Chapter 31

120 7 1
                                    


Third Person PoV

"Patayin mo na ako"

Wala ng pag asang sabi ng dalagang si Venice. Totoo naman eh kasalanan nya kung bakit namatay ang mahal nya. Kaya dapat lang din sa kanya ang mamatay.

"Hindi mo na kailangan sabihin dahil yun mismo ang gagawin ko" sagot ni Leticia at itinutok sa ulo ng dalaga ang hawak nitong baril.

"Dadaan muna sakin ang bala mo bago sa kanya" hindi pa naipuputok ni Leticia ang baril ng may maramdan sya na mag tutok ng baril sa ulo nya.

"Sergio! Talaga nga naman ang pag ibig ay maka pangyarihan kaya gagawa at gagawa ito ng paraan" may pag-ka sarkastikong turan ni Leticia at parang walang baril na naka tutok sa ulo nya.

"Ha! Akalain mo yun? Hanggang dito ba naman ay maka susunod ka?" Mababakas ang pagka inis sa boses ni Leticia habang ang dalagang si Venice naman ay walang maintindihan sa mga nangyayari.

Nakita nya na lang na naka tumba ang mga lalaking dumukot sa kanya at doon ay nakita nya ang kanyang mga kaibigan.

"Tapos kana Donya Leticia!" mayabang na turan ni Ryan ngunit humalakhak lamang na para bang demonyo si Leticia.

"Baka nakaka limutan nyong hawak ko din ang buhay ng babaeng to" may pananakot sa boses na turan ng matanda.

"Ibaba mo yang baril mo kung ayaw mong mamatay" seryoso at maotoridad na tugon ng binatang si Serg o Sergio.

"Ikaw ang mag baba ng baril mo" nag hahamong sabi ng matanda. Alam naman ni Serg o Sergio na aabot sa ganito kaya naman wala syang nagawa kundi ang senyasan si Cedric habang hawak nito ang isang airsoft gun at itinutok ito sa matanda.

"Ibaba mo na ang baril mo kung ayaw mo pang mamatay" may diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng binata ngunit parang isang hangin lamang ito sa matanda at ayaw syang pakinggan.

"Kung mamatay man ako isasama ko na ang babaeng to sa impyerno" sabi nito ng hindi man lamang natatakot. Napa buntong hininga na lamang si Serg at sumenyas na barilin na ang target hanggang maari sana ay ayaw nyang patayin ito dahil kahit papaano ay nag papasalamat sya dito dahil nakilala nya ang dalagang si Venice ngunit sadyang hindi talaga ito mapakiusapan.

Seryoso lamang at maingat na sinisipat ni Cedric ang target at tanging senyas na lamang ang kailangan nya para kalabitin ang gatilyo nito.

Nang sa wakas ay sumenyas na ang binatang si Serg ay syaka palamang nya kinalabit ang gatilyo dahilan para matumba ang matanda. Hindi pa doon nag tatapos ng kalagan ni Serg si Venice ay agad na inagaw nito ang baril ng binata at tinutok sa ulo ni Leticia at walang awang kinalabit ang gatilyo.

Venice PoV

Napa upo na lamang ako sa sahig at napa iyak sa sobrang takot dahil ayun na eh muntik na talaga ako. Siguro nga ay hindi ko pa oras.

Napa angat ang ulo ko ng may humawak sa balikat ko at doon ay nakita ko ang nag aalalang mata ni Serg o Sergio o whatever he is.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko sya. Gulat naman syang napa tingin sakin na parang tinatanong nya kung para saan yun.

Tumayo na ako at nag lakad palabas ng mabahong abandoned building na yun. Aalis na sana ako ng maalala kong wala nga pala akong kotse pag minamalas ka nga naman.

Tinanggal ko nalang ang soot kong hills at sisimulan na sanang mag lakad ng biglang may humatak sa braso ko at doon ay sumalubong sa akin ang mga matang nangungusap ni Serg or Sergio whatever!

"Why?" Malamig kong tanong ng sumalubong sa akin ang mga mata ni Serg.

"San ka pupunta?" Tanong nya sakin pero binawi ko lang ang braso ko sa kanya.

Mafia Encounter Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now