Gabb's POV
Ano ba ang problema n'ya?Dahil ba sa masyado ko s'yang nasaktan?Kaya mas pinili n'ya nalang na kalimutan?
Hayst problema toh.
Teka.
AT KAILAN PA SILA NAGHIWALAY NG ASAWA N'YA?
Hmmm o hindi sila natuloy ikasal?
O kaya.....kabet n'ya ang lalaki na 'yun!
Tssk makati na babae.
*Bumukas ang pinto*
Napaupo ako ng tuwid nang Makita na si Coleen ang pumasok.
"Ms. Trinidad?May kailangan ka?"
Pilit kong iwinaksi muna ang gumugulo sa isip ko habang s'ya ay parang inosenteng bata na walang kaalam-alam.
"Ah may meeting daw po kayo ng ni Mr. Skribikin mamayang 9 po."nakangiting sabi n'ya habang bitbit ang tablet.
Tumikhim ako.
"Ayoko muna ang sabihin mo kay lolo.Dahil may kailangan at mas importanteng mahalaga pa akong gagawin."
Mukha s'yang nabigla at kumunot ang noo.
"Kung iyan po ang gusto n'yo."sambit n'ya bago tumalikod at lumabas.
Coleen's POV
At saan naman s'ya pupunta?
Ahh haha oo naman.Siguro ay sa isa sa mga babae n'ya!Tssk.
Bumalik nalang ako sa table ko at inayus ang mga papeles.
Maya-maya pa ay lumabas ang astig na babaero kong boss sa kanyang office at naglakad palapit sa akin.
"May kailangan po kayo?"
Hindi s'ya sumagot at hinila lang ako patayo hanggang sa hinahatak n'ya na ako pababa ng building.
Ang baliw na toh!
"Teka.Teka wait.Ano po bang kailangan n'yo?"naiinis na kasi ako.
Again.Hindi na naman s'ya sumagot at itinulak ako papasok sa peste n'yang sasakyan.
Kagaya ng dati n'yang ginawa.
Hindi na ako umimik dahil diba nga?Ako ang secretary n'ya.
Hindi ako kumibo hanggang sa nasa isa na kaming resto.Pinagbuksan n'ya ako at hinila hanggang sa makaupo kami sa bangko malamang.
Umorder s'ya at pinalayas ang waiter.
"Anong katangahan ba ang ginagawa mo, Coleen?"nanlilisik na sabi n'ya at uminom ng wine.
Hindi ako sumagot at kinomposed ang sarili.Hindi dapat ako mag mukhang mahina sa paningin n'ya.
Matagal akong naghanda para sa plano ko.
"Ano bang tinutukoy mo, Ms. Skribikin?"tunog sosyal na sabi ko at tinitigan s'ya.
Napalunok s'ya na ikinatawa ko sa aking isipan.
"Yan!Yang ginagawa mong pangbabaliwala sa akin.Alam kong alam mo ang tinutukoy ko.Bakit ka ganyan?"naiinis n'yang sabi na nagpataas ng kilay ko.
"Ano bang......tinutukoy mo?"
"Ang past natin, Coleen."
Umiwas ako ng tingin at agad na pinahid ang tumakas na luha sa aking mata.
Tumayo ako at inayos ang aking gamit.
"Wala akong balak na makipaghulaan sa'yo, Ms. Skribikin.Bye."naglakad na ako palabas ng resto at agad na naghanap ng taxi.
Gabb's POV
Tatakas na naman s'ya.
Nagmadali akong sundan s'ya.
"Saan ka pupunta?Hindi ba't kinakausap kita?"hawak ko ang braso n'ya at pasakay na sana s'ya ng taxi.
"Kuya.Hindi s'ya sasakay."sabi ko at hinigit si Coleen.
Dinala ko s'ya sa di mataong lugar.Hindi ko na kaya dahil para na akong sasabog na bomba!
"Coleen.Bakit ba ayaw mong gawin ang gusto mong gawin, hah?Saktan mo ako kung gusto mo!"
Hindi s'ya umimik at umiwas ng tingin.Binitawan ko s'ya at yumuko.
"Para saan pa?Gabb, pinipilit kitang layuan."tumingala ako.
"So, naaalala mo nga?"galit na sabi ko.
"Oo."simpleng sabi n'ya.
"Coleen, pwede mo akong saktan.Please saktan mo ako dahil hindi ko kaya na araw-araw kang nakikita na nilalagpasan lamang ako at nagpapanggap na parang ok lang ang lahat gayong hindi naman!"ang naisigaw ko sa kanya.
Galit naman ang Nakita sa mga mata n'ya.
"Kasi nga ano bang mababago hah?Kapag ba sinampal kita babalik si papa?Mabubuhay ba s'ya?Eh kung ganun pala e di sana pinatay nalang kita para mas sure na babalik pa si papa."
Nahinto ako at napaatras.
"C-Coleen."
Napataas ang labi n'ya at isama mo na ang kilay.
"Oh so nalaman mo na?Masaya ka na ba?Na dahil nanalo ka sa game e sayo na si Ella?"
Wait.Haysst.
"Coleen.Hindi sa ganun."hinawakan ko s'ya sa braso pero winaksi n'ya ito.
"Ganun yun, Gabb!"
Tumalikod s'ya at hinatak ko na naman s'ya upang pigilan.
Humugot ako ng hangin at ibinuga ito.
"Marami ng nagbago, Coleen.Hayaan mo sana na ipakita ko sa'yo ang lahat ng yun."mahinang sabi ko.
Isa.Dalawa.Tatlong Segundo.
Kumalas s'ya at kita ko ang pagtaas-baba ng balikat n'ya.
"Wala na akong pake, Gabb.Hayaan mo nalang din sana na magtrabaho ako ng normal."humihikbing sabi n'ya.
"Pero Coleen.Please pabigyan mo ako."
Hinid s'ya sumagot at naglakad palayo.
"Kung yan ang gusto mo!Subukan mo lang na gumawa pa ng isang hakbang Ms. Trinida!I'll fire you!"buong lakas na sigaw ko para marinig n'ya.
At oo dahil huminto s'ya at muling humarap.
"Go, kung dyan ka masaya.Hindi ba't dyan ka naman magaling?Ang manira ng buhay ng tao!"mapait na sabi n'ya at iniwan na ako.
Coleen's POV
Umpisa palang ng plano..mukhang masisira pa ata dahil sa kanya.
"Ano ba Coleen!Antanga mo!"
Napapahiyaw nalang ako sa galit.
Umuwi ako sa Bahay at inilabas ang mga sama ng loob ko sa tao na yun.
At nakuha n'ya pang mag banta hah?Tskk tingnan natin.

BINABASA MO ANG
Playing the Bad boy's Heart
FanfictionPaano kapag ang hinahabol, kinakikiligan, minamahal ng lahat, gwapo, astig, malakas ang dating, chic magnet, tipong bad boy, at higit sa lahat ay player ng buong campus ay mahulog sa taong hindi naman kagandahan? Paano kapag ang bad boy at player n...