Jensen PoV
Nandito kami ngayon nila bossing sa quarters ng mga tulisan sila bossing at yung iba nasa loob kausap si Ka Nardo while me? Lumalande. Charot!
Nag yoyosi ako dito sa labas habang naka upo sa putol na katawan ng puno. Nabobored kase ako sa loob lalo pa at hindi ko makita ang babe ko.
"Mahal ko!" Agad akong napa lingon sa tumawag sa akin non at doon ay nakita ko si Loisa na naka ngiti sa akin kaya naman napatayo ako at naitapon ang hawak kong yosi syaka sya nginitian. Napaka ganda at mahal na mahal ko talaga ang babaeng to.
"Kanina pa kita hinahanap ngunit hindi kita masumpungan nandirito kalang pala" sabi nya at lumapit sa akin. Inalalayan ko syang maupo sa kahoy na inuupuan ko.
"Nasabi ko na ba sayo mahal ko na napaka ganda mo sa paningin ko?" Sabi ko at hinagkan ang kamay nya.
"Ilang beses ko nang nadinig iyan mula sayo mahal ko" namumula ang mga makinis nyang pisngi dahil sa sinabi ko.
"Eto na lang mahal ko nasabi ko na ba sayo na mahal na mahal kita?" Sinsero kong sabi sa kanya. Hinawakan naman nya ang mga pisngi ko bago mag salita.
"Milyong beses ko man na madinig yan mula sa iyong bibig hinding hindi ko pag sasawaan iyon mahal ko" seryoso nyang sabi sakin kaya naman napa ngiti ako.
"Mahal kita, i love you so much mahal ko" sabi ko at hinalikan ang noo nya.
"Mas mahal kita mahal ko" sabi nya at bahagyang piniga ang pisngi ko.
"Mas mahal kaya kita" sabi ko habang naka nguso.
"Ewan ko sayo" natawa na lang ako sa reaksyon nya.
"May sasabihin nga pala ako sayo mahal ko" bigla syang sumeryoso kaya naman napa seryoso din ako hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ng malakas ang dib-dib ko.
"Hmmm ano yun?" Buti na lang hindi ako nautal takte.
"Naalala mo ba yung kinuwento ko sayo na hinahanap ko ang ama kong espanyol?" Naalala ko nga yun. Yun yung araw bago sya dakpin ng mga gwardya sibil.
"Oo mahal ko ano ang tungkol duon?" Napa kagat naman sya ng ibabang labi nya at bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata nya pero naka ngiti sya sa akin.
"N-nakita ko na sya mahal ko" bigla akong napa ngiti sa sinabi nya sa akin dahil sa wakas nakita nya na ang kanyang ama.
"Wag kanang umiyak nakita mo na pala sya eh" sabi ko at pinunasan ang mga luha nya bago so sya dinampian ng mabilis na halik sa labi nya.
"Hoy ang lalande nyo!" Inis kong nilingon ang siraulong si Cedric pero ang gago tinawanan lang ako.
"Umalis ka na nga dito!" Sigaw ko at akmang ibabato ko sa kanya ang suot kong tsinelas at pinigilan naman ako ni Loisa.
"Sus ang lande mo lang kamo Brewer PDK kayo!" Sabi nya habang tatawa tawa pa. Anak ng tokwa ang gago talaga ng gago nato.
"Ulol inggit ka lang kamo!" Pinakyuhan ko pa sya pero ang loko ay tinawanan lang ako.
"PDK?" Napa tingin naman ako kay Loisa na naka kunot ang noo.
"Oo PDK public display of kalandian" sabi ni Cedric at nag tatakbo na habang tatawa tawa. Kung ano ano ang nalalaman ng gago.
Tumayo na ako at pinag pagan ang sarili ko bago ko iabot kay Loisa ang kamay ko at bumalik kami sa quarters.
Ryan PoV
"Grabe noh konti na lang matatapos na tayo sa mission natin dito" biglang sabi ni Clark ako naman ay mapait lang na napangiti kase naman hindi na namin hawak ang oras namin dito baka mamaya, bukas sa isang araw aalis na kami nakaka lungkot kase parang nasanay na kami sa panahon nato.
"Parang ayoko na ngang bumalik sa present time" malungkot ang pag kakasabi ni Jensen kaya parang nalungkot din ako.
"Ako nga din eh dito na lang kaya ako?" dugtong ko pa.
