Chapter 16

620 54 10
                                    

Hi!Ahm ingat ka palagi!Para sa'yo!

_____

Another day na naman dito sa office ko.Tumingin ako sa relos ko.

Hmm, papasok kaya s'ya?Oh!Susunduin ko nga pala s'ya.

Nagmadali akong pumunta sa Bahay n'ya.

Ilang beses na akong kumatok pero wala paring nagbubukas ng pinto.Hindi kaya umalis na naman s'ya at wala talagang balak na pumasok?Anong dahilan?Swerte nga s'ya dahil isang Gabb Skribin ang boss n'ya na bukod sa mayaman, mabait, masipag, hard-working, maappeal, sexy, etc.....ay mahal na mahal pa s'ya.Hayyy.

Naghintay pa ako ng ilang oras bago tumayo at sumakay muli ng car ko.

Dapat talagang parusahan ang katulad n'yang sakit sa ulo.Hmmmm?Ano kayang parusa?

Nagdadrive lang ako nang madaanan ang isang flower shop at nabigla nang Makita ang kanina ko pang hinahanap!

Tinabi ko ang car ko at pumasok sa tindahan.

----

Coleen's POV

Hayy ewan pero ayoko pang sundin si Gabb.Hmmm kasi nga di ba?May plano ako at kahit na anong mangyari ay hindi ako matatahimik hangga't hindi iyon natutupad.

So Ayun, naggala nalang ako at aksidenteng napadaan sa isang flower shop.Nagandahan kasi ako sa mga sunflower doon.I love sunflower!

Kaya pumasok ako at nagtingin ng mga bulaklak.

Busy ako sa pag-amoy sa mga iyon nang biglang sumulpot ang isang gwapong lalaki.Nagulat kaming pareho.

"Superman!It's you!"hindi ko napigilang yakapin s'ya sa sobrang saya.S'ya naman ay napaatras at sinalo ako.

Yakap-yakap ko parin s'ya kaso kumalas na s'ya at napakamot sa batok.Pulang-pula din ang itsura n'ya.Yieeeeeee nagbablush si superman.

"Ahmm yeah, it's me."nakangiting sabi n'ya kaya't nagpakita ang mga biloy nito sa gilid ng labi.Grabe!Ang cute naman po.

Natulala lang ako sa kanya.Literal at s'ya ay nailing nalang.

Balak ko na sanang magpakilala kaso bigla nalang may humatak sa aking braso mula sa likod at pagharap ko ay Nakita ko ang nag-liliyab na mga mata ni Gabb.

"G-Gabb?"gulat na sabi ko pero s'ya ay seryoso lang at bigla akong itinago sa likod n'ya saka hinarap si superman.

Superman s'ya kasi niligtas n'ya ako at ahmm yung hairstyle n'ya ay talagang katulad ni superman.

So yeah naglaban sila ng eye-to-eye contest.

Gabb's POV

Anlakas!Naman talaga ng loob nitong lalaki na ito!

"Teka, Gabb."kumalas s'ya sa akin at nakangiting lumapit kay nerdy boy.Luh?

"Hoy!Teka din!Bakit kayo nagddate, hah?Mas inuuna mo pa iyan kaysa ang magtrabaho!"inis na talaga ako sa kanya.

Pero hindi n'ya ako pinansin at nakipag kilala pa kay nerdy boy.

"Hi, superman.I'm Coleen and thank you sa pagligtas mo sa akin."rinig kong sabi n'ya at humawak pa sa braso ni nerdy boy na parang ngayon lang nakakita ng gwapo.Duh.Lagi na n'ya nga akong nakikita at pasalamat s'ya dahil hindi ko s'ya sinisingil!

"I'm Apollo, and you're welcome.Lahat naman siguro ay ililigtas ang kagaya mo Lalo na at napakaganda mo."sabi naman ni Apollo kuno.

Naop ako bigla, ah?

"Sige!Magsama kayo, total bagay naman kayo, isang nerdy boy at isang pakipot na babae!"Singhal ko at hinampas ang mga bulaklak bago umalis.

Umuwi nalang ako ng Bahay dahil nakakawalang-gana.

Nakahiga ako at tahimik na umiiyak.

Grabe, ganun ba talaga?Wala bang effect ang handsomeness ko sa kanya?

Tssk.Sa buong buhay ko ay ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng takot.Takot ako na baka sa iba mahulog si Coleen.

Humiga ako ng tuwid at pumikit.

Bakit kasi kung sino pa ang gusto natin ay hindi natin makuha?

Well, siguro talagang simple at pangit ako sa paningin ni Coleen.At mas gusto n'ya ang ganun kay Apollo, gwapo at parang greek god pa.

Ako kasi ay simpleng tao lang na napapaligiran ng pera.Yun lang.

Siguro hindi ko dapat itulak masyado ang sarili ko sa kanya.Siguro kailangan ko naman na mahalin ang sarili ko.

Tama, hindi ko na s'ya pipilitin kung ayaw n'ya dahil sigurado ako na nakukulitan na s'ya sa akin.

Sana mapansin n'ya ang paglayo ko.

Mahal ko s'ya pero paano naman ang sarili ko?

Masarap ang mainlove dahil para kang kinikiliti sa puso at hindi mo s'ya maalis sa isip.Palagi n'yang ginugulo ang Sistema mo.

Kung sana lang ay pagbigyan na n'ya ang pag-ibig ko.

Kaso hindi e.

Iiyak nalang ako para mawala ang sakit tapos kapag nakakaramdam na naman ako ng lungkot ay iiyak na naman.

Iiyak hanggang sa makatulog...

___________

Thank you!!!!!!

Hay.Ito na ata ang pinaka malungkot na bday sa buong buhay ko.

Ingat kayo at Salamat sa nagbabasa at nakakaappreciate ng effortless ko mwuahahaha.

Mag-iiba ang ihip ng hangin para kay Gabb..sana pansinin na s'ya.

Playing the Bad boy's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon