"MA! Pupunta lang po ako sa hospital," paalam ko kay Mama habang bitbit ang paper bag na naglalaman sa lunch na niluto niya.
"Kailan ka uuwi?"
Natawa ako ng mahina sa tanong niya. Imbes na anong oras ako uuwi ang itanong niya ay iyon ang tinanong niya. Para namang magpapaconfine ako do'n.
"Kung hindi naman po malala, uuwi po ako agad."
"Sus!" Kinurot ako ni Mama sa tagiliran kaya napaatras ako.
"Ma, naman. Masakit po," sabi ko, pagkatapos ay ngumuso.
Mama gave me a meaningful smile na inilingan ko na lang. Si Mama talaga. Porque alam niya na gwapo ang Doctor ko at may pagtingin ako dito, todo siya kung makatukso.
"Take your time, sweetie. Just make sure na pagbalik mo dito okay ka na."
Tumango ako. Pero bago ako umalis ng tuluyan ay hinalikan ko sa pisngi si Mama. Si Mama kong englisera.
Nakangiti akong nag-commute papuntang GreenCity Medical Center, kung saan ako magpapacheck up. May regular check ups kasi ako do'n with my Doctor. Minsan twice a month, pero minsan twice a week din. Wala eh, trip kong mamasyal.
Kulang isang oras ang byahe at dalawang jeep ang sasakyan para makarating doon. Medyo nakakapagod pero sulit naman dahil maganda roon at sa galing ng Doctor ko, tiyak na walang tatagal na sakit sa'kin. At bonus na rin ang pagiging gwapo niya. Kapag ngumiti siya? Naku! Tiyak na matutunaw ka. Para siyang araw, nakakasilaw.
Nang makarating sa tapat ng opisina niya ay kumatok muna 'ko. Baka kasi busy siya. Pero wala namang pasyenteng naghihintay sa tapat ng office niya kaya pakiramdam ko, hindi siya busy.
Dahan-dahang bumukas ang pinto kaya I wore my most beautiful smile.
"Ms. Martin!" gulat na sigaw ng assistant niya nang makita ako.
Pati ako nagulat kasi akala ko ay si Doc lang ang nasa office. Nandito rin pala si Kuya Kyle. Kaya sigurado akong may pasyente siya sa loob or maybe he's not inside at all.
Ngumuso ako at itinaas ang hawak kong paper bag.
"Lunch," maikli kong sabi.
"Nasa operating room pa si Dr. Del Lozano, Ms. Martin. But he already told me na dadating ka kaya sa loob mo na siya hintayin."
Kuya Kyle motioned me to enter the office. Nakangiti siya habang sinusundan ako.
I put the paper bag on the glass table na nasa tapat ng mahabang sofa na kulay black. May dalawa pang sofa pero hindi mahaba. Nasa magkabilang side sila ng table.
"Malapit na ba siyang matapos, Kuya?"
Kuya Kyle looked at me worriedly bago siya umiling. Bumuntong hininga ako bago umupo sa gitna ng mahabang sofa.
"Mamayang 2 pa, Thea."
Tumango ako at tumingin sa paper bag. Inilabas ko ang tatlong tupperware na laman nito.
"Kumain ka na ba, Kuya?" baling ko sa kanya na nakatingin na sa hawak niyang cellphone.
Nagtipa siya sa cellphone niya bago bumaling sa'kin. "Thea, ayos lang ba kung iwan na kita dito? Pinapalabas na kasi ako ng girlfriend ko. Sabay kasi kaming maglunch."
Ngumiti ako at marahang tumango. "Go ahead, Kuya Kyle. Enjoy your date!"
Tumawa ito ng mahina bago lumapit sa'kin at ginulo ang buhok ko.
"Ikaw na ang bahala dito, ah? Hintayin mo na lang si Doc."
Kumunot ang noo ko. "Hindi ka na babalik?"
BINABASA MO ANG
A Writer's Diary [COMPLETE]
RomanceJames Alethea is a humble young student in Senior High in the Philippines. She wasn't interested in love or being in love because of a heart disease that she was born with. Not until her new doctor came in her life, Dr. Yves Jonathan. He's one of th...