Chapter 11

243 9 2
                                    


Third Person PoV

Mabilis at tahimik ang naging bawat hakbang nang grupong pinamumunuan ni Venice habang palihim nilang pinapasok ang mansyon nang mga Conception. Pasalamat na lamang sila at wala ang mag amang Conception sa bahay kaya malaya nilang nalilibot ang mga kwarto.

Tanging ang mga aligagang kasambahay at mga batugan na mga gwardya sibil lamang ang nasa mansyon kung kayat kailangan parin ni lang mag ingat dahil hindi nila gustong maka likha nang gulo.

Mahigpit at alerto ang pag kakahawak ni Venice sa kanyang baril at nilagyan din nya ito nang silencer. Kung titigang mabuti si Venice ay hindi mo aakalaing babae ito dahil pulido ang bawat telang ginamit upang hindi malaman ang kanyang tunay na pag katao ganon din ang kanyang muka ay naka tago sa itim na tela.

Dahan dahang pumasok si Venice sa isang kwarto na sa tansya nya ay isang office room. Mabilis nyang binuklat ang bawat papeles na naka patong sa office table nito. Ngunit wala syang makitang kahit ano sa mga tinukoy nang matanda kaya naman lumakad sya at tumapat sa isang malaking aparador.

Binuksan nya iyon ngunit hindi nya inaasahan na napaka raming mga papeles ang naka lagay roon. Iniisip nyang matatagalan pa sya kung iisa isahin nya ang mga papeles roon.

Habang aligaga si Venice sa pag buklat nang mga pahina nang papel na iyon ay naramdaman nyang may paparating sa kinaroroonan nya kaya naman agresibo nyang hinawakan ang baril nya at itinutok sa kung sino man ang lalabas sa pintuang iyon.

Nang bumukas ang pintuan ay handa na sana syang kalabitin ang gatilyo nang makilala nya ang pigura nang lalaking pumasok kaya naman ibinaba nya na ang baril nya at itinuloy ang pag bubuklat sa mga papeles.

"Bossing tulungan na kita" bungad ni Ryan nang makitang aligaga ang amo sa pag buklat nang mga papeles sa aparador. Hindi na nag aksaya pa nang oras si Ryan at naki tulong na din sa pag hahanap.

"Bossing eto ba yun?" Tanong ni Ryan nang mabasa ang mga sulat kamay na naka lagay sa papel.

"Yan na nga yun" maikling sagot ni Venice at sinimulan nang ayusin ang mga nagulong papel. Bago umalis sa kwartong iyon ay siniguro ni lang walang maiiwang bakas nila roon.

Samantala sina Jensen, Damien, Clark at Cedric ay nauna na kung saan nila napag kasunduan mag kita-kita.

"Mga pre nag aalala na ako kay bossing at Ryan!" Hindi mapakaling sabi ni Jensen habang si Damien naman ay nag papakawala lang nang mga buntong hininga at ang dalawa naman ay aligaga sa pag sisigarilyo.

Panay ang tingin ni Damien at Jensen sa kani kanilang mga wristwatch dahil ilang sandali na lang ay babalik narin ang mag amang Conception at kung mamalasin ay baka mahuli pa sila.

Nabaling ang kani-kanilang atensyon sa dalawang pigurang paparating sa gawi nila. Agad na naging alerto ang apat at binunot ang kanilang mga baril.

Naka hinga naman sila nang maluwag nang makilala ang mga paparating. Agad na itinutok ni Damien ang baril nyang hawak sa gawi ni Venice at pinaputok ito agad naman bumulagta ang gwardya sibil na mag tatangka sana sa kanyang amo. Pasalamat na lang sila dahil may silencer ang mga baril na dala nila kaya kahit na mag paputok sila nang ilang ulit ay hindi ito mag lilikha nang ingay.

"Naks the silent killer!" Buska naman ni Cedric kay Damien pero hindi sya pinansin nito at mabilis na lang silang tumakas at nag laho na lang sa dilim.





Mag aalas diyes na nang gabi nang makabalik sila sa sa mansyon ni Leticia kaya karamihan sa mga kasambahay ay nag papahinga na.

Umakyat na ang lahat sa kani-kanilang kwarto upang mag palit na nang damit. Ang mga lalaki ay nahiga na lang sa kani-kanilang kama dahil sa pagod.

Habang si Venice naman ay nag palit na nang pangtulog at humiga sa kama nya. Tahimik lang syang naka tingin sa kisame habang hinayaan na naka sindi ang lampara sa kanyang tabi.

Malalalim na buntong hininga ang pinakawalan nang dalaga habang pinipilit ang sarili na maka tulog.

Maya-maya lamang ay may narinig syang pumapaswit sa labas nang kanyang kwarto kaya asar syang bumangon at  binuksan ang pagkalaki laking bintana.

Nakita nya ang isang lalaki na naka tayo sa hardin at naka suot nang itim na abrigo at sumbrero. Hindi nya makilala ang lalaking naka tayo kaya naman matagal nya itong pinaka titigan pero masyado talagang madilim ang paligid kaya hindi nya makita.

Bumalik sya sa kama para kunin ang baril nya bago dahan-dahang lumabas na bahay at mag tungo sa hardin.

Naabutan nya ang lalaking naka talikod sa kanya habang naka pamulsa sa suot nitong abrigo.

"Who are you asshole?" Buong tapang na tanong ni Venice sa lalaki kaya naman dahan dahan itong napa harap sa kanya.

"Magandang gabi binibini" magalang na bati nito sa kanya at itinapat pa sa dibdib ang soot na sumbrero.

Buwan lang ang nag sisilbing liwanag sa kanilang dalawa pero sapat na iyon para makita nang malinaw ang mga muka nila.

Those brown eye.

Sabi nito sa isip nya. Bahagya nyang itinaas ang kilay nya. "What are you doing here?" Masungit nitong tanong ngunit ang binata ay bahagyang napa tagilid ang ulo dahil sa kakaibang lenggwaheng naririnig.

"Hindi ko maintindihan ang iyong mga sinasabi binibini pati ang kulay nang iyong buhok ay kakaiba rin" magalang na sabi sa kanya nang binata ngunit napa buntong hininga lang sya.

"Anong ginagawa mo rito?" Malamig at walang ka emo-emosyon na tanong ni Venice. "Narito ako dahil nais kong maunawaan ang iyong tinuran sa akin, ilang gabi din akong hindi pinapa tulog nang mga sinabi mong iyon pakiramdam ko ba ay mahalaga ang iyong sinabi" sabi nang binata kaya napa kamot na lang nang kilay si Venice.

"Kung yun lamang ang iyong ipinunta dito ginoo ngayon pa lang ay makakaalis kana dahil walang importansya ang aking sinabi at malalim na ang gabi tiyak kong iba ang iisipin nang kung sino man ang makaka-kita satin" maotoridad nitong sagot. Hindi naman magawang tumingin ni Venice sa kulay chokolate nitong mga mata dahil pakiramdam nya ba ay hinihigop sya nito.

"Ngunit binibini----" hindi na natapos pa nang binata ang sasabihin nya nang muling mag salita si Venice. Batid ni Venice na isang kalapastanganan ang ginagawa nya sa binata ngunit wala na syang pakielam.

"Umalis ka na lang, mag papa hinga na ako" sabi nya t tumalikod na para mag lakad. Hindi pa man sya nakakalayo nang tuluyan nang bigla itong mag salita dahilan para mapa hinto sya.

"Binibini ako nga pala si Sergio Conception!"



————————————
————————
Unedited. Please bear with my errors.

A/N

Nag eenjoy ako sa pag gamit nang 3rd person pov hahahaha. Keep safe mga 2ll.

Mafia Encounter Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now