Jensen PoVMaaga pa lang ay umalis na ako nang mansyon at hindi na nag paalam pa kay bossing nag suot lang ako nang itim na salakot at damit pang mag sasaka upang hindi ako pag hinalaan nang mga tao gayung pinag hahanap na ang pumatay kay Don Hubello at sa tatlo pang pinatay namin.
Halos dalawang linggo na din ang naka lipas nang mapatay namin ang mga don at ngayon ay oras naman para singilin ang pumatay sa nanay ni Loisa.
Binabagtas ko ang masukal na kakahuyan habang ang tanging ilaw lang nang buwan ang nag sisilbing liwanag at gabay ko.
Ilang araw ko din minanmanan ang ang dalawang gwardya sibil na kumitil sa buhay ng nanay ni Loisa kaya alam kong sa mga oras nato ay payapa silang natutulog kasama ang pamilya nila.
Umigting ang panga ko ng matanaw ko sa di kalayuan ang bahay ng isa sa kanila.
Mabilis ang mga lakad ko ngunit tahimik lang ako habang papalapit ako ng papalapit sa bahay ng tampalasan na yun.
Binunot ko ang baril ko at maingat itong nilagyan ng silencer habang dahan dahan akong pumapasok sa bahay nya.
Hindi naman nag tagal ay naka pasok ako sa bahay nya kaya dahan dahan akong umakyat sa maliit na hagdan at dumeretsyo sa kwartong bahagyang naka bukas.
Nakita kong mahimbing na natutulog ang gwardya sibil na yun kaya dahan dahan akong lumapit at maingat na isinara ang pintuan ng kwarto nya.
Kunot noo ko syang pinag masdan habang mahimbing itong natutulog habang hawak ang baril ko.
"Hoy gising!" Sipa ko sa muka nito kaya naman napa balikwas ito ng gising at matalim akong tiningnan. Inalis ko din ang suot kong salakot at nginitian sya na parang demonyo. Bumaba ang mga tingin nya sa kamay kong may hawak na baril at nakita ko kung paano sya napa lunok.
"S-sino k-ka?" Nauutal nyang tanong sakin kaya naman itinaas ko ang kamay kong may hawak na baril at tiningnan ako.
"Ako si kamatayan" seryoso kong sabi at tiningnan sya nang walang emosyon syaka itinutok sa ulo nya ang baril na hawak ko.
Nangangatal naman ang mga kamay nyang itinaas sa akin habang bakas na bakas ang takot sa muka nya.
"A-anong kasalanan ko s-sayo?" Napa taas ang kanan kong kilay habang umiigting ang panga ko.
"Wala kang kasalan sa akin pero sa babaeng mahal ko meron" sagot ko at kinalabit ang gatilyo ng baril.
"Adios" sabi ko at mabilis na isinuot ang salakot kong dala at mabili na umalis.
Tahimik akong nag iintay sa likod ng isang malaking puno habang hinihintay na dumaan ang huling gwardya sibil na pumatay sa ina ni Loisa.
Habang nag yoyosi ako ay may nadinig akong ingay ng paa ng kabayo kaya bahagya akong sumilip doon at nakita ko nga ang huling taong hinahanap ko.
Asintado kong itinutok ang baril sa ulo ng gwardya sibil at syaka kinalabit ang gatilyo. Pinag masdan ko sya kung paano mabuwal sa sakay nyang kabayo at syaka itinapon ang yosi ko at lumakad na parang walang nangyari.
~•~
Mag aalas-syete na ng umaga ng maka balik ako sa mansyon at naabutan ko sila na nag aalmusal na kaya naman naupo na ako doon at kumuha ng pag kain.
"San ka nag punta?" Tanong sakin ni Ryan habang punong puno ang bibig ng pag kain.
"Secret no clue" sabi ko at sumubo na ng pag kain. Napansin kong naka tingin silang lahat sakin kaya naman inosente akong napa kunot ang noo.
"Alam kong gwapo ako pero hindi ko kailangan ng mga atensyon nyo" mayabang na sabi ko at bigla silang nag usap usap na parang hindi nila ako nakikita pwera na lang kay bossing na tahimik na kumakain.
