Third Person PoVAlas kwatro na nang hapon pero hindi pa naman madilim ang kapa ligiran dahil naka tirik pa din ang araw at kakagaling lang sa trabaho kaya naman naisipan ni Sergio na pumunta sa tabing ilog upang panandaliang makalimutan ang problema.
May hawak din syang isang bote nang sorbesa at naka uniporme pa nang isang heneral. Tahimik nya ito tinungga habang malayo ang tingin at namumulot nang bato at ibinabato sa ilog.
Maraming bumabagabag sa isipan nang binata at dumagdag pa ang plinanong kasal nang kanyang ama sa anak nang gobernadorcillo na matalik na kaibigan nang kanyang ama. Hindi nya gustong makasal sa babaeng hindi naman nya mahal pero wala syang magawa dahil buong buhay nya ay sinusunod nya lang ang utos nang kanyang ama.
Napa yuko na lamang sya nang samagi sa isipan nya ang kakaibang babaeng kanyang napupusuan. Kapag kuwan ay tila ba nawawala ang kanyang mga alalahanin sa tuwing nasisilayan nya ang kakaibang kagandahan nang babaeng iyon.
Sa hindi kalayuan ay naroroon si Venice at tahimik syang pinapanood. Hindi ba mawari ni Venice kung bakit ganon nalamang kumabog ang kanyang puso para sa lalaking hindi naman nya kilala.
Naisin mang lumapit ni Venice ngunit hindi maaring mapa lapit sya sa binata. Akmang tatalikod na si Venice para lumayo nang mahagip nang mata ni Sergio si Venice nang lumingon ito kaya dali dali nyang hinabol ang dalaga.
"Binibini sandali!" Habol nya rito kaya naman huminto ang dalagang si Venice ngunit hindi ito humarap.
"Ano ang iyong nais?" Malamig at walang mababakas na emosyon sa kanyang pananalita.
"Binibini maari bang malaman ko ang iyong ngalan?" Nakikiusa na tanong nang binata sa kanya hindi nya alam kung sasabihin ba nya ang kanyang ngalan ngunit sa huli ay sinabi nya pa din.
"Luna" maikling sagot ni Venice.
"Luna, kay gandang ngalan tila isang buwan na nag liliwanag" mabulaklak na turan nang binata. Sa isip ni Sergio ay nais nyang mapa ibig ang dalaga tila natakasan na ata sya nang tamang pag iisip dahil handa na nyang suwayin ang nais nang kanyang ama para sa babaeng ngayon pa lamang nya nakilala ay sininta nya na.
"Wala ka na bang kailangan?" Malamig natanong ni Venice. Hindi nya ba alam kung saan nya nakukuha ang ganoong lakas para hindi sya mautal. Ramdam na ramdam nyang nanginginig ang kanyang tuhod at natatakot sya sa ganoong pakiramdam.
Tila hindi na mahanap nang binata ang kanyang salita kaya napa tahimik na lamang sya at pinag masdan ang kakaibang kulay nang buhok ng dalaga. Yuon talaga ang ginawa nyang palatandaan dito simula nang walang takot nito sinigawan ang Unica hija nang gobernador cillo na sya ring kanyamg mapapangasawa. Doon pa lamang ay napa hanga na sya sa aking katapangan nang dalaga.
"Kung wala kanang ibang sasabihin ay aalis na ako" sabi ni Venice at sya lumakad na pero hindi pa sya nakakalayo nang muling mag salita ang binata.
"Bukas nang ika-walo nang umaga ay hihintayin kita dito binibini kahit anong mangyari." may paninindigan na turan nang binata pero hindi ito pinansin ni Venice bagkus ay dirediretsyo lamang itong nag lakad papalayo.
************
Hindi alam ni Venice kung lalapitan nya ba ang binata. Naka upo ang binata sa batuhan malapit sa ilog naka suot din ito nang uniporme na lalalong naka pag padagdag sa kanyang katikasan at natatanging ka gwapuhan sa mga mata nang dalaga.
