Prologue

896 29 14
                                    

"Boss! Nasan tayo?" Napahawak ako sa ulo ko dahil sa matinding kirot nito at dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.

"Bakit may kalesa?" Masyadong nakaka silaw ang liwanag kung kayat hindi ko magawang imulat ng mabuti ang mga mata ko.

"Naasan tayo?"

"Anong mundo to?"

"Pre chix ba yun?"

"Para akong nanaginip!"

"Ang gaganda!"

"Tumahimik nga kayo ang sakit ng ulo ko!" Sigaw ko kaya napa tahimik sila. Napa hawak ako sa nuo ko at dahan dahang tumayo.

Sinubukan ko ulit imulat ang mata ko pero ang labo. Muntik pa akong matumba ng tangkain kong mag lakad.

"Boss ingat" alalay sakin ng isa sa mga tauhan ko.

Itinaas ko ang mga kamay ko para senyasan syang bitawan ako. Kaagad naman itong bumitiw sa akin.

Nang unti unting luminaw ang mata ko ay napa nga-nga ako sa nakita ko. Hindi! Hindi totoo to!

"Nasaan tayo?!" Muli kong sigaw sa mga tauhan ko.

"Hindi namin alam boss pag gising namin nandito na lang kami." Paliwanag ng isa sa mga tauhan ko.

Muli kong inalala ang mga nangyari bago kami mapunta dito.

Naka sakay kami sa van at dala ang ibat ibang klase ng mga baril marami din kaming dalang pera at damit.

Tapos may babaeng may edad na ang humarang samin napaka lakas nya at nagawa nyang pahintuin ang van namin kaya pina baba ko ang dalawa kong tauhan para alisin yung matanda pero ayaw umalis kaya bumaba na ako tapos may sinabi sya "Kamusta Venice? May misyon kayo sa ayaw at sa gusto nyo kailangan nyong tanggapin yun" tinawanan ko lang yung matanda.

"Kayo ay babalik sa nakaraan upang sugpuin ang kasamaan!" Sigaw nya kaya napa takip ako ng tenga dahil sobrang lakas. Lahat kami ay kinuha ang mga gamit namin at sasakay na sana sa Van pero may kung anong humila samin.



Tapos wala na akong matandaan dahil pag gising ko nandito na kami.

Habang malalim akong nag iisip ay may humintong apat na kalesa sa tapat namin.

"Kamusta?" Napa laki ang mata ko dahil sa inis at kinuha ko ang baril ko sa gun pocket ko at itinutok duon sa matanda.

"Chill Venice ibaba mo ang baril mo at sumakay na kayo bago pa may ibang maka kita sa inyo."

Sabi nya kaya naman sumakay na kami at isinakay namin ang mga dala naming gamit. Syaka sinimulan nang patakbuhin ang kalesa.




Hindi ko alam kung nasaan ako pero isa lang ang masisiguro ko na nababaliw na ako kaya ako nandito.


Mafia Encounter Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now