Chapter 4

400 13 9
                                    


Luna Venice Winchester PoV.




"Wanna die Damien Lee?"

"Chill bossing" sagot ni Damien sakin at kabado akong nginitian.

"Alis!" I said. Kaya naman nag madali syang umalis kaya tumambad sakin yung apat habang naka taas ang mga kamay.

"Bossing parang awa mo na pag bubutihan pa namin ang pag hahanap at pag mamanman" pag mamaka awa sakin ni Jensen habang yung tatlo ay akala mo mga tutang takot na takot tss mga duwag.

Agad akong lumapit sa kanila at pinag babatukan silang lahat. Kahit kelan talaga puro mga kalokohan.

***

Jensen PoV

"Dre sigurado kabang dito mo nakita yun? Kase pag hindi patay nanaman tayo kay bossing nyan" reklamo ni Ryan habang kakamot kamot ng ulo nya.

"Oo dre dito talaga" sagot naman ni Cedric kay Ryan.

"Hoy Yoon tingnan mo kaya yung cctv footage" asar kong sabi kay Clark.

"Ano ba yung ginagawa ko?" Pabalang nyang sagot sakin akmang babatukan ko sya kaya lang ay may chix na dumaan kaya napa tigil ako.

"Hi miss im Jensen and you're?" Pakilala ko at tinanggal ko din yung shades ko bago lumayo sa apat na ugok at lumipat sa kabilang lamesa pero bago pa man ako maka lipat ay agad nang may humitak sa suot ko T-shirt. Tss epal.

"Hoy! Hoy! San punta mo? May trabaho tayo?" Hitak sakin ni Ryan kaya naman napa upo na lang ako at masama syang tiningnan.

"Sus selos ka lang kamo" pang aasar ko sa kanya. "E kese nemen ekew mesyede keng ene dyen" sagot nya masuka suka ko naman syang tiningnan. "Ulol mo!" At nag pakyu sign pa ako sa kanya.

"Oy ano to? Ano to? May nagaganap bang sulutan dito?" Pang eentrata naman ni Cedric.

"Baby Ced you know naman na ikaw lang one and only baby ko" sagot sa kanya ni Ryan at hinaplos pa ni Ryan ang dibdib ni Ced tss mga bakla.

"Hoy ano na Yoon?" Tanong ko muli kay Clark kanina pa pa sya naka tutok sa laptop nya pero wala pa don syang sinasabi.

"Hoy ugok nanunuod ka na lang ata ng porn dyan!" Muli kong sabi sa kanya.

"Siraulo!" Sabi nya at syaka ipinakita samin yung cctv footage.

"Mga dre nag tataka kase ako bigla syang nawala sa footage kaninang pag pasok natin diba? Napaka imposible nun!" Reklamo nya.

Mukang may alam na ako. Kaya naman napa tayo na lang ako at hinitak si Ryan.

"Hoy san kayo pupunta?" Tanong ni Clark.

"Mambabae kayo no?" Si Cedric.

"Tss may bromance lang mga yan" si Damien. Kaya naman sabay kaming napa lingon sa kanya ni Ryan at pinakyuhan sya.

"Basta mga pre dyan lang kayo at mag manman may aasikasuhin lang kami ni Ryan" sagot ko at hinitak na yung ugok.

"Pre san ba tayo pupunta?" May pataas taas pang kilay na nalalaman si Ryan siraulo ampt. "Basta alam kong kanina mo pa gustong iputok yan" sagot ko sabay tingin dun sa baril nya.

"Hoy siraulo ka hindi ako bakla!" Sagot nya habang kunot nuo. Luh siraulo to? "Sinasabwe mwe?" Tanong ko at nauna nang mag lakad sa kanya paakyat ng rooftop.

Nang maka akyat na kami sa rooftop ay agad kong inilabas ang handgun ko. "Pre ilabas mo na para maiputok mo na yan" sabi ko habang tumitingin tingin sa paligid.

"H-ha? Siraulo ka babarilin kita dya!" Napa kunot ang nuo ko sa mga pinag sasabi ni Ryan. "Yung totoo naka singhot kaba ng baygon? Adik kaba? Ilabas mo kako yung baril mo" mahinang sagot ko.