Tila sineryoso nang binata ang sinabi nitong mag hihintay sya kahit anong mangyari. Napa tingin si Venice sa kanyang wristwatch at saktong alas diyes na nang umaga tirik na ang araw pero hindi ito masakit sa balat.
Huminga na lang sya nang malalim at nag simulang ihakbang ang mga paa sa gawi nang binata. Lingid naman sa kaalaman ni Venice ay palihim syang sinusundan nang binatang si Jensen dahil patakas lang din itong umalis sa mansyon ni Leticia kaya nang masumpungan ang dalaga ay sinundan nya na ito.
Tahimik lang syang naka masid mula sa malayo habang pinapanood ang pag lapit ni Venice sa binatang katagpo nito. Palihim na lang syang napa ngiti ang makitang masaya ang kanyang babaeng mahal ay ang kanyang hiling.
Samantala walang kamalay malay ang binatang si Sergio na nasa likudan nya na si Venice at akmang aalis na sya nang biglang mapaharap sya kay Venice at muntikan na itong matumba kaya naman dali dali nyang hinapit ang baywang nito upang hindi tuluyang mahulog.
Napa titig naman si Venice sa kulay kapeng mga mata nang binata. Tila sa kanyang pakiramdam ay hinihigop sya nito ganoon din ang ginawa nang binata naka titig lamang sya sa mapupungay na mata nang dalaga.
Kusa na lamang naitulak ni Venice ang binata nang mapag tanto na hindi nararapat na hawakan nang isang binata ang kahit anong parte nang katawan nang dalaga kung hindi naman sila mag asawa sa panahong ito.
Ganon din ang napag tanto nang binata kaya naman bumalot ang panandaliang katahimikan sa kanilang dalawa hanggang mapag desisyonang mag salita ni Sergio.
"A-akoy nagagalak binibini dahil ako'y iyong sinipot" mautal utal na turan nang binata. Hindi naman alam ni Venice kung ano nga ba dapat ang kanyang sabihin dahil sa ngayon ay ang tanging nararamdaman nya lang ay ang awkwardness.
Napa ngiti na lang si Sergio sa kanyang isipan dahil kahit papaano ay sinipot sya nang dalaga.
Sa kabilang banda naman ay kanina pa nag kakagulo ang lahat sa mansyo sa kakahanap kay Jensen at Venice.
"May adventure kaya sila?" Naka kunot noong tanong ni Clark. Hindi naman nya magamit ang pagiging magaling nya sa teknolohiya dahil alam nyang nasa ibang panahon sila kung saan wala pang kahit anong modernong kagamitan.
"Hindi ko alam pero kung meron man pucha! Ang duga bakit di tayo sinama?!" Parang batang maktol ni Ryan napakamot na lang nang kilay si Cedric sa inasal nang kaibigan.
"Mga dre hindi ko talaga maisip kung san ba pwedeng pumunta si Bossing at Jensen" nalilitong turan ni Cedric habang si Damien naman ay kanina pa tahimik at abala sa pag babasa tila ba walang pakielam sa paligid nya.
"Baka naman nag date lang yun" wala sa sariling sagot ni Clark kaya naman mabilis na napatingin sa kanya ang iba ganon din si Damien at ibinaba pa ang hawak hawak na libro.
"Gago! Si bossing at si Jensen nag papatawa kaba?!" Natatawang sagot ni Ryan.
"Hindi naman kase malabo" makahulugan na sagot ni Damien. Si Jensen talaga ang gusto nya para kay Venice dahil kahit na babaero at mukang hindi mapapag katiwalaan ang muka nang kaibigan ay tiwala naman syang hindi sasaktan nito ang puso nang kababata.
————————————
————————
Unedited. Please bear with my errors.
YOU ARE READING
Mafia Encounter Book 1 (Completed)
Historical FictionSeason 1! An existed mafia boss named Luna Venice Winchester she was the boss of a large mafia organization in the world she only want is to find the killer who murdered her family but the destiny seems liked to play with her because she send in the...