ೋ
Chapter 3Sereia's POV
Patungo kami ngayon sa loob ng palasyo ng Darya kasama si Aillard. Ang sabi niya kasi ay dito daw lahat ng matataas ang rango sa Atlantis tumitira. Doon kami mag-uumagahan ngayon at doon niya rin ako ipapakilala sa mga kasama naming guardian.
Nang makarating kami doon ay pina-upo niya muna ako sa isang lumulutang na bato. Meron din sa paligid no'n at iyon ang inuupuan namin. Meron sa baba, meron sa gitna, kahit saan, lumulutang ang mga ito na tila ba may mahikang nakalagay rito.
Maya maya pa ay pa ay may naupong dalawang lalaki sa lamesa namin. Nagtaka naman ako, hindi ba't ang upuang iyan ay sa kasama naming guardian? Bakit diyan sila umupo?
Bumaling ako kay Aillard para mag-tanong. "Nasaan na ang ating kasama?" Tanong ko rito.
Bahagya siyang napatanga sa sinabi ko at tumingin sa harapan namin kung saan nakaupo ang dalawang lalaking kakarating lang. "Sila ang kasama natin, Sereia," anito sabay turo sa dalawang lalaki.
Ang isa ay may pagka-play boy ang mukha, ang isa naman ay parang wala sa mudo na nakatingin lang sa akin.
Huwag mong sabihin na ako lang ang nag-iisang babae?
"A-Ako lang 'yung b-babae dito?" Tanong ko kay Aillard habang nakaturo sa sarili ko.
Tumango naman siya. "Yep," itinaas niya ang kanyang kamay at itinuro kaming lahat. "You're the rose, among the thorns,"
Dahil sa sinabi niyang 'yun ay agad umangal ang isang lalaki. "Mukha ba akong tinik, Ail?"
"Uh-ha!" Pagsang-ayon ni Aillard sa kanya habang tumatango.
Agad namang nalukot ang mukha ng lalaki, ang kanyang katabi naman ay tahimik lang na naka-upo at nakatingin sa akin.
Bakit ba ako tinitignan nito?
Bahagya akong umiwas ng tingin dahil medyo na-ilang ako sa titig niya.
"I'm Lorcán Hal," pagpapakilala ng isang lalaki sa akin. Tinanggap ko. naman iyon at nagpakilala din.
"Lyr Gavril Mather," pagpapakilala naman ng lalaking kanina pa nakatingin sa akin.
Biglang dumating ang isang serenong may hawak na malaking kabibe, sa loob no'n ay nandoon ang aming pagkain.
Nagsimula na kaming kumain, katulad ng inaasahan ko ay maingay nga si Aillard at Lorcán, ako naman at si Lyr ay tahimik lang na kumakain.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay may narinig akong mga ingay sa malayo. Pinagkakaguluhan kasi ng mga serena't sereno ang isang lalaki na mukhang waiter, sereno din ito at may hawak na pagkain. Nagulat ako sa biglaang pagtayo ni Lorcán at Aillard.
"Sa'n kayo pupunta—" hindi na nila sinagot ang tanong ko at nagpaunahan makapunta sa serenong may hawak na pagkain.
"Bakit nila pinagkakaguluhan 'yun?" Tanong ko kay Lyr.
He shrugged before answering my question. "Every first week of July, they serve the most delicious delicacies in Darya. Iyon ang dinadalo ng mga karamihang mermaids and mermans rito,"
Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. "Meron pa ba niyang bukas?"
"Yeah," sagot naman niya kaya napatingin ako rito ngunit nagulat ako nang makitang nakatingin na pala ito sa akin.
Kanina pa ba ako nito tinitignan?
"Pwede ka ring kumuha diyang mamaya, kung gusto mo," suhestisyon pa niya.
"Bakit mo ako tinitignan?" Kyuryos na tanong ko sa kanya.
Tinignan niya naman ako sa mga mata. "Your gunmetal blue eyes are so alluring, I can't stop myself from looking at it."
Napayuko naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kong binobola ba ako nito o baka naman niloloko niya lang ako.
"E-Ewan ko sayo," sabi ko sabay iwas ng tingin.
Rinig ko ang pagtawa niya. 'Di nagtagal ay dumating na rin sina Aillard at Lorcán na may dalang pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay dumeretso kami sa pond daw nila na kung saan doon sila nag-aaral.
Nagtaka pa ako nung una dahil parang may dinaanan kaming kweba. Medyo pasikot-sikot din ang daan.
Lumangoy sila pataas kaya kahit nagtataka ay sinundan ko sila. Pag dating namin sa taas ay nagulat ako s aking nakita.
Hindi ko inaasahan 'to...
"Ang ganda.." saad ko at hindi mapigilang ilibot ang aking paningin sa paligid.
Para kaming nasa loob ng isang kweba, hanggang bewang nalang ang tubig ngayon at nasa isang hindi kalakihang bilog kami ngayon. Parang pond nga. At sa itaas niyon at may maliit na butas, kitang-kita namin ang sinag ng buwan doon.
Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin kanina ni Aillard. Kahit gabi ay pumapasok sila, at walang oras ang kanilang pag-aaral, kung kailan mo lang daw gustong mag-aral at matuto. Ayaw daw kasing pilitin ng mga magulang ang mga batang serena at sereno na mag-aral kung hindi nila ito gusto, dahil mas lalong mapipilitan lang sila, sabihin na nating may natutunan nga sila ngunit madali nila itong makakalimutan dahil hindi nila isinasapuso ang kanilang ginagawa.
Isa daw sa kultura nila na dapat ay kung gagawin mo ang isang bagay, huwag mong gawin dahil inutos ng iba, gawin mo dahil gusto mo.
"Let's start," nahimasmasan lang ako nang marinig magsalita si Lyr.
Nakita ko ang iba kong kasama na nasa dulo na ng pond kaya pumunta din ako doon.
"Since you're new here," tumingin sa akin si Lyr. "Ikaw muna ang tuturuan ko,"
Tumango tango lang ako sa sinasabi niya. "First is heterology,"
"Heterology is the study of the elemental waters, kailangan mong malaman kung ano ang iba't-ibang uri ng tubig nang sagayon ay matutunan mo kung paano gamitin ang 'yong kapangyarihan,"
Wait, what? Tama ba ang narinig ko? "Kapangyarihan?" Paglilinaw ko sa kanya. "As in, powers?!" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Alam kong bago lang ako dito at wala pang masyadong alam pero di ko ineexpect na may mga ganito.
Tumango naman sa akin si Lyr, itinaas niya ang kanyang kanang kamay at biglang nagtaasan ang mga tubig!
OMG!! Totoo ba 'to!
If this is a dream, gusto ko nang magising, huhuhu!

BINABASA MO ANG
Atlantis
Fantasy[On-Going] Highest Rank Achieved: #3 in Mermaids Sereia is just a simple girl with an exquisite beauty. Halos lahat ng lalaki ay nagkakandarapa dito. A money, beauty, brain.. everything. Everyone thought she has 'everything' but there's one thing th...