"Lol kayong dalawa sabihin nyo kamo may mga chikababes lang kayo dito!" Mayabang na sabi ni Clark. Ako may chikababe dito? Ayaw nga sakin nung babaeng yun eh nuknukan ng arte tapos amazona pa sayang ganda pa naman.
"Gago ako wala! Si Jensen lang may chix dito no!" Pag tatanggol ko sa sarili ko.
"Yieee ang loyal talaga sakin ng baby ko hihihi!" Bigla naman umakbay sakin si Cedric mandidiri na sana ako pero mas pinili ko na lang sakyan ang kababuyan nya.
"Syempre naman sayo lang kakalampag, aalindog at lilindol!" Kagat labi kong sabi sa kanya at hinimas himas ko pa ang hita. Yaks ampupu di ko maimagine na gagawin ko talaga ang bagay na yun sa totoong buhay. Weyt wala nga palang pekeng buhay.
Sinuklian naman ni Cedric ang pag haplos ko sa hita nya dahil nilaro-laro nya ang buhok ko tangina gusto ko ng masuntok ang gago. Nakakadiri mga men pero kailangan mo lang talagang patibayin ang sikmura mo. Curious tuloy ako bigla sa mga lalaking umeextra sa mga gay anong feeling?
"Gago! Kadiri kayo!" Sigaw ni Clark at binakal pa kami ng unan.
"Kabaklaan nyong hayup kayo!" Diring diring sabi ni Jensen.
"Wow coming from you" sarkastiko kong sabi at ibinakal sa kanya ang unan.
"Gago Ced dun kana kadiri kana di kana nakaka tuwa" inis ko nang sabi dahil ampucha naka lingkis pa din sakin.
"Hehe sorry na carried away lang" sabi nya at lumayo sakin. Siraulo ang hayop. Teka bakit nga pala wala dito si Damien kanina lang pag uwi namin nandito yun ah?
Tumayo na ako at nag lakad palabas ng balkonahe kung saan matatanaw mo ang malawak na hardin. Medyo madilim na dahil nag aagaw na ang liwanag at dilim pero kita mo pa naman ang paligid. Inilibot ko ang mga mata ko baka kase nandito lang si Damien pero pakshet iba ang nakita ko.
Si bossing at may kasama syang lalaking naka uniporme ng pang heneral. Pinasingkit ko ang mata ko para mas lalo ko silang makita ng maayos parang palihim lang silang nag kikita dahil halatang mingat ang bawat galaw nila at sa medyo tagong parte pa sila nandoon.
Pinapanood ko lang sila ni bossing habang mag kasama sila at weyt teka nga totoo ba ito? Naka ngiti si bossing?
Papasok na sana ulit ako ng kwarto para sana tawagin silang lahat pero humarang sakin si Jensen at tinaasan ako ng kilay. "San punta mo?" Naisenyas ko nalang ang hintuturo ko sa likod.
"Kung ano man ang nakita mo sayo na lang yun" maka hulugan nyang sabi at dumeretsyo sa balkonahe at pinanood din si bossing ako nama ay pinag masdan lang sya dahil nalilito ako sa mga kinikilos nya.
"Alam mo na ba to?" Takang tanong ko at tumango lang sya.
"Eto ang dahilan kung bakit pag wala si bossing wala ako. Sinusundan ko sya sa tuwing makikipag kita sya sa lalaking yan" ganon pala kaya pala lagi syang wala pag wala si bossing.
"Bakit hindi mo pinigilan si bossing alam mo naman na hindi tayo permanente sa panahong ito at masasaktan lang si bossing" seryosong sabi ko at lumapit na din ako sa kanya. Tumungo lang sya at nag labas ng yosi. San ba nya kinukuha ang mga yosi na yan?
Inalok nya ako pero tumanggi lang ako dahil wala ako sa mood mag yosi. Sinindihan nya muna ang sigarilyo nya bago tumango at ngumiti.
"Simple lang dahil nakita ko na masaya talaga si bossing pag kasama yung lalaking yan" sabi nya syaka bumuga nang usok ng sigarilyo.
"Wala naman tayong karapatan para hadlangan ang kaligayahan ni bossing dahil kahit mismong tayo ay may sarili ding kaligayahan kaya hindi din natin gugustuhin kung hadlangan ang kaligayahan natin" with that i realized many damn things.
————————————
————————
Unedited. Please bear with my errors.
YOU ARE READING
Mafia Encounter Book 1 (Completed)
Historical FictionSeason 1! An existed mafia boss named Luna Venice Winchester she was the boss of a large mafia organization in the world she only want is to find the killer who murdered her family but the destiny seems liked to play with her because she send in the...