Agad naman nyang dinukot ang baril nya. Agad kong binaril yung lalaking babaril sana kay Ryan. "Dre ang bobo mo may papatay na sayo!" Sabi ko sa kanya at lumakad na para mahanap pa yung ibang nag tatago alam kong hindi lang isang kalaban ang nandito.

Nag sunod sunod nang lumabas ang mga kalalakihang naka itim at sunod sunod din nilang itinutok ang mga baril nila samin syaka kinalabit. Pero dahil gwapo ako at mas mabilis kumilos hindi ako tinatamaan ganon din si Ryan.

Hindi lang puro baril ang ginawa ko dahil pinag susuntok ko din yung mga panget nato.

Ipuputok ko na dapat ang baril ko sa huling kalaban namin nang pigilan ako ni Ryan.

"Teka pre baka mapa kanta natin yan. Dalin na lang natin sya kay boss yaan na natin syang mag desisyon sa panget na yan" suggest ni Ryan kaya napa tango na lang ako.

Binitbit na ni Ryan yung lalaki pasakay sa kotse. Sa fire exit sya dumaan.

"Ano dre anong ginawa nyo?" Tanong sakin ni Ced.

"Nag paputok" sagot ko. Bigla namang napalaki ang mata nya.

"Hindi yung iniisip mo gago!" Sabi ko ulit kase alam ko naman na na gi green minded na yung gago na yan.

"Yoon yung cctv footage sa rooftop sa fire exit basta lahat ng dinaanan namin ni Ryan linisin mo" sagot ko.

"Ge" maikling sagot nya. Abat siraulo talaga eh!

**
"Yow boss!" bati ko kay bossing nang dumating kami sa hq.

"Bossing Yow! Yow! Yow!" Lukong bati ni Cedric habang sumaludo pa ng dalawang daliri.

Si Clark at si Damien ay itinali na yung panget na lalaki. Habang ang gagong si Ryan naman ay humilata na sa sofa.

"Oy panget kumanta ka ah? Pag di ka kumanta sabog bungo mo!" Pag babanta ko dito kaya naman napa tingin sakin yung panget na lalaki habang kinakabahan sa kagwapuhan ko.

"A-ano po yung kakantahin ko?" Tanong nito nang kinakabahan.

"Kahit anong alam mo!" Sagot ko.

Nagulat ako dahil napa tikhim sya at sinimulang kumanta ng bahay kubo. Muntik na akong masamid sa sarili kong laway di ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa katangahan nung panget nato. Basta ang alam ko lang si bossing siguradong mainit na ang ulo.

"Hoy bobo mo i mean sabihin mo lahat nang nalalaman mo hindi kumanta siraulo ka!" Sigaw ko at ibinakal ko sa kanya yung suot kong sapatos.

Napa tingin naman ako kay bossing habang naka tingin sya nang seryoso dun sa pangit. Ang ganda talaga ni bossing.

Ang perfect ng ilong kase ang tangos. Tapos brown at mapungay ang mata. Ang haba din ng eye lashes. Mapupula at perpektong mga labi. Mala porselanang kutis.

Sayang lang at masungit sa lalaki yang si bossing pero maganda talaga sya muka syang anghel tapos bagay pa sa kanya yung buhok nya.

Si bossing yung unang tingin pa lang talaga maakit kana. Bukod sa maganda na matalino pa. Yun nga lang napuno nang galit ang puso nya kaya walang espasyo para sa pag mamahal.

Malabo man na magustuhan ako ni bossing pero hinihiling ko na lang na mahanap nya yung lalaking mag papasaya sa kanya.

Natauhan na lang ako nang biglang sanggiin ako ni Ced.

"Pre mag kasama lang tayo iniisip mo pa ako." Biro nya sakin kaya naman agad ko syang pinakyuhan at binatukan.

"Ulol kabaklaan mong gago ka!" Sigaw ko sa kanya.

"Wala akong alam sa mga sinasabi mo basta ang sabi lang samin manmanan kayo" dinig kong sagot nang panget.

"Hoy panget siguraduhin mo lang!" Sabi ni Ryan.

"Wala talaga wala akong alam kaya please lang pakawalan nyo na ak-----"

"Beng!" Si Ced.

"Tss" si Damien

Kawawang nilalang. Pero wala naman akong paki sa kanya basta gwapo pa din ako.


————————————
————————
Unedited. Please bear with my errors.

Mafia Encounter Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now