Chapter 1

484 46 17
                                    

  ೋ
Chapter 1

Sereia's POV

LUMALANGOY ako sa gitna ng karagatan at hindi alam kung saan na ako patungo ngayon. Marami akong mga corals na nakikita, may mga isda na lumalangoy and oh!

Lumangot ako papalapit sa isang coral, may nakita kasi ako na nakakuha ng atensyon ko.

And guess what? Si Nemo!!

Napakaraming nemo na lumalangoy.
Hinahanap din kaya ng mga ito ang papa nila?

Napaisip ako bigla, kung serena ako ibig sabihin lang no'n ay kung kaya kong makahinga sa tubig, pwede din akong magsalita?

Sinubukan kong ibuka ang aking mga bibig at sabihin ang aking pangalan.
"Sererereia," hindi ko maayos ang pagkakabigkas sa pangalan ko dahil may mga kaunting bula na lumalabas sa bibig ko at baka mainom ko iyon.

Pero syempre hindi ako nawalan ng pag-asa. Inulit-ulit kong magsalita sa ilalim ng tubig hanggang sa makuha ko ang tamang pronunciation ng pangalan ko.

"Sereia,"

Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong napahiyaw sa tuwa.

"Yeessszz," umikot-ikot ako sa tubig hanggang sa aksidenteng nabunggo ako sa malaking bato.

"Hahahahaha,"

Napatingin ako sa paligid dahil may narinig akong tumawa. Sino 'yun?

Wala naman kasing ibang nilalang dito maliban sa akin at sa mga isda.

Oo, sa mga isda—wait. Tumingin ako s mga isda, lalo na sa mga nemo na nagkukumpulan at halatang nakatingin sa akin.

"Sinong tumawa?" Wala sa sariling tanong ko.

"Kami," biglang sagot ng isang nemo at umikot-ikot ito papalapit sa batong natamaan ko kanina at umaktong nabunggo ito.

Aish.

Napayuko ako sa hiya pero agad akong umangat ng tingin para tignan ulit ang mga nemo na nakatingin din sa akin. Tapos tumingin ako sa katabi kong nemo at ibinalik ang aking tingin sa mga kasamahan niya.

Tama ba ang narinig ko kanina? "Nagsasalita kayo?" Gulat na tanong ko.

Tumawa naman ang isang nemo. "Malamang," at sabay-sabay ulit silang nagtawanan.

Aish! Ano ba kasi ang nakakatawa!?

"Ah gano'n ba.. pasensya na at hindi ko alam, bago lang kasi ako dito," saad ko.

"Bakit? Saan ka ba nanggaling?" Tanong naman sa akin ng isang nemo.

"S-Sa ano... sa lupa," nasagot ko nalang. Hindi naman naniwala sa akin ang mga ito at tumawa ulit.

Napanguso nalang ako. Hindi naman ganito si nemo na napanood ko ah.

"Totoo ang sinasabi ko," sabi ko sa kanila habang ngumunguso parin.

Atlantis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon