Chapter 20

134 9 0
                                    


Third Person PoV

Dalawang araw na ang naka lipas matapos mag labas ng utos ang Heneral na si Sergio marami na din ang napapatay na mga mamayan kaya naman lalong lumakas ang layunin ng grupo ni Ka Nardo na sugpuin ang mga Kastila sa bayan nila.

Habang tahimik na nag papa hinga si Venice at ang mga tauhan nya ay naka rinig sila ng malakas na pag bato sa bintana ng kanilang amo kaya naman nag mamadaling lumabas ang mga lalaki at nag tungo sa kwarto ng kanilang amo.

"Bossing!" Pag katok nila dito at hindi din naman nag tagal ay bumukas ang pintuan.

"Okay ka lang ba bossing? Ano yung ingay na yun?" Nag aalalang tanong ni Cedric sa amo habang pinapasadahan ang buong kwarto ng kanyang amo.

"Be ready! Ka Nardo called us for a meeting" seryosong sagot ni Venice at isinarado ang pintuan ng kanyang kwarto.

Naka hinga naman ng maluwag ang mga lalaki at nag tungo sa kwarto para mag handa. Kanya kanya silang kuha ng baril at salakot upang itago ang kanilang pag kaka kilanlan gayung mas humigpit ang seguridad sa labas at napaka raming gwardya sibil ang rumoronda sa buong bayan.

Agad silang bumaba at nag kita kita sa likod ng mansyon kung saan naroon ang ilog na kanilang tarawirin at ang maliit na bangkang ginagamit nila sa pag hatid sa kanila sa kakahuyan sa kabilang bayan.

Hindi naman mapakiusapan ni Venice ang kasintahan na itigil na ang pag patay sa mga tulisan dahil baka pati sya ay pag hinalaan nito at ayaw nyang masira ang kanilang relasyon kaya sya na lang ang gumagawa ng paraan.

Madilim na ang buong paligid dahil pasado alas-dyes na ng gabi at ang liwanag lang ng buwan at nag kikislapang mga bituwin ang nag sisilbing liwanag sa madilim na gabi.

Mabilis naman silang nakarating sa kanilang paroroonan at sinalubong sila ng ibang mga miyembro ng tulisan.

Naabutan nila na nag pupulong na ang lahat ngunit hindi pa ito nag sisimula dahil mukang hinihintay talaga sila nito.

Samantala si Jensen naman ay busy ang mga mata sa pag hahanap sa babaeng kanyang iniibig. Nang masumpungan ito ay nginitian nya dahil nahuli nya rin itong naka tingin sa kanya. Matamis na ngiti lang din ang ginawad sa kanya ng dalaga.

"Lumiliit na ang ating ginagalawan dahil sa kabi-kabilang mga gwardya sibil na rumoronda. Marami na din ang napatay na kaanib natin at mga inosente kaya sa tingin ko ito na ang tamang panahon para sa pag aalsa!" Nag sigawan ang mga kaanib ni Ka Nardo na akala mo ba ay mga tigreng handa nang umatake.

Inilatag na ni Ka Nardo ang plano sa mga myembro habang si Venice naman ay nag latag din ng iba pang plano kung sakaling hindi mag tagumpay ang naunang plano.





Alas-dose na ng umaga ng maka uwi sila sa mansyon. Tahimik ang buong mansyon at naka patay na din ang ilan sa mga gasera wala pa din ang Donya ngunit hindi naman nito nakaka limutan mag padala ng sulat pag may pag kakataon.

Dumeretsyo na ang mga lalaki sa kanilang kwarto habang si Venice naman ay nag paiwan sa hardin dahil nawala na din ang kanyang antok.

Tahimik lang nyang pinag mamasdan ang mga nag kikislapan at nag niningningang mga bituwin habang malalim ang kanyang iniisip bumabagabag kase sa kanyang isipan ang planong binuo ng pinunong si Ka Nardo.

Nag aalala kase sya sa kaligtasan ng kanyang kasintahang si Sergio gayung ito ang target ng mga tulisan dahil sa utos nitong pag patay sa mga tulisan.

Nagulat na lang sya sa biglaang pag yakap sa kanya ng isang lalaki mula sa kanyang likuran.

"S-Sergio?" Gulat na tanong ni Venice dito ng makita ang muka ng lalaking nasa harap nya na ngayon. Lalong gumwapo ang binatang si Sergio dahil sa pag tama ng liwanag ng buwan sa muka nito.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tila hindi sya maka paniwala sa kanyang nakikita gayung nasa kalagitnaan na ng gabi.

Hindi ito nag salita at hinawakan lang ang kanyang kamay at hinatak sya nito sa isang puno ng akasya at pinaupo sya nito. "Hindi na kase ako maka tulog dahil sa aking napa naginipan at ako'y nangungulila din sa iyo aking sinta" napa lunok lang si Venice dahil sa lapit ng kanilang distansya at ang malapitan nyang makita ang kulay rosas na labi nito.

"A-ah Sergio--" hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin ng biglang sapuhin ni Sergio ang dalawang pisngi nya at paka titigan sya nito sa kanyang mata. Tila ba nalulunod sya sa mga kulay kapeng mata ng binata.

"S-sergio" halos pabulong na lang nyang sabi dahil sa sobrang lapit ng kanilang muka.

Wala na syang nagawa kundi ipikit ang kanyang mga mata at tila okupado na ang kanyang utak kung kaya hindi na sya maka pag isip pa ng tama.

Isang mabilis at puno ng pag mamahal ang ginawad na halik sa kanya ng binata at halikan sya muli nito sa kanyang noo.

"Mahal na mahal kita Luna" sa hindi malamang kadahilanan ay tumulo ang luha sa mga mata ni Venice tila para bang huling beses na nyang maririnig ang mga salitang iyon sa binata.

"Palagi mo lang iingatan ang sarili mo ha?" Bulong ni Sergio sa dalaga at niyakap ito ng mahigpit. Mahigpit na tila ba iyon na ang huling beses nyang mayayakap ang dalaga.

"Mag iingat ka palagi Sergio mahal ko" ganting bulong nya sa binata.

Pinunasan ni Sergio ang mga pisngi ni Venice at syaka nginitian ito ng may halong kalungkutan.

"Ilang buwan na lang ikakasal na ako" tila parang nabingi si Venice sa kanyang narinig at parang biglang nawalan sya ng boses.

"Ikakasal ako sa babaeng hindi ko mahal at kahit kailanman ay hindi ko mamahalin" sabi nito at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ni Venice. Tumulo ang luha sa mga mata ni Sergio habang mahigpit na hawak ang kamay ni Venice.

"Ipangako mo na hinding hindi mo ako iiwan" napa iling iling si Venice habang patuloy sa pag agos ang mga luha nya sa mata. Ang huling iyak nya ata nang ganito ay nung namatay ang mga magulang nya.

Alam nyang mali pero kahit anong mangyari ay hindi sumagi sa isip nya na iwan ang binatang mahal nya kahit pa ngayon na ikakasal na ito ilang buwan na lang simula ngayon.

Matapos ang iyakan ay kumalma din silang dalawa at kasabay ng pag tapos ng kanilang mga luha ay ang pangakong hinding hindi nila iiwan ang isa't isa.

Naka higa lang sila sa damuhan habang naka tingin sa mga bituwin tila tinakasan na ata sila ng kanilang antok dahil malapit ng mag umaga ay wala pa din sa kanila ang nag papaalam upang matulog na.

"Bakit mo nagawa yun?" Pag basag ni Venice sa katahimikan.

"Nagawa ang ano mahal ko?" Simula ng maging opisyal ang kanilang relasyon ay 'mahal ko' na ang tawag sa kanya ng binata ngunit tuwing tatawagin sya ng ganoon nito ay tila hindi pa din sya sanay.

"Nagawang kumutil ng buhay at mga inosenteng tao" batid nya na wala syang pinag kaiba sa binata ngunit hindi nya maiwasa na tanungin ito.

"Sa mundong ito ang pinaka mahalaga ay ang kakayahan mo para makuha ang kapangyarihang ninanais mo" naka titig nyang sagot sa dalaga habang ito naman ay naka tingin sa mga bituwin.

"Kahit na ang ninanais mo ay tiyak na ikapapahamak mo?" Tanong ni Venice at humarap sya sa binata kung kaya nag kasalubong ang kanilang mga tingin.

"Oo mahal ko" diretsyo nyang sagot sa dalaga.

"Why don't you let them to have freedom in their own country? Mananalo din naman sila at makakamtan ang kalayaang inaasam nila" wala sa sariling saad ni Venice kaya naman napa kunot ang noo ni Sergio.

"Ano ang iyong ibig sabihin mahal ko?" Bigla ay parang bumalik sa sarili si Venice at mapagtanto ang kanyang nasabi.

"A-ah eh w-wala iyon ang ibig kong sabihin ay matutulog na ako mahal ko!"

Mafia Encounter Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now