Third Person PoVMag aalas-sais na ng hapon at handa na ang lahat sa gagawing pag aalsa ang iba ay abala na sa pamilihan para maki halubilo sa ibang tao duon at ang iba naman ay hinahanda na ang mga armas na kanilang gagamitin.
Isa isang inabutan nila Ryan, Jensen, Clark, Cedric at Damien ang mga miyembro ng ibat iba klase ng baril na kanilang nadala. Itinuro narin nila sa mga miyembro kung paano iyon gamitin.
Si Venice naman ay naka suot na ng itim na leather jacket at pinarisan nya din ito ng itim na leather pants at boots. Kung pag mamasdan mong maigi si Venice ay muka itong action star dahil sa suotan nito.
Nang mabigyan na ang lahat ay kumuha na din sila ng kanya kanya nilang baril.
Dumeretsyo na silang lahat sa kakahuyan malapit sa pamilihan kung saan ang mga sunod-sunod na pag sabog gamit ang dinamita ang mag sisilbi nilang go signal para umatake.
Ayos na ang lahat lahat at go signal na lang talaga ang kanilang hinihintay. Napa tingin si Venice sa suot nyang relo 5:59 na at ilang segundo na lang ay mag sisimula na ang gyera sa pagitan ng mga espanyol at tulisan.
Saktong alas-sais ng sunod-sunod na pag sabog ang kanilang nadinig kaya lahat sila ay nag sitakbuhan na at pumwesto sa bawat kanto ng lugar.
Bawat gwardya sibil na makikita nila ay kanilang binabaril. Halata naman na nag eenjoy ang lima sa kanilang ginagawa dahil nakuha pa nitong mag kasatan.
"Akala ko dre kinalawang kana dahil sa tagal mong nabakante! Akalain mo yun asintado ka parin" pabirong sigaw ni Jensen kay Cedric.
"Gago never kinakalawang ang long ranged shooter na katulad ko!" Sigaw naman pabalik ni Cedric.
Tumawa na lang ang iba dahil sa mga kayabangan nila. Nag simula ng mag hiwahiwalay ang iba ganon din si Damien at Clark samantala naman si Ryan, Jensen at Cedric ay ang mag kakasama.
Dumating na ang mga hukbo ng mga gwardya sibil na pinamumunuan ni Heneral Sergio na may hawak din na malalakas na klase ng baril.
"¡MATÁLOS!"
(KILL THEM!) Malakas na sigaw ng Heneral sa kanyang mga tauhan bago pa makarating sa mga tulisan."FUEGO!"
(FIRE!) Malakas na sigaw nya at sunod sunod na putok ng baril ang mga umalingawngaw sa buong paligid ang bawat tao ay nag kakagulo habang ang araw at gabi naman ay nag aagaw dilim.Ang ilan sa mga tulisan ay abala sa pag sunog ng mga bahay ng mga Don at ang iba naman ay sinadya na tambangan ang ibang opisyales na kanilang nakikita.
Bawat palitan ng putok ng baril ay may buhay na nawawala at naliligtas. Tanging kalayaan lamang ang inaasam ng mga tulisan laban sa mga lapastangan, mapag linlang at buwayang opisyal ng mga espanyol.
Marami na din ang inosenteng nadadamay dahil sa palitan ng putok ng baril. Mga ingay ng pag sabog, ng baril at sigaw ng mga umiiyak na mamayan ang maririnig mo sa buong bayan.
Sa kasamaang palad naman ay tinamaan ng bala si Ryan sa binti nya at pasalamat na lamang sya dahil daplis lang ito.
"Pre kaya mo ba?" Nag aalalang tanong ni Jensen habang patuloy na nakikipag palitan ng bala.
"Oo naman pre kaya ko pa sa gwapo kong ito sanay na akong habulin ng mga chix kaya ayos lang ako" mapag biro nitong sabi habang napapangiwi na lang sa hapdi na nararamdaman.
"Lol tinatanong kita dahil baka gusto mong tumawag na ako ng punenarya tapos ipag shopping na din kita ng barong na susuotin mo sa burol mo" lokong sabi naman ni Jensen at tumawa ng malakas hindi alintana ang bawat putok ng baril na nadidinig nila.
YOU ARE READING
Mafia Encounter Book 1 (Completed)
Historical FictionSeason 1! An existed mafia boss named Luna Venice Winchester she was the boss of a large mafia organization in the world she only want is to find the killer who murdered her family but the destiny seems liked to play with her because she send in the...