Chapter 12

238 9 4
                                    


Third Person PoV

Hingal na hingal si Venice nang ibagsak nya ang sarili sa damuhan dahil sa matinding hapo sa ginagawa nilang pag sasanay. Samantala ang mga lalaki naman ay naka hubad na at pawis na pawis bumalandra tuloy ang napaka ganda nilang katawan.

Inabot ni Venice ang tubig na ibinigay sa kanya at nilagok ito ng diretsyo. Mag dadapit hapon na at papadilim na rin ang paligid nang maisipan nilang mag pahinga na at bukas na lang nang bukang liwayway ulit mag ensayo nang maka bagong pakikipag laban.

Mag iisang linggo na nang maging opisyal silang kaanib nang mga tulisan kaya naman ginagawa nila ang lahat para mapa tunayan ang kanilang sarili. Marami pa rin naman sa mga kaanib ang nag dududa sa kanila pero mas lamang parin ang pag tanggap sa kanila nang buo.

"Wews ngayon na lang ulit ako pinag pawisan nang ganito!" Hingal na sabi ni Ryan Chua syaka pinunasan ang tagaktak na pawis. Hindi maikakaila na gwapo ang binatang si Ryan bukod sa bahagyang singkit at abuhin nitong mata ay mistiso din ito at may matatangos na ilong.

"Pano tatamad tamad ka!" Pam babara sa kanya nang kaibigang si Cedric Braselton. Si Cedric ang pinaka kasundo nya sa lima kaya madalas din silang mag asaran. Gwapo si Cedric na nag padagdag sa matitikas nitong pangangatawan at makakapal na kilay. Makikita sa kanya ang pagiging briton. Nag padagdag sa pagiging maangas nito ang mala action star na pag hawan nang baril.

"Tamad ka din naman Braselton" mapang asar na sabi ni Clark. Clark Yoon ay isang half korean half pilipino na mas piniling manirahan sa pilipinas. Singkit ang mga mata na itim na itim, matangos na ilong at mistisong balat pag tiningnan mo ito ay ang una mong mapapansin ay ang diamond earrings nya sa kanang tenga. Maliit lang ito at kumikinang na nag padadag sa kanyang ka-gwapuhan. Maraming nag sasabing nahahawig daw sya kay Cha Eun Woo.

"Ingay nyo" naka pikit na sabi ni Damien Lee ang tinatawag nilang silent killer at pinaka delikado sa kanilang lahat magaling itong humawak nang baril at hindi ito mag dadalawang isip na kalabitin ang gatilyo nito. Kababata sya ni Venice. Bilugan ang mga mata nito at palaging maayos ang pananamit. Clean cut at may malamig na personalidad sya din ang pinaka masungit sa kanila pero katulad nang mga nauna ay nag tataglay din sya nang kagwapuhan.

"Basta ako gwapo!" Mayabang na sabi ni Jensen Brewer isa syang pure Irishman nag tataglay sya nang grayish-green na mga mata. May pagka blonde din ang kulay nang kanyang mga buhok natural na matangos ang ilong at kung pag mamasdan mong mabuti sa mga ngiti nito ay halata mo nang babaero.

Jensen PoV

Nilagok ko ang tubig bago ko punasan ang mga pawis ko nak nang tokwa nakaka pagod pala ang maging trainor.

"Hoy Jensen umayos kana uuwi na tayo" pag tapik sakin ni Yoon anak nang tipaklong hindi pa nga ako nakaka pag pahinga aalis na agad? Pero hayaan na makikita ko naman ang babe ko doon.

Buti na lang talaga kamo gwapo ako kung hindi kanina ko pa sila nasapak syempre except kay bossing.

Agad kong kinuha ang pang itaas ko syaka ko ito isinuot at pinagpagan ang sarili. Lahat kami ay bumalik na sa quarters kung saan nandoon si Ka Nardo.

"Tila hapong hapo kayo. Dito na kayo mag hapunan tutal mag didilim na din at natitiyak kong delikado ang daan pauwi" napa singhap lang ako nang maamoy ko ang mabangong niluluto nila.

"Hindi na baka maabutan pa kami nang mga gwardya sibil at tiyak na hinahanap na kami nang aming tiyahin" walang emosyong sabi ni bossing.

"Kung ganoon ay mag iingat kayo sa inyong pag lalakbay" sabi ni Ka Nardo at iginiya kami papalabas nang kakahuyan.

"Babalik na lang ho kami Ka Nardo bukas nang madaling araw." Sabi ko habang naka ngiti sa kanya. Matanda na si Ka Nardo at mahaba ang buhok nitong kulay gray. Mahahalata rin na hindi ito purong pilipino dahil sa tindig at postura nito ganon din sa mapuputlang balat at matatangos na ilong.

"Sige hijo at mag iingat kayo" naka ngiti din na sabi nito.

"Kayo rin ho Ka Nardo." Sabi ko at tumalikod na para mag lakad patungo sa pampang nang ilog kung saan naroon ang aming maliit na bangka.

"Pag dating natin doon mag babad ako sa bathtub pagod na pagod ang katawang lupa ko mga tsong!" Nag sstretch na sabi ni Ryan.

"Si Jensen hindi pa yan maliligo dahil man liligaw pa yan hahaha!" Dinig kong pang aasar sakin ni Cedric.

"Mga ulol!" Malakas kong sagot sa kanila.

"So what the real score na ba between you and to that hot chikababe?" Nag pantig naman ang tenga ko nang madinig ang pag tawag ni Yoon nang chikababe kay Loisa.

"Loisa! Loisa pangalan nya tsong hindi chikababe!" Inis kong sagot sa kanila.

"Smell someone possessive" parinig naman ni Ryan.

"Gago di na kayo nasanay kay Jensen possessive talaga yan sa mga gusto nya!" Banat naman ni Cedric.

"Tss" nasabi lang ni Damien kaya naman pinanlakihan ko sya nang mata.

"So anong score mo sa kanya pre? Kung zero parin ako naman susubok!" Pang aasar sakin ni Cedric ampupu agawan ba naman daw ako? Aba! Subukan nya lang mag kaka alaman kami.

"Gago subukan mo! Kung ayaw mong hindi na maka alis pa dito!" Inis kong sagot.

Natigil lang kami sa pag aasaran nang mapa tikhim si bossing kaya natahimik kaming lahat at sumakay na lang sa bangka.

Tahimik lang naming binabaybay ang iloh habang dumidilim hindi naman ganoon kalayo ang mansyon dito kaya hindi rin kami masyadong gagabihin.

"Bossing sino yung lalaki nung isang gab-------" agad na tinakpan ni Lee ang bibig ni Ryan. Napa kunot naman ang noo ko. Sinong lalaki yun? Kaagad akong tumingin kay Lee para mang hingi nang sagot pero umiwas lang sya nang tingin.

Si bossing naman ay hindi na lang pinansin ang tanong ni Ryan habang ang iba ay pipito pito na akala mo mga inosente. Anong meron?

Yung totoo may alam ba sila na hindi ko alam?




————————————
————————
Unedited. Please bear with my errors.

Mafia Encounter Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now