglakad pabalik sa office ko.

"Damn!Siniseduce n'ya ko."napahigpit ang hawak ko sa table.

Kailangan kong malaman ang pinaplano n'ya.Muntik na sana pero haysss.

______________

Si Coleen's naman next......

Playing the Bad boy's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon