Third Person PoVTik-tak....... Tik-tak....... Tik-tak......
Tanging tunog lang ng aparatus at isang orasan na naka sabit sa ding-ding ng kwarto ni Venice ang maririnig mo. Nakaka binging katahimikan habang mahimbing na natutulog ang pagod na katawan ni Venice.
Sa kabilang kwarto ay mag kakasama ang mga lalaki at katulad ni Venice ay pare-pareho silang walang malay.
Dahan dahan nag mulat ng mata ang dalaga at ang sumalubong sa kanya ay ang kulay puting kisame ng hospital at ang nakakasilaw na liwanag na nag mumula sa bintana ng kwarto nya.
Ipinikit pikit nya ang kanyang mata hanggang sa tuluyan na syang maka kita ng malinaw. Narinig nya ang langitngit ng pintuan, palatandaan na bumukas ito.
Hindi nya inaasahan ang unang taong makikita nya kaya dahan dahan syang umupo kahit na nahihirapan pa ang katawan nya.
"Gising kana pala" salubong nito sa kanya at pinag masdan sya ng mabuti. Tandang tanda nya pa ang mga nangyari. Malinaw na malinaw sa kanyang ala-ala kung paano nawala ang lalaking kanyang minamahal.
"N-nasaan ako?" Napa hawak sya sa kanyang ulo habang iniisip ang mga nangyari ngunit bigo sya dahil ang tangi nya lang na natatandaan ay nang tuluyan ng malagutan ng hininga ang kasintahan ay nawalan din sya ng malay.
"Nandito kana sa kasalukuyan" sago ni Leticia at umupo ito sa sofa.
Napa iling naman si Venice at biglang tumulo ang mga luha nya. "A-ayoko dito i-ibalik mo na ako sa k-kanya" halos mag maka awa na ang dalaga ngunit napa halukipkip lang ang donyang si Leticia.
"Tapos na ang iyong misyon Venice kaya wala nang dahilan para bumalik kapa duon" sabi nito at tumayo na sya huminga ng malalim.
"Nandito ako para burahin ang ala-ala mo" sabi nito kaya naman mariin na napa kunot ang noo ni Venice.
"A-ayoko please wag" nag mamaka awa nyang turan ngunit tiningnan lang sya ng matanda.
"W-wag mo nang burahin ang ala-ala ko sapat na sakin na maalalang minahal ko sya kahit na ang pag iibigan namin ay tarahedya ang pag tatapos" sabi nito at napa yuko habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa kanyang mga pisngi.
"Sigurado ka?" Tumango lamang sya habang naka tungo.
"Kung ganon tapos na ang aking trabaho dito akoy aalis na" sabi nito ngunit hindi na muling nag salita si Venice at humiga na lamang sya at tulalang napa titig sa puting kisame ng hospital room nya.
Gusto nyang magalit kay Damien dahil sa ginawa nito sa lalaking mahal nya ngunit hindi nya magawa at tanging sarili lang nya ang kanyang sinisisi.
Muli syang nagising dahil sa ingay na nadidinig nya sa kwarto nya. "Shhh nagising ata natin si bossing" dinig ni Venice kaya muli nyang iminulat ang kanyang mga mata at duon ay nakita nya ang mga tauhan nyang nag kakasatan nanaman.
"Yow bossing kamusta ang pakiramdam mo?" Masigasig na tanong ni Ryan kaya naman naka tikim sya ng batok sa mga kasama.
"Aray naman!" Inis na napa kamot ng ulo si Ryan dahil sa pambabatok sa kanya ng mga kaibigan.
"Bossing tinawagan na po namin ang mga magulang mo para ipaalam ang nangyari" napa kunot naman ang noo ni Venice.
"Mga magulang?" Bulong nya pero hindi naka ligtas iyon sa pandinig ng lima. Kaya naman taka silang nag katinginan at iniisip nila na nag karoon ng amnesia ang amo nila.
"Bossing natatandaan mo ba ako? Ako to yung pinaka gwapong si Cedric" naka ngiti at mayabang nito sabi kaya naman naka tanggap din sya ng batok sa mga kaibigan kaya naman napa nguso sya at napa kamot na lang din ng ulo.
"Bossing natatandaan mo ba ang nangyari?" Napa lingon si Venice kay Jensen at kunot noo lang syang napa titig sa binata ang iniisip ni Venice na tanong ni Jensen ay yung nangyari sa kanilang lahat nung maka punta sila sa past.
"Nangyari?" Ulit nyang tanong at tumango lang ang binata.