Teka ilang araw ko nang napapansin na hindi umaalis si bossing ah? Hindi na ba sila nag kikita nung kastila na yun? Pucha nangangati na yung bibig kong mag tanong pero takte baka mapa aga buhay ko.
"Bossing ano na po plano?" Biglang tanong naman ni Yoon kaya napa tigil kaming lahat din si bossing.
"Mag hintay na lang muna tayo nang plano ni Ka Nardo" matipid na sagot ni bossing at syaka umalis na sa hapag at umakyat sa kwarto nya.
Napa kibit balikat na lang ako at tinapos na ang pag kain ko at tumayo na din. Nakita ko namang biglang tumalikod si Loisa kaya napa kunot ang noo ko. Nadinig nya ba ang usapan namin?
Kaya naman sinundan ko sya papasok ng kusina. Sakto naman na walang tao duon at kami lang.
Agad kong hinawakan ang mga braso nya kaya napa harap sya sakin. "Anong nadinig mo?" Bigla syang napa iwas ng tingin sa mga mata ko.
"Wala akong nadinig Jensen" iwas tingin nyang sagot sakin.
"Please Loisa kung ano man ang nadinig mo naway ilihim mo na lang iyon" bigla syang napa harap sa akin at nakita ko ang pag patak ng mga luha nya mula sa kanyang mga mata.
"Bakit inilihim mo sa akin na ikaw ay kasapi sa tulisan?" Umiiyak nyang tanong kaya naman biglang nadurog ang puso ko.
"Paano kung mapa hamak ka? Alam mo at alam ko na matinding kaaway nyo ang mga kastila! Ayokong mawala ka sakin. Ayokong mapa hamak ka!" Bigla ay hinapit ko sya at niyakap ng mahigpit.
"Walang mangyayaring masama sa akin mahal ko" mahinang bulong ko dito at hinagod ang likod nito upang patahanin.
Venice PoV
Kanina ko pa paulit ulit na i dino drawing ang muka nya at pero patuloy pa din akong nangungulila sa kanya.
Ilang araw na akong hindi nag pupunta sa aming tagpuan at hindi ko alam kung ako ba ay hinihintay nya doon. Natatakot akong pumunta dahil baka mag hinta lang ako sa wala.
Napa tayo nalang ako at tumingin sa orasan sa aking palapulsuhan. Alas-kwatro na ng hapon. Napag desisyonan kong pumunta sa bintana at pag masdan ang malaking hardin.
Napa kunot na lang ang noo ko ng makita ang mga gwardya sibil na pwersahang pumasok sa loob ng mansyon.
Agad akong bumaba upang alamin ang totoong nangyayari. Ngunit nakita kong dinakip nila ang ang isa sa mga katulong dito sa mansyon.
"San nyo sya dadalhin?!" Inis na sigaw ni Jensen. Umiiyak ang katulong at sa pag kaka alam ko ay Loisa ang kanyang pangalan.
Bubunot na sana ng baril si Jensen ngunit pinigilan sya ni Clark at Damien. "Bossing anong gagwin natin?" Mahinang tanong sakin ni Ryan. Tiningnan ko lang ito at bahagyang lumapit sa mga gwardya sibil.
"Señorita tulungan nyo ako wala akong kasalanan!" Umiiyak nyang turan. "Ano ang kanyang nagawa at bakit nyo sya dinakip?" Mahinahon kong tanong.
"Señorita ang babaeng ito ay pumanatay ng dalawang gwardya sibil" kumunot lalo ang noo ko.
"HINDI TOTOO YAN!" Sigaw nya at umiyak ulit.
Lumapit sa kanya si Jensen at sinakop ang muka nito. "Hindi ka makukulong mahal ko tutulungan kita!" Sabi nito at umalis na ang mga gwardya sibil dakip-dakip ang katulong sa mansyon.
"Jensen kumalma ka gagawa tayo ng paraan para mapa walang sala ang iyong mahal. Yaan ang bunga ng padalos dalos mong desisyon!" Sabi ko at umakyat na ng kwarto.
YOU ARE READING
Mafia Encounter Book 1 (Completed)
Historical FictionSeason 1! An existed mafia boss named Luna Venice Winchester she was the boss of a large mafia organization in the world she only want is to find the killer who murdered her family but the destiny seems liked to play with her because she send in the...