"Oo bossing yung pag bangga ng sinasakyan nating van sa trailer track pasalamat na lang tayo at hindi ganon malakas ang impak kaya walang napuruhan satin" muli ay napa kunot ang noo ni Venice sa mga sinasabi ni Jensen.
"Hindi naman tayo bumangga ah? Wala ba kayong natatandaan?" Ngayon ay takang taka na talaga si Venice kung bakit walang matandaan ang mga kaibigan gayong sya ay tandang tanda ang mga pangyayari.
"Bossing di kaya may amnesia ka?" Takang tanong ni Clark pero hindi naman sumagot ang amo at kunot noong napa yuko lang ito.
Kahit ano talagang pilit ni Venice ay wala syang matandaan na bumangga sila kagaya ng sinasabi ng mga kaibigan.
Nag tataka na din sina Ryan, Cedric, Clark, Jensen at Damien kung bakit walang matandaan ang kanilang amo.
"Hindi nyo talaga natatandaan kung anong nangyari? Napunta tayo sa nakaraan! Ayan Ryan dun mo yan nakuha ng lumaban tayo sa mga gwardya sibil!" Sabi ni Venice habang tinuturo ang binti ni Ryan. Natawa naman ng bahagya si Ryan dahil sa akalang nahihibang na ang amo.
"Hehe bossing diba nakuha ko to nung nakipag laban tayo sa mga nag tangkang pumatay sa inyo at sa mga magulang mo?" Napa sapo na lang si Venice sa noo nya dahil naguguluhan na sya kung bakit iba ang iniisip ng mga kaibigan.
Natigil lang sya sa pag iisip ng mah kumatok sa pintuan ng kwarto nya kaya naman tumayo si Damien na kanina pa tahimik at usual na talaga ang pagiging quiet person nito para pag buksan kung sino ang kumakatok.
"Tita, tito" bati nito ng makita ang mga magulang ni Venice.
"Boys kamusta kayo?" Nag aalalang tanong ni Tita Vettyna sa mga kaibigan ni Venice.
"Okay lang po Tita Vetty alam nyo naman po pag gwapo mahirap mamatay hehe" naka ngiting sabu ni Ryan at nag tawanan naman sila.
Si Venice naman ay hindi maka paniwala sa nakikita at ilang beses ding napa kurap. Hindi sya maaring mag kamali dahil totoong buhay nga ang mama at papa nya.
"Ah tito Luke tita Vetty labas na ho muna kami" paalam na sabi ni Jensen ng makita si Venice na umiiyak. Actually ay hindi naman nawala ang ala-ala nila gusto nalang talaga nilang ibaon sa limot ang lahat dahil alam nilng masasaktan ang amo nila kaya bago sila pumasok sa kwarto ni Venice ay may usapan na silang lima.
Nang maka labas na ang lima ay agad na bumaba si Venice sa kanyang hospital bed at niyakap ang mama at papa nya habang hindi maampat sa pag tulo ang mga luha.
Gulat naman ang mag asawa sa inasta ng kanilang anak dahil akala mo ba ay ilang taon silang hindi nakita ng dalaga kung yakapin sila nito.
Jensen PoV
"Wala ba talaga tayong balak sabihin kay bossing na naalala natin ang mga nangyari?" Minsan talaga may kaibigan kang masarap batukan eh.
"Di kaba marunong umintindi? Sinabi nang hindi nga sasabihin eh" napanguso naman sya at muling humiga sa hospital bed nya. Kumuha naman ako mansanas sa bedside table ko at kinagatan yun.
"Alam nyo mga men nung nakita ko si bossing na umiyak sa tuwa dahil makakasama nya na ulit ang mga magulang nya parang gumaan ang pakiramdam ko" naka ngiting pahayag ni Cedric.
"Kaya lang masaklap ang love story nila ni Sergio" napa tigil ako sa pag kagat sa mansanas ng maalala ko ang ginawa ni Damien.
Mas gugustuhin ko pa atang ma stock kami doon kesa makitang miserable nanaman si bossing. Pero sabi nga nila kahit ipilit mo kung hindi talaga para sayo it's not for you better luck next time.
Syaka medyo okay na kami ni Damien naintindihan naman namin kung bakit nya ginawa yun pero still hindi parin sapat na dahilan yun para gawin nya yun kahit na inaalala nya lang kami at ang mararamdaman ni bossing. Sana lang ay maging ayos na nga si bossing.
————————————
————————
Unedited. Please bear with my errors.
YOU ARE READING
Mafia Encounter Book 1 (Completed)
Historical FictionSeason 1! An existed mafia boss named Luna Venice Winchester she was the boss of a large mafia organization in the world she only want is to find the killer who murdered her family but the destiny seems liked to play with her because she send